butter-milk cupcake
ISANG malamig na hangin ang patuloy na umiihip mula sa dagat. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago unti-unting tumigil at nanatiling nakapikit na hinahabol ang hininga.
Pakiramdam ni Jane isa itong panaginip. Did they, really kiss?
Nagdilat ng mga mata si Jane at napatingin sa kanilang posisyon. She was holding on to him so tight. Napapalunok siyang umatras.
It really did happen...
She didn't know what to feel. Pinaghalong kaba at pagkalito ang bumalot sa kanya. This shouldn't have happened. Alam niyang dapat hindi siya nagpadala sa damdamin niya. This is where it took her.
"Austin." Umiling siya at mabilis na tumayo. Hindi na gaanong malakas ang ulan pero nanatili parin ang ambon. She wanted to go back to the hotel right now.
Jane what have you done. Oh my god... I'm sorry. I'm so sorry...
Narinig niyang tinatawag siya ni Austin sa kanyang likoran pero wala siyang balak lumingon. Gusto lang niya ang makalayo. Ang lumayo muna sa kanya.
"Sandali. Jane." Nahuli nito ang pulso niya at hinila paharap.
Good gods she should be happy. She really should be happy knowing that he may have felt it at last. Nasabi na niyang may gusto siya. Pero hindi sapat iyon upang mangyari ang ganito.
What kind of woman will she become?
"Bitawan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa." She gently said.
Nakita niya ang pagkalito sa mga mata ni Austin. Mas lalo itong naging pursigido sa kanya.
"Mag-usap tayo."
"Iyong nangyari ay isang pagkakamali." Garagal ang boses ni Jane. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Pagkakamali?" Pinagmasdan siya ni Austin ng mabuti. May kinang ng galit sa mga mata nito tila hindi nagustohan ang narinig mula sa kanya.
Tumango si Jane at mariing tumitig pabalik. "Engaged ka na. Kaya mali ang ginawa natin."
Tumigas ang panga nito. Pakiramdam ni Jane isang madilim na ulap ang muli na namang sumaklob sa kanila. She could almost hear his angry thoughts right now.
"Kung ganon bakit hindi ko maramdaman?" Anitong medyo namamaos. Hawak-hawak siya nito sa braso walang balak na pakawalan. Titig na titig ito sa kanya.
"Bakit pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sa akin?" Marahang pumisil ito sa braso niya tila gustong iparating ang bigat ng nararamdaman.
"Tatanongin kita ulit Jane. Sino ka sa nakaraan ko?" ang madiin ngunit malumanay na tanong nito sa kanya.
Parang gusto nang maiyak ni Jane. Sa pagkakataong ito nakaramdam siya ng sakit at pangungulila. Para siyang dinadala sa mga ala-ala ng nakalipas nilang dalawa. Hindi niya magawang isipin na nakaraan nila iyon. Para sa kanya parang kahapon lamang ang mga ala-ala nila.
Pinalis niya ang tumulong butil ng luha sa kanyang pisngi. Ni hindi nakatulong ang ambon upang mapagtakpan ang mainit na pagdaloy ng likidong iyon sa kanyang mga mata.
"Austin sinabi ko na sayo---"
Umiling si Austin ni hindi man lang siya pinatapos at sarkastikong ngumiti.
"Maaaring may sakit ako ngayon, pero utang na loob." Sumilay ang mapait na ngiti sa mga labi nito at kitang-kita ni Jane ang pamumula sa mga mata. "Hindi ako tanga..."
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Novela JuvenilTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...