kabanata 21

3.4K 226 103
                                    

[Another update! Enjoy reading po! Paalala po ulit, don't forget to leave some votes and comments guys! ♥]

Asawa

HINDI agad makareact si Jane habang nasa loob sila ng yate at pinapanood sa laptop ang mga nagsilabasang balita at articles sa bawat sites. Heck theres even chika minute on the television saying that the sole billionaire heir of Cruz multicorporation is having a secret affair just after annoucing his engagement to his fiance.

Ang daming pictures at kahit hindi malinaw ang iba doon alam ni Jane na siya iyon. They even have pictures the night when she was left with Austin outside the venue of that engagement party. She was reaching and touching his face.

"P-paanong... Oh my god." Naiiyak siya at nalilitong tumingin kina Gail at Brandon na nakaabang lamang sa reaksyon nila.

"They came out yesterday. Someone posted it on a page and it all escalated too quickly."

Kumuyom ang kamao ni Austin habang madilim ang tingin sa mga nababasa. Napahagod siya sa buhok at kinalma ang sarili kahit sa totoo lang parang gusto niyang magwala. Hindi niya magawa iyon sa ngayon. Katabi niya si Jane.

Tumayo siya ay bumuga ng hangin sabay lumayo ng kaunti sa lamesa. He leaned on the railings at pilit na kinalma ang sarili. Humigpit ang kapit niya sa bakal habang nakadungaw sa dagat. "Kaninong site iyon? P'tngina."

"Parang ginawa talaga iyon just to post those pictures. The person who did this had been spying on you for weeks Austin. Tignan mo. There's a lot of you together though binlurr si Jane sa mga iyan halatang hindi si Margo ang kasama mo," ani Gail habang pinapakita pa ang ibang pictures.

Natutop ni Jane ang bibig nang makita ang isang picture kung saan sila unang naghalikan. It was under that big stone. Malayo ang kuha at medyo hindi malinaw gaya ng iba pero alam na kung ano ang nangyayari.

She felt so heavy parang paulit-ulit na hinahalungkat ang tiyan niya. She said she'd be willing to take risks but she forgot Austin is the biggest risk for her.

Napasinghap si Jane sa gulat nang mahagip ang isang picture na blurred din. It's recent and that was taken yesterday doon sa  malalaking niyog na pinuntahan nila ni Austin. Nakaluhod si Austin na nakatingin sa buhanginan at siya naman nasa tabi lang. If anyone would see that angle they would conclude otherwise.

"I-ito. Kahapon ito. A-alam ko nang may nakamasid sa akin doon. Ang bigat ng pakiramdam ko and I was so sure I saw a hooded figure from a far." Parang kaunti na lang mawawalan ng hininga si Jane dahil sa halo-halong pakiramdam.

Mabilis siyang nilapitan ni Austin at lumuhod upang mahawakan ang mga kamay niyang nilalamig.

"Jane sorry. Aayosin ko ito huwag kang mag-alala. Itatama ko ang lahat ako ang bahala."

Pumatak na ang luha sa pisngi niya pero nangibabaw ang kaba. Huwag mag-alala? This will ruin her. She will be branded as the other woman. If this reaches her family... She would again break her mother's heart. She may have some hard feelings for her mother but she can't hurt her twice.

"Paano? Ang taong may gawa niyan paniguradong may mga mas malinaw na pictures. Kung ipopost niya ulit iyon, Austin..."

"Kung gagawin niya iyon walang problema baka pasalamatan ko pa siya." Seryoso at walang kaabog-abog na sagot nito habang nakatingin sa mga mata niya.

Pare-pareho silang natigilan. Nagkatinginan sina Gail at Brandon. Napalunok si Abygail at parang napipilitang sabihin ang iba pang bagay. "Austin. Umm, kasi nasa resort na sila tita."

"Sandamakmak din ang press doon pare. Kalat na kalat na. Kailangan mong magplano ngayon bago pa tayo makarating sa resort."

Napaiyak na ng tuloyan si Jane at tumayo upang itago ang mukha sa kanila. Maagap siyang sinundan ni Austin at iginiya papunta sa railings. The wind helped to calm her down.

🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon