kabanata 5

3.6K 243 88
                                    

Competition

She went out of her brother's car at sumilip muna sa loob non bago maisara ang pinto.

"Your niece will surely want some ice cream when she sees you. Huwag mo siyang pagbigyan. Sunduin mo lang siya sa school nila at dumiretso na muna kayo doon sa apartment. I will cook dinner tonight."

Sinuklian siya nito ng isang tikom-bibig na ngiti. Pinaningkitan na niya ito ng mga mata dahil sa nararamdamang hindi sinsero ang kapatid sa narinig. Her daughter has exceptional sweet tooth na kailangan niyang pagbawalan minsan lalo na kapag hindi pa kumakain. Doctor ang kapatid niya pero madali lamang itong nakukumbinsi ng baby niya lalo pa at spoiled dito si Atheya.

"I'm serious Ches she won't eat her dinner if you give her ice cream right away."

Tumango ito at nagtaas ng mga palad.

"Alright I get it, big sis. Now go." Kumindat pa ito sa kanya at tumawa. "I still have a date with my niece."

Naiiling niyang sinarado ang pinto ng sasakyan at naglakad papasok sa restaurant kung saan sila magkikita ng kameeting niya ngayong hapon.

Nasa bungad pa lamang siya nang namataan siya ng lalaking nakaupo sa isang table di kalayoan. Kumaway ito sa kanya kaya nakangiti siyang dumiretso doon.

"What do you want to eat?" tanong ni Max habang ipinaghihila siya ng upuan.

Umiling siya nang makaupo na ulit ito sa kaharap na upuan. Ibinaba niya ang hawak na folder sa ibabaw ng lamesa. "I promised Tia that we'll have dinner mamaya. It's Chester's one afternoon off before his busy schedule shoots up again."

Tumango si Max sa kanya. "Can we have coffee then?"

"Sure," nakangiting sang-ayon niya rito. Tinawag ni Max ang isang waiter para makaorder na sila. Pinakinggan niya ang pakikipag-usap ni Max sa waiter na tumutugma sa kapeng madalas niyang orderin. She smiled while she started preparing the portfolio for this meeting.

She is no longer a teacher. She had loved teaching. That was her dream since she was a child. She grew up admiring her mother being a teacher herself kaya noong pinutol niya ang koneksyon sa kanyang pamilya, pakiramdam niya nawalan narin siya ng gana sa propesyong iyon. Pakiramdam niya wala na siyang karapatang magturo. Ang pagkabigo sa kanya ng kanyang ina ang nagtulak sa kanya upang magpakalayo-layo.

She's also a mother now. Itinuon niya ang lahat ng atensyon sa kapakanan ng kanyang anak. Because that's what a mother should do. Kahit anong mangyari, hindi niya susukuan ang anak niya.

Nag-aral siya ulit at ngayon unti-unti naring lumago ang sarili niyang bakery. It's been a while when she started baking and opened up her own baking shop. A lot of her costumers loved it at marami naring mga restaurants, hotels at events silang kine-cater pagdating sa pastries and cakes. Iyon ang dahilan ng meeting nila ni Max ngayon. She was offered a business proposal to open up another branch of her shop sa isang beach resort. Isang malaking bagay na iyon sa kanya lalo pa at malaking kumpanya ang nag-offer sa kanya non.

"May gusto ka pa bang itanong?" tanong ni Max sa kanya matapos ng masinsinang pag-uusap nila.

Sumimsim siya sa kanyang kape. "So it's going to be a competition? I will be competing with different bakery shop owners doon mismo sa resort?"

Tumango si Max sa kanya. "Jane when you win that competition, that's the time that you will be offered the opportunity to open up your own shop doon mismo sa resort. Any expenses for the shop will be covered by the company until you are fully settled and ready to run the shop on your own."

Alam niyang hindi basta-basta ang proposal na iyon noong sinend sa kanya ni Max pero hindi niya inakalang ganito pala kalaki iyon. 30 different bakery shops ang kasali at sa loob ng dalawang linggo mangyayari ang kumpetisyon. She won't have any problems going to that resort pero inaalala niya ang kanyang anak.

🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon