PART3 kabanata 3 🌹

1.8K 48 15
                                    

Date and a Jealous husband

Warning!SPG. ⚠️ Some scenes are not suited for young ages.





"Eh si Tia behave ba? Tawagan niyo lang ako pag may problema ha. Nakakahiya kay mama.”

I heard Hana sigh at the background bago sumang-ayon tila ba medyo nakulitan na sa akin. Pano ba naman kasi never ko pang iniwan ang mga anak namin sa kanila tapos ngayong bibista si mama Lisa wala pa ako doon. Baka nagiging pasaway ang panganay namin, mahirap na. Pansin ko kasi habang lumalaki si Tia parang mas nagiging pasaway. She’s too spoiled specially from her Dad. Dumagdag pa ang mga kaibigan ko na paboritong pagbigyan siya sa mga kagustohan. Gareth’s gifts sometimes give me a headache. Ang titindi ng mga gadgets na nireregalo non kada uwi nito galing sa Japan.

After we arrived at the mall, pinagbihis ko muna ang asawa ko para makagala kami ng maayos. I also changed to a more comfortable dress. Medyo mainit kasi iyong suot ko kaninang blouse. There’s a comfort room near the basement parking lot kaya doon narin siya pumunta. Kahit naguguwapohan ako sa asawa ko sa mga uniforms niya medyo hindi parin ako sanay na ganon siya kapag nasa labas ng trabaho. I learned to accept his job kahit pa araw-araw hindi ko maiwasang mag-alala. Well he is a peace keeper. He loves his profession. The only thing I would do is remind him every day to take care of himself at umuwi siya sa amin ng ligtas araw-araw.

Ibinaba ko ang tawag at tumingin sa direksyon ng comfort room. Sinipat ko ng tingin ang papalabas doon. He looked so handsome walking towards me with his usual fitted white shirt, black cargo pants and those combat shoes.  Now he looked more like my man. Lihim akong ngumiti. Kinailangan ko pang kumagat sa ibabang labi upang pigilin iyon lalo na at mukhang sadyang nagpapaguwapo pa yata sa akin ang asawa ko. Habang nagkakaedad mas lalong gumaganda ang tikas ng katawan niya. Minsan nga bigla ko na lang siyang namimis kapag late siyang uuwi sa hapon kahit pa lagi naman siyang nagsasabi sa oras ng uwi niya.

Tumikhim ako. “Akin na…”

Kinuha ko ang hawak niyang bag para mailagay iyon sa loob ng sasakyan. Bago pa man ako makalingon pumalibot na sa beywang ko ang kanyang braso. Mas lalong nadepina ang kanyang tangkad ngayong wala akong suot na high heels. Hangang baba niya lang siguro ako ngayon. Sumulyap siya sa kanyang relo bago ngumiti sa akin.

“Kumain muna tayo?” aniya at pinatunog ang sasakyan. Inakay niya ako papunta sa elevator.

Pumasok kami doon at muli na naman siyang dumungaw sa akin. “Pagkatapos nating kumain may gusto ka bang puntahan?”

Gustong puntahan? I can’t remember the last time that we’ve been together like this without our kids. Madalas si Tia ang pumipili ng pupuntahan kapag namamasyal kami kaya ngayong kami na lang dalawa parang nanibago ako.

Parang gusto kong bumuntong hininga. It felt so long already parang hindi ko na alam kung paano magdate. Besides thinking of my children, parang wala na kasing okupado ang isip ko kundi ang alagaan sila. Saglit akong nag-isip pero parang walang pumapasok sa isip ko.

“Babe naman ngayon na nga lang kita nagawang idate ba’t mukhang ‘di ka yata masaya?” aniya at bahagyang tumawa. Mas hinila niya ang beywang ko palapit sa kanya at tumitig sa akin. Nagpacute pa ang loko tila nagpapaawa.

Ngumuso ako at di mapigilang ngumiti. “Tss. Of course I’m happy. Naninibago lang ako, parang…”

“Parang ano?” tumaas ang kilay niya.
Parang ngayon lang kami ulit nagkaroon ng panahon para sa mga ganito. Sige na nga. What am I thinking anyway? Dapat nga nagpapasalamat ako kasi ngayon may oras na siya na kaming dalawa lang. Baka nga mawala na iyong kaunting selos na nararamdaman ko kanina doon sa school. I don’t even know why I felt that. Ganito ba naman tumingin sayo ang asawa mo maiisip mo pa bang magkakagusto siya sa iba? Nagkatinginan kami ulit at ngumiti na ako sabay kumapit narin sa beywang niya.

🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon