Party
THE yacht was loaded. Talagang puno ito ng mga tao na handang sumali sa party. At hindi lamang iyon pangkaraniwang party lamang.
Puno ang lugar ng mga alak, malakas na music, mga taong sumasayaw at nagsisigawan. Abalang-abala sina Waren at Francine sa pagentertain sa lahat lalo na sa kanilang mga kaibigan. This night is going to be a blast for everyone.
Sumimsim si Austin sa hawak niyang bote ng beer habang hindi parin natatanggal ang tingin sa ibabang palapag ng yate. Doon sa ibaba ang party para sa mga babae at dito naman sa itaas ang sa mga lalaking kaibigan ng groom gaya nila.
Nagsisimula nang dumilim ang paligid pero kung tutuusin parang nagsisimula pa lamang ang kasiyahan dito. Nabubulabog narin siguro ang mga lamang-dagat dahil sa ingay na nanggagaling sa yate lalo pa at nasa gitna sila ng katubigan. Medyo may kalayuan sa Isla.
"Huwag kang masyadong tumingin enjoyin mo rin ang gabi mo pare. Hindi iyan mawawala. Tignan mo pare..." Brandon spread his arms wide and laughed. "Nasa gitna tayo ng dagat!"
"Ine-enjoy ko ang gabi ko brad wag kang mag-alala." Ani Austin na nakangisi at di parin natatanggal ang tingin kay Jane na nandoon sa ibaba kasama nina Gail at Francine, at nang iba pang mga babae.
Umiling si Brandon at tinapik siya sa balikat. Nag-give up narin agad at dinalohan siya sa pagdungaw sa ibaba.
"P*ta parang mas gusto ko rin don sa ibaba bro. May mga babae."
Natawa si Austin at lumingon saglit sa mga kasama nilang naroroon sa loob. Parang mga hinayupak na nakawala sa hawla. Para kay Austin ayos lang siya dito basta ba nagagawa niyang panoorin ang magandang tanawin sa ibaba nang walang pinapalagpas na minuto.
"Alam mo. Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin pero, hinay-hinay lang pare. Ayaw kong may masaktan sa inyong dalawa." Pareho na silang nakatingin kay Jane na nakikipagtawanan at mukhang nakakasundo ang mga kasama sa ibaba. Katabi nito si Gail na kumportableng nakahawak sa braso nito.
"Aminin man natin o hindi, kailangan mo na sigurong ayosin ang tungkol kay Margo. Isang malaking eskandalo ito Austin. At alam natin pareho kung ano'ng susunod na mangyayari. Sayo, sa chairman." Tumango ito sa direksyon ng tanaw nila sa ibaba. "Kay Miss Jane."
"Ayaw ko siyang masaktan. At ayaw ko naring maghintay para sa mga ala-alang nawala sa'kin. Pero nirerespeto ko ang gusto niya. Aayosin ko ang lahat, sa lalong madaling panahon."
"Alam kong baliw ka na noon pa man pare. Pero hindi ko alam na kahit wala ka nang maalala, mas malakas parin pala'ng tama mo."
Nagkatinginan ang dalawa at pagkuway sabay na naiiling na natawa.
"Pati ako nagugulat sa sarili ko pare. Akala ko paggising ko wala na 'kong kinakatakotan. Balewala na sa'kin ang lahat eh. Pero ngayon, sino'ng mag-aakalang magkakatagpo kami dito sa resort. Ni hindi ko alam kung hangang saan ang kaya kong gawin para sa kanya. Pero isa lang sigurado ako pare... Ayaw ko siyang mawala ulit."
Pinalipas muna nila ang ilang minuto sa pagnamnam sa simoy ng hangin at pagmamasid sa ibaba bago nagawang magsalita ulit ni Brandon.
"Pasensiya ka na kung pinaglihiman kita bro. Pagkatapos nang aksidente mo, medyo naging delikado para sayo ang lahat. Pero alam kong darating din ang pagkakataong ito. Sobra kang tinamaan sa kanya mula pa noon, kaya alam kong mahirap maghanap ng babaeng hihigit pa sa kanya."
Tumango si Austin at tipid na ngumiti. Tumungga ulit ito sa hawak na beer. "Alam mo iyong nakakatawa. Iyong pinagpapantasyahan ko na siyang maging akin kahit hindi ko na siya kilala. T'ngina... Ni hindi ko makalimutang nayakap mo siya noong isang gabi. Nakakabaliw iyon. "
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...