Kabanata 6

3.6K 246 86
                                    

Piyer

"Maganda diba?" sabi ni Max na nakasunod lamang at hawak ang maliit na maleta niya.

She expected it would look beautiful lalo pa at newly developed itong resort but this is beyond what she had imagined. Halos parepareho sila ng reaksyon ng mga kasamahan niyang kasali sa kompetisyon. Nilagay niya ang kamay sa noo upang matingala ang malaking hotel kapagkuwan ay suminghap. It does not look like an ordinary hotel. It is very modern and glassy.

"Oo sobrang ganda."

Pumasok ang grupo sa hotel lobby. Marami sa kalahok sa kompetisyon ay nagkakakilanlan na habang nag-aantay ng sundo doon sa airport. Some of them are just grateful for the invite at kahit hindi manalo magagawa parin nilang ienjoy ang natitirang araw habang hindi pa natatapos ang event. Food and lodging is free for the remaining days of that two weeks which makes it worth it Manalo man o hindi lalo pa at madami silang kalahok.

"Nabasa ko sa isang magazine nafeature ang buong resort doon, sobrang laki at saka ang ganda." Rinig niyang kuwento ng mga kasama nila at kagaya niya ay may matinding pagkamangha rin sa mukha.

"Welcome! Welcome everyone! I see some familiar faces here and there hello. Hello..." isang lalaking nakasuot ng medyo formal ang sumalubong sa kanila kasama ng dalawa pang babae na nakasuot din ng gaya roon sa mga receptionist. Nagsimula itong makipagkamay isa-isa sa kanila.

"I heard this whole thing will be filmed," rinig niyang bulong ng katabi niyang babae. She had no idea about that, but either way that only added to the thrill of this competition.

"Talaga?" anang isa pang nakarinig non. "Medyo kinakabahan ako diyan."

"That's okay anyway... I mean, that will be a good exposure for the winner."

"A good advertising too." Sang-ayon naman nong babae habang tumatango. Napalingon-lingon siya sa paligid dahil sa nararamdamang kaonting kaba.

Her eyes dropped on Max na ngayon ay kausap ang isang lalaki sa reception area.

"And you are?" Anang isang mababang boses. Napabalik ang tingin niya sa kaharap. It's the guy who welcomed them. Saka lamang niya agad na naitaas ang palad upang makipagkamay rito.

"Jane." Ganting sagot niya at ngumiti din pabalik.

"Nice to meet you Jane... Good luck." Ang sabi nito at binigyan siya muli ng isang ngiti bago tumango at nagpatuloy.

Muling bumalik sa harap ang lalaki at pumalakpak.

"Call me Richard! I will be supervising the entire competition and your stay here as well. So for now, let us get you all settled in your own rooms. Kaya puwede na kayong umakyat at magpahinga... so that tomorrow! Tomorrow we will be briefing you all on our very first activity and---"

Nagkatinginan at kinakabahang tumawa ang ilan kaya napataas ng kamay si Richard habang tinatawanan ang nakikitang reaksyon. "Oh come on folks, don't worry it's not the start of the competition yet! Set aside the competition and enjoy the resort for this afternoon! Get your own keys, take some rest, or the pantries are already open and serving! You can enjoy the pool or take a stroll around the beach! No worries! It is all on you for free folks! Enjoy it and again... welcome to 'costa del tramonto'."

Nagpalakpakan ang lahat at isa-isang lumapit sa dalawang babae na nag-aabot ng mga susi sa kanila isa-isa. Lumihis na si Richard at may katawag sa cellphone nito habang papalabas sa direksyon ng natatanaw na malaking swimming pool.

"I got your keys." Lumingon siya kay Max at tinanggap ang susi ng kuwarto niya.

"That's Richard the event organizer. I heard he will be filming it kausap ko ang isa sa director. I'm sorry I didn't know Jane."

🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon