Chapter 74
Sam POV
Napahilamos nakang ako ng mukha habang nakaharap dito sa salamin ng banyo ng kwato namin...
Kanina pa ako umiiyak dahil hindi ko man lang alam ang mangyayari...
Natapos ang binyag ni Avi na walang ni anino ni Jace ang nagpakita.....ngayon ay dito sa bahay gagawin ang event place...pero iniwan ko na muna sila doon kasi kailangan kong magisip isip......
Nalala ko na naman ang pinagusapan namin nina Czyra at Carla kanina...pumunta sila kanina kasi ninang sila ni Avi...
'Hindi ko alam kung anong nangyayari sa min ni Jace...hindi ko naman kasi alam ang nangyayari' pagsisimula ko...andito kami ngayon sa garden ng bahay ni Jace....si Avi kasama nina Lola...
'Ano ka ba Sam baka may problema lang siya-' hindi na natuloy ang dapat na sasabihin ni Carla ng sumingit na ako...
'Bakit hindi niya sabihin sa akin kung ganon?....bakit sinasarili niya...bakit hindi niya sabihin sa akin para naman alam ko at baka makatulong pa ako sa kaniya' sunod sunod na tanong ko saka pilit na linalabanan ang luha na pumatak dahil nahihiya akong makita nilang nasasaktan ako....na andali dali kong umiyak...na ang hina hina ko...
Ayoko ng maging mahina...tapos na ako doon...
'Sam baka hindi ganon kadali ang problema' sabad ni Czyra...parang pilit nila akong pinapakalma...
'Baka ang gusto mong sabihin eh wala siyang tiwala sa akin...kaya hindi siya nagsasabi....wala siyang sinasabi' sarkastik kong saad....sana noon pa sinabi na niya sa akin kung may problema ehdi sana hindi ako nagkakaganito...
'Sam...huwag ka ngang magisip-' hindi na muling natapos ni Carla ang sasabihin dahil sumingit na naman ako...tumayo narin ako...
'Panong hindi ko maiwasan ang magisip ng ganon?...magkasama kami sa iisang bubong...tirahan...pero ni hindi na kami nagkikita...kung sana nuong una palang sinabi na niya sa akin eh di sana hindi ako nagiisip ng ganito....oh baka naman may iba na naman siya' mahabang saad ko saka hinayaan ng malaglag ang mga luha...na kanina ko pa pinipigilan...pero wala na eh...ang sakit sakit na ng nararamdaman ko...
'Pagod na pagod na akong pangalawa palagi....yung panandalian lang ang natatamasang kasiyahan...oo may kasiyahan pero mawawal rin agad yon?...paano kung masaya na siya?....paano na ako?...si Avi?...kami?' Umiiyak na saad ko...agad naman nila akong dinaluhan para patahanin...pero walang
Pero natapos na ang reception at lahat lahat ay ni isa walang pumapasok sa isip ko dahil hindi ko naman alam ang nangyayari?...ni isang hint wala akong alam...wala naman kasing nagsasabi sa akin...
Jace ano bang nangyayari...sabihin mo naman sa akin...huwag mo naman aking gawing tanga...
'Sam?' Aggad akong napaangat ng tingin ng may tunawag sa akin....
Si Jace andito siya?...agad akong tumakbo para mabuksan ang pintuan ng banyo para makita siya...pero agad akong napatigil ng makita ang tatlong bagahe na nasa tabi ng kama namin..m
Ano na naman bang nangyayari?...
Hinarap ko siya saka madiing tinitigan...pilit pinapatatag ang kalooban...
'Anong ginagawa mo dito?...hindi ba't hindi ka makakapunta?' Lakas loob kong saad...
'You have to listen to me i'-' hindi ko na siya pintapos dahil nagsalita na ako...
Palagi nalang ba ako ang kailangang sumunod sa gusto niya...
'Ano na naman bang kasinungalingan ang sasabihin mo Jace?!!...Jace pinagmuka mo akong tanga!!...pinagmumukha mo na naman akong ganito...ano bang kasalanan ko?!!...ilang araw kang hindi nagpakita sa amin.....si Avi palagi kang hinahanap dahil nakasanayan na niyang palagi kang nandito...pero bigla ka nalang nawal' mahabang saad ko saka hinayaan na namang mahulog ang mga luha ko dahil sa hinanakit nà nararamdaman ko..
Ilang araw ko na iting kinimkim...ni waka akong masabihan ng mga problema ko dahil wala naman siya...
'Matutulog kaming hindi ka kasama...magigising kaming wala ka na...umuuwi a pa ba Jace?...saan ka pumupunta?....sinong inuuwian mo?...sinong kasama mo??!' Hindi ko na maiwasan ang magtanong ng kung ano ano dahil sa hinanakit na wala man lang sumasalo sa akin...
Pero mas lalo pa akong nanlumo ng wala man lang siyang naging reaksiyon sa mga sinabi ko...pero mas lalo pa akong nanlumo ng tinalikuran niya ako saka kinuha na ang mga bagaheng nasa tabi ng kama...
'Saan ka na naman ba pupunta?!!...' nanlulumong tanong ko saka sinundan siya sa pagaakalang titigil siya pero wala...
'Sam i need to think' mahinanong saad niya para bang pinapahaba niya ang pasensiya niya ...
'Ano pa bang iisipin mo?....hindi pa ba sapat yung mga araw na wala ka?...ano bang iniisip mo?...sabihin mo naman sa akin...huwag mo naman akong gawing tanga!!' Sigaw ko sa kaniya at mukhang nagualt siya dahil sa ginawa ko...pero mas nagulat ako sa ginawa niya...
'I'm not making you stupid!!' Sigaw niya sa akin matapos ibalibag sa baba ang bagahe niya...
Mas napaluha pa ako dahik sa ginawa niya...hindi ko inaasahan na gagawin niya sa akin iyon...
'Babalik na naman ba tayo sa dati jace?...yung bigla bigla ka nalang na naman magkakaganyan?...hindi mo ko ginagawang tanga?...sigurado ka ba?...kung yan ang naiisip mo puwes ako hindi!!' Mas lalo pa akong umiyak habang binibigkas ang mga salitang napakahirao bigkasin lalo na kapag siya ang kaharap ko...
Napatawa nalang ako ng sarkastik...
'Ganyan ka naman palagi eh...sinasarili mo lahat...hindi mo sinasabi sa akin kung anong mga desisyon mo....bakit kaano ano mo ba ako...oo nga naman...wala naman tayo...nagsasama lang tayo dahil may anak tayo' nakangiting saad ko kahit sa kaloob looban na sasaktan na naman ako...hindi ko matanggap na hahanting na naman kami sa ganito....
'Sam' pigil niya sa akin....saka kukunin na sana ang kamay ko pero tinabing ko ito saka pinunasan ang mga luha ko...saka lumingon lingon pa para sana tumigil na ang luha ko pero mas lumalala pa ito......andito na plaa kami sa labas ng bahay...sa kalsada mismo...
Ni hindi ko man lang napansin...
'Bayaan mo na...sanay na ko Jace...isang araw wala na naman tayo...iba na naman ang gusto mo....iiwan mo na naman ako...kami ni Avi....wala ka naman kasing tiwaka sa akin eh....kung nahihirapan ka kasi kailangan mong magisip..puwes ako nasasaktan na dahil ni isa wala akong maisip na puwedeng dahilan para magkaganyan ka!!!....' mahabang saad ko saka pinunasàn na naman ang mga luha ko saka ngumiti sa kaniya...
'Huwag kang magalala ako ng bahala sa sarili ko....ihahanda ko na ang sarili ko sa posibleng puwedeng mangyari....at yun yung kinatatakutan ko...yung bigla bigla ka nalang na naman mawawala' huling saad ko saka babalik na sana sa loob para magempake ng mga gamit pero bigla nalang may tumulak sa akin.....
Hindi lo alam kung anong nangyari...ang bilis ng pangyayari....hindi ko na naisara ang mga mata ko.....
'Sam!!!'