MT-6

3.5K 98 4
                                    

Chapter 6

Someone's POV

Hanggang tingin nalang ang nagagawa ng isang ama habang tinitignan ang kaniyang anak na hanggang ngayon ay wala paring malay.

Kaninang nawalan ng malay ang dalaga ay naroon na ang mga tauhan niya para kunin ito.

Agad naman siyang umuwi para maalagaan ang anak niya....mayroon siyang meeting kanina pero basta nalang niya itong iniwan ng makakalap siya ng balita tungkol sa anak niya.

Ngayon ay sinusuri ito ng isang doctor inaalam kobg anong nangyari sa anak niya.

Agad siyang pumasok ng makita niyang nagaayos na ng gamit ang doctor.

'How is she?' Agad niyang tanong sa doctor

'She just lost conscioussness' saad ng doctor

'Okay' simpleng saad niya kahit sa loob niya ay hanggang ngayon ay nanginginig parin siya sa takot.

Just let her rest for the mean time...and ler her eat a lot' saad ng doctor

'Okay' saad niya...

Agad naman na umalis ang doctor...

'Prepare her meal'

'Yes sir'

'Buy her...her things'

'Yes sir'

'Ready her bath'

Hindi na magkaundagaga ang mga tauhan niya habang sinusunud ang utos ng kanilang hari.

Bumalik ang matanda sa kama...na kung saan nakahiga ang kaniyang anak.

'This will be the last time that you will suffer like this...i will kill them all...if they try to harm you again.....'












Sam POV

Unti unti kong inimulat ang aking mga mata...puting kisame ang bumungad sa akin..

Inilibot ko ang aking paningin at puro pink ang makikita dito...agad akong napabangon ng hindi pamilyar ang nakikita ko.

'Nasaan ako?'

Unti unti akong tumayo para makalabas na...pero ahad akong napaupo ng maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko.

Naka pantulog pala ako...pero kanino ito.

Sinubukan kong tumayo ulit para makalabas na at nagtagumpay naman ako.....agad akong lumbas para makita kung nasaan ako...pero hindi ko talaga alam kong nasaan ako.

Mahabang pasilyo ang bumungad sa akin...agad kong tinahak ito...maraming pinto ang nakikita ko nasa bente ata.

Agad akong napahinto ng marating ko na ang deadend nito kaya naman ay bumalik ako sa pinanggalingan ko.....hanggang sa marating ko na ang pababang hagdan.

Agad akong bumaba doon.....maraming kasambahay ang naroon..pwro agad silang napatigil ng makita ako.

'Magandang umaga po senyorita' sabay sabay na bati nila sa akin.

'Magandang umaga po' nagaalangang saad ko.

'Nagugutom na po ba kayo?...hali na po kayo' tanong ng isang lumapit sa akin...wala na akong nagawa ng inimuwestra na niya ako patungo sa kusina.

'Argh?....a...ate'

'Heto po kumain na po kayo' saad niya saka ako pinaghila ng upuan..

Agad akong namangha ng makita kung gaano karami ang pagkaing narito.

'Wow' tanging nasaad ko

'Kumain na po kayo' saad niya

'Ano...ate nasaan ako?' Takang tanong ko.

'Senyorita...kumain na po kayo dahil pinapatawag po kayo ni senyorito' saad ng isang babaeng kakapasok lang dito.

'Senyorito?' Takang tanong ko...sino si Senyorito

'Opo' saad niya saka ako iniwan....kaya naman ay wala na akong nagawa kundi ang kumain nalang.

Ang daming pagkain....hindi naman sa hindi ako sanay dahil noon sa bahay ni **** ay ganito parati ang pagkain...marami ngang nasasayang dahil hindi naman nauubos...ang alam ko rin ay iba ang kinakain namin sa kinakain ng mga tauhan niya.

Agad na namang nanggilid ang aking mga mata ng maalala ang nangyari kahapon....

Yung pinagtabuyan niya ako....yung paano niya ipagtanggola ng iba kaysa sa akin..yung kung paano niya sabihin na hindi na niya ako mahal.

Agad na tumulo ang mga luha ko dahil naalala ko ang nangyari sa pagitan namin...siguro nga kailangan ko ng pakawalan siya.

Kailangan ko ng umusad dahil ako at ako rin lang ang mahihirapan.

Pero maķakaya ko bang kalimutan na siya?....bakit kinalimutan narin ba niya ako?.

Agad kong pinunasan ang luha ko ng makitang papasok ang isang kasamabahay dito.

'Tapos na po ba kayo?...kanina pa po naghihintay si Senyorito' saad niya...agad naman akong napatingin sa plato ko...hindi ko man lang napansin na tapos na akong kumain.

'Ah...opo tapos na po ako' aligagang saad ko saka tumayo na....kukunin ko na sana ang pinagkainan ko para sana hugasan na ng patigilin ako ng kasamabahay.

'Senyorita kami na po'  saad niya saka lumapit sa akin saka kinuha ang pinggan ko.

'Ah hindi na ako nalang maghuhugas nito...isa lang naman ito eh'  saad ko

'Hindi po kanina pa po kayo hinihintay ni Senyorito kaya pumunta na po kayo...naroon na po si Glenda naghihintay sainyo para ihatid niya kato sa silid ni Senyorito' saas naman niya.

'Ah sige' saad ko nakang saka lumayo na...pinagmasdan ko nalang muna siya habang hinuhugasan niya ang pinggang ginamit ko.

'Kumain na ba kayo?' Tanong ko sakaniya ng matapos siyang maghugas.

'Ah opo senyorita' magalang na saad niya.

'Senyorita ka diyan....Sam nalang magkasing edad lang naman tayo eh.' Natatawang saad ko..

Oo parang magkaedad lang kami kasi ang bata pa niya tignan.

'Ilang taon ka na ba?' Tanong ko sakaniya.

'21 po' magalang na saad niya kaya naman ay natuwa ako...mukhang may bago na naman akong

'Eh magkasing edad lang naman palatayo eh.....kaya sam nalang' tuwang tuwang saad ko.

'Sige na' pangungulit ko dahil hanggang ngayon ay pinagiisipan pa niya

'Sige po Sen...ay Sam pala ' saas niya kaya naman ay natawa ako.

'Hahahah'

'Halika na po...kanina ka pa hinihintay ni senyorito.' Saad niya sa akin....saka ako inakay palabas ng dinning area...

'Sino ba si Senyorito?'  Tanong ko habang naglalakad kami pataas ng hagdan.

'Makikita mo' saad niya saka binuksan ang pintuan...hindi ko man lang napansin na nakarating na kami dito.

Unti unti akong pumasok saka napasinghap sa nakita ko.

'Mr. Lucien?'

Mafia's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon