Engagement
NAPASINGHAP si Jane at medyo umatras ng kaunti.
"S-sorry. Na-nabangga kita..."
Isang kamay ang agad na humawak sa beywang niya upang alalayan siyang makatayo ng maayos. Napaangat siya ng mukha sa may-ari ng malapad na dibdib na tumabon sa tinitignan niya.
"Pumunta ka pala. Umalis ka agad?"
It's Austin and his handsome demeanour. Mabilis parin ang pintig ng puso niya at medyo balisa pa sa kung anong tinitigan niya kanina.
"Uh o-oo. Amh, hindi na ako sumali sa picture, taking..." Her gaze went back to the coconut trees. She couldn't concentrate and even Austin's presence can't take her thoughts away from that figure.
Kumunot ang noo ni Austin sa kanya tila nagtaka. Sinundan nito ang kanyang tingin at tumuon din ang atensyon nito sa bandang iyon.
"Ano'ng tinitignan mo?"
"Wala. Ah k-kasi parang may nakita akong..." muli siyang natigilan kasi parang wala na iyong aninong nakikita niya doon kanina. Pero sure siyang may nakita siya doon. O baka namamalikmata lamang siya.
Napakurap-kurap siya ng ilang beses. That can't be right.
"Jane?" Matamang tanong nito muli sa kanya. "Ano'ng nakita mo?"
"May tao sa banda roon. Pero ngayon wala na."
Nagtagal ang tingin ni Austin sa kanya tila naninimbang.
"Lapitan natin."
She was not sure that was necessary pero hindi na niya nagawang tumanggi. He was already guiding her towards the place.
Saka lamang siya binitawan ni Austin nang nakarating na sila sa malaking puno ng niyog. He seemed to be inspecting the place. Gumala ang tingin ni Austin sa paligid at pati narin siya.
There's nothing here. It's just the sound of the coconut trees with the wind. Wala ring katao-tao.
"Iba yata iyong nakita ko. Medyo malabo kasi ang paningin ko sa malayo kaya siguro may nahagip akong ganon," sabi niya.
Sumulyap sa kanya si Austin bago lumuhod sa isang paa. Seryoso nitong pinagmasdan ang buhanginan. Nagtagal ang tingin nito doon parang may inoobserbahan. While doing that, tila naging magandang tanawin naman iyon kay Jane. The rest of his looks really came from just being like this. And he's not even trying.
Muli itong tumayo at nakapameywang na bumaling sa paligid.
"May tao dito. Tama lang ang nakita mo."
Nanlaki ang mga mata ni Jane dahil sa gulat. "Talaga?"
"Oo hindi malayong may magawi nga rito lalo na at sa bandang ito puwede nang makapasok ang ibang tao. Puwede ring mangingisda o, namamasyal lang. Hangang dito ang boundary ng resort," sabi Austin sa kanya. Parang sigurado naman siya sa mga sinasabi pero nakakunot ang noo, tila may ibang iniisip.
"Ganon ba. Nagtaka lang kasi ako kanina."
She wanted to mention the dark hoodie part pero ayaw na niyang pahabain pa. Panahon na para bumalik sigurado siyang hinahanap si Austin.
"Bumalik na tayo kung ganon. Waren needs you there."
Tumango ito saka siya muling inalalayan sa paglalakad. Ilang beses na kasing bumabaon ang stilletos na suot sa buhanginan. Mahirap magbalance lalo na bandang ito.
Nagkatinginan sila nang muli na naman siyang muntikang mawalan ng balanse. Medyo nahihiyang natawa si Jane.
"S-sorry medyo mataas lang talaga itong sapatos."
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...