Mr Stranger
Sunod-sunod na putok ng baril ang nagliliparan sa paligid. Imahe ng mga tumatakas na grupo ang patungo sa isang madilim na tunnel. Lahat ng iyon ay tila isang ala-ala na lang na pilit sumusulpot sa isang panaginip. Isang babaeng buntis at isang matandang lalaki, kasama ng isang sugatang nakaakbay sa kanyang kapwa sundalo bilang suporta, binagtas nila ang kadiliman kasabay ng tilamsik ng itim na tubig sa malaki at pabilog na tunnel na iyon.
Takot ang nanaig sa dalawang sibilyang nailigtas sa kanilang kulongan lalo pa at naririnig parin nila ang pagsunod sa kanila ng mga armadong sindikato. Isang beeping device ang hawak ni Thor sa kanyang kaliwang kamay na siyang magtuturo sa kanilang daan paalis sa lugar na ito. Madaming lagusan ang tunnel at kung hindi nila kabisado ang dadaanan hindi na sila makakalabas dito ng buhay.
"They're catching up." Ang pag-imporma ni Volt habang iniinda ang matinding sakit sa kanyang sugatang binti.
"We will make it out if we reach the sea." Giit ni Thor at mas determinadong umagapay sa kasama upang mapabilis ang kanilang pagtakbo.
Sa isang sandali parang isang makapal na ulap ang pilit na humaharang sa mga kasunod na pangyayari gayunpaman ay hindi natakpan non ang isang malakas na pagsabog.
BEEEEP! BEEEEEP! BEEEEEP!
Napabalikwas ng bangon si Austin. Hindi mapigilan ang kanyang paghawak sa ulo dahil sa isang matinding sakit na tila sumusupil sa kanyang pandinig. Halos hindi na siya makahinga, para siyang sinasakal at nililipasan ng hangin sa baga. Pawis na pawis siya at medyo nanginginig.
Ilang buwan narin ang nakakalipas pero magpahangang ngayon hindi parin siya nilulubayan ng kanyang mga panaginip. Sa ngayon, para na 'tong isang bangungot ng nakaraan. Hindi katulad ng mga unang beses na nangyari ito, pinakamasakit sa ulo kapag tungkol na sa pagsabog ang kanyang napapanaginipan. May mga pagkakataong gumigising narin siya dahil sa sariling mga sigaw. Wala siyang kontrol sa sarili kapag nangyayari iyon. Para siyang dinadala doon mismo sa lugar ng kung saan nangyari ang mga pagsabog.
Kahit sa ilalim ng mainit na shower, nakapikit parin ang binata habang ninanamnam ang pagdaloy ng mainit na tubig sa kanyang katawan. Kitang-kita sa kanyang malapad na likod at ilang parte ng kanang braso ang mga marka ng tama ng baril at galos na ilang buwan nang naghilom.
Habang nagbibihis tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa malaking kama. Nilapitan niya iyon habang inaayos ang suot na uniporme.
"Bro hindi mo kami iindyain hindi ba? Kasal ko na iyon pare."
Napangisi siya nang marinig na naman ang litanya ng kaibigan. Nong isang araw pa siya pinapaalalahanan ni Waren tungkol sa kasal nito.
"Austin nakausap ko na si kuya Anton. Huling araw mo na ito at ibibigay na sayo ang hinihiling mong bakasyon. Isang linggo sa beach resort at sigurado akong maeenjoy mo iyon bro. It's also time for you to relax. Kumpleto ang buong barkada kaya di ako makakapayag na wala ka doon."
Matapos kunin ang sombrero at maisuot iyon pinulot na niya ang cellphone at nilapit sa bibig.
"Darating ako pare wag kang mag-alala."
"Teka susun---"
Pinatay na niya ang tawag at sinuksuk iyon sa kanyang bulsa habang palabas ng silid. Hangang ngayon pakiramdam niya maraming nagbago. Ni hindi na niya makilala ang sarili. Alam niyang may malaking balakid na pumipigil para tuloyan na siyang makaalala. Kahit kumpirmado ng doktor na maayos na siya, nasisiguro niyang may mahalagang bagay siyang naiwan sa kanyang nakaraan. Bawat araw at gabing lumilipas ramdam niya ang malaking puwang sa kanyang puso na unti-unting lumalalim. Wala na siyang tiwala sa sinasabi ng mga tao sa paligid niya.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...