[Enjoy! Stay safe sa inyo palagi. Leave votes and comments parin po. Maraming salamat.😊]
familiar
UMILING ang bata at nagsimulang maiyak habang kaharap ang nakaluhod na ama. Banaag sa boses nito ang pagtatampo at lungkot.
"No... You can't go daddy... You promised..." tila nagsusumamong anito.
Mas lalong lumambot ang hitsura ni Austin at pinilit na aluin ito habang nakangiti. "Babalik ako. O huwag kang umiyak. Nagpromise naman ako diba? Eto na iyon. Babalik ako anak."
Mas lalong umiyak si Tia. Napapunas si Jane sa pisngi at medyo napaiwas ng tingin habang nakamasid sa kanyang mag-ama. She could feel her daughter is confused and scared she might never get to see her daddy again.
"Tignan mo anak. Nalulungkot narin tuloy si Mr Pooh. Ayaw ka niyang makitang umiiyak ngayon."
"No... daddy!" She pushed the stuff toy Austin used to calm her down and hugged him on the neck. Pumalahaw na ito ng iyak. "You can't go! You promised me..."
Nanginig ang kamay ni Austin habang hinahagod sa likoran ang anak. Napapikit siya ng mariin at napabuga ng hangin.
Isang mahinang tikhim sa likoran. "Sir?"
Tumayo si Austin habang yakap parin ang umiiyak na anak. Lumipat ang tingin ni Jane mula sa mga sundalong nakabantay at agad niyang nilapitan ang kanyang mag-ama.
"Baby it's time. Daddy needs to go now," punong-puno ng pagsuyong alo niya kay Tia. Marahan niya itong kinuha kay Austin kahit medyo umayaw pa ito.
Kitang-kita ni Jane ang sakit sa medyo namumulang mata ni Austin pero nagagawa parin nitong ngumiti sa anak nila. Napapahikbi parin si Tia habang kaharap na nila ang daddy nito at nakakapit sa ina. Tumabi si Chester sa kanila at marahang pumisil sa balikat ni Jane tila sa pamamagitan non magagawa silang bigyan ng lakas.
Inilahad nito ang kamay kay Austin. "Pare."
Tinanggap ito ni Austin at ilang sandali silang nagpalitan ng mariing tingin. Tumango si Austin bago muling bumaling sa mag-ina niya at niyakap ang mga ito.
"Babe, pangako..." mahinang bulong niya.
"Alam ko. M-mag-iingat ka palagi... Please..." Namamaos ang boses ni Jane at pinilit na ngumiti.
Ngumiti si Austin at huminga ng malalim. Tumingin naman ito kay Tia.
Jane was speechless when Austin pulled his dog tag. The chain emediately loosened. Kinuha nito ang kamay ng anak nila at inilagay iyon doon. "Puwede mo bang itago ito para kay Daddy?"
"Austin?" nagugulohang sabi ni Jane. Even the soldiers behind looked at each other upon seeing what he did.
"O-ok daddy." Mahinang tugon ni Tia bakas parin ang pag-iyak niya kanina.
He can't leave that behind. It is part of his identity. If anything happens to him, that dogtag will be the only thing that will identify him. Kahit pa alam niya at ipapanalangin niyang walang mangyayaring masama dito, he can't do this.
Umiling si Jane may pag-aalala sa mukha ngunit agad siyang hinaplos sa pisngi ng asawa. He looked at her reassuringly. "Gaya ng sinabi ko, babe. Gagawin ko iyon ng ligtas. Walang mangyayaring masama sa'kin sisiguradohin ko iyon."
Napakagat sa ibabang labi si Jane at tumango. Mabilis silang hinalikan ni Austin sa noo.
"Aalis na ako anak. Mahal ka ng daddy, hm?"
"I love you daddy." She softly answered. Her small hands reached out to her father and hugged him a bit......
GOODBYES will never be exchanged for any of them. Jane will never ever say that word. Not now, as long as she bears the promise that he will be returning home again, safe and sound. God will be his way. She will always pray for him, that wherever he is and whatever he is doing right now, he will be safe.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...