Worried
LUMINGON si Jane. Pero patuloy parin siyang akay ni Austin palayo sa lugar na iyon at patungo sa direksyon ng maraming tao.
"Teyka sandali lang. Ihahatid nila ako sa resort."
Mabilis itong bumaling sa kanya. Kunot na kunot ang noo at parang hindi nagustohan ang narinig. Hindi na makapagreklamo pa si Jane hangang sa makalabas na sila sa maraming tao at naglalakad patungo sa nakaparadang sasakyan nito.
"Austin."
"Ano ba'ng iniisip mo? Nakita mo ba kung paano ka nila tignan? Tangina. Tsaka ano'ng ihahatid sa resort diba sinabi kong sa akin ka ulit sasakay?"
Umawang ang bibig ni Jane at gustong sumagot rito pero muli siyang napatikom ng bibig nang mapagtantong baka kung saan na naman mauwi ito. Baka may masabi siya nang hindi niya namamalayan. God if only she could argue with him just like before. Ang dali-daling mag-iba ng mood niya ngayon and Austin can easily bring that out of her.
"Okay sige na. Bumalik na tayo sa resort." Ang tanging sagot niya rito.
Kita ni Jane ang pagkawala ng kunot sa noo nito at parang gumaan ang pakiramdam. Binuksan nito ang pinto ng kotse niya.
"Pumasok ka na."
This badboy really never changed. Lihim na napangiti si Jane. Napakaseloso parin.
NANG paandarin ni Austin ang kotse nito pabalik hindi na ito simbilis gaya kanina. Sa kalagitnaan ng pagmamaneho nito bigla siya nitong tinanong.
"Kasali ka sa kumpetisyong nagaganap sa dalampasigan no'ng umaga, hindi ba?"
He didn't look surprised. "Oo."
Mukhang may iba pa itong nais tanongin ngunit malakas na tumunog ang cellphone ni Jane. Doon lamang nataohan si Jane at naalala ang hinihintay na tawag. Nawala sa isip niya ang lahat at malaki ang ngiting sinagot ito.
"Hello?"
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses ng anak sa kabilang linya.
"Baby I missed you too. Miss na miss narin kita."
Atheya had always been very close to her. Isang araw pa lang ang lumipas parang gusto na nga niyang bumalik sa Maynila para makarga at mayakap muli ang anak. She knows it's thesame for her little one.
"No baby, but I'll take lots of pictures and send it to you. Gusto mo ba iyon?"
She laughed when her daughter started asking for more pictures from her. Masaya niyang pinakinggan ang kadaldalan nito ng ilang sandali at hindi sinasadyang nasulyapan niya ang katabing tahimik at seryosong nagda-drive ngayon.
Doon lamang siya napabalik. Nakalimutan niyang may kasama pala siya. She talked to her daughter a little more before deciding to call again later on.
"Oh okay baby. Tatawag ulit ako mamaya. Can you wait for it? Uuwi na ba kayo?" Ang malambing niyang tugon sa kabilang linya.
Ramdam niyang medyo bumilis ang pagtakbo ng kotse.
"Sige take care okay? I love you too."
Pagkababa niya ng tawag ay ang kanyang biglaang pagtili dahil sa pabigla-biglang pagpreno ng sasakyan. Gulat na gulat si Jane at nanlalaki ang mga matang napahawak sa suot na seat belt lalo na nang malakas na binusinaan ni Austin ang isang malaking truck na sinusundan nila.
Mahina itong nagmura at sobrang dilim ng mukha nito tila may kinagagalitan. Nakaharang ang kanang braso nito sa kanyang harapan tila sinisigurong hindi siya matutulak ng puwersa sa dashboard. Napapalunok na umayos ng upo si Jane habang tinitignan ang papalayong truck sa harapan nila. Hindi parin muna umandar ang sasakyan. Muli nang humawak sa manibela si Austin..
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...