Chapter 1
Sam POV
'May mawawala...may babalik...may papasok..may mananatili'
'Sam table 7' saad ng cook namin...kaya agad akong pumunta para kunin ang inorder ng taga table 7
'Comming' saad ko....ng makuha ko na ay pumunta na ako sa table 7...agad kong inilapag sa table ang inorder niya
'Thank you sir...enjoy your meal' saad ko habang nakangiti.
Isang linggo na ang nakalipas ng magsimula muli akong magtrabaho dito....Simula noon ay bumalik na muli ang buhay ko sa dati.
''Sam table 15'
'Sam table 3'
'Sam table 6'
'Sam table 10'
Sunod sunod na sabi ng cook namin...friday kasi ngayon kaya bugbog kaming lahat dahil sa dami ng tao.
Ganito kasi talaga...lalo na kapag weekends.
'Sam lika na' saad ni Rick...uuwi na kasi kami...anong oras narin.
'Sige teka lang' saad ko saka dali daling kinuha ang bag ko....
'Lika na' saad ko saka nagsimula ng maglakad
Isang linggo ng bumalik ang dati kong buhay...yung walang Ja** ang bumabagabag sa akin....
Agad akong pumasok sa bahay ko ng makarating ako...magisa nalang ako kasi pinauwi ko na si Rick...alangan namang ihatid pa niya ako hanggang dito...eh sinundo na nga niya ako kaninang umaga.
Ganon na palagi ang naging routine namin...susunduin niya ako saka magsasabay kaming uuwi.
Sa isang linggo na pamamalagi ko dito ulit ay ako na ang gumagawa ng lahat
Hindi na ako kakain ng dinner kasi pagod na pagod na ako....kaya itutulug ko nalang.
Hindi na ako nagpalit....agad na akong humiga sa aking kama.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na pagkatok sa aking pintuan kaya naman ay napatingin ako sa bintana ko at nakita kong mukhang tanghali na..kaya naman ay tumayo na ako at bumaba mula sa kwarto ko.
Ng makababa ako ay agad kong binuksana ng pintuan.
'Delivery for Ms. Santillan po?' Saad ng delivery boy...oo delivery boy to at mukhang galing sa isang restaurant.
'Ako po yun...pero hindi po ako nagpapadeliver ng kahit na ano' saad ko...hindi naman kasi ako nagpapadeliver ng kahit na ano eh.
'Ah maam mayroon po kasing tumawag sa amin...at sinabing deliveran ka raw namin ng breakfast...don't worry po nabayaran na po' saad niya...heto na naman ako...hindi alam kong ano ang dapat na gawin..dito.
'Pakipirmahan nalang po dito' saad niya ng makita niya akong nakatungabga habang nakatingin lang sakaniya.
Kaya naman ay wala na akong nagawa kundi ang pirmahan ito.
'Sa...salamat' nauutal kong saad saka sinarado ang pintuan ko.
Agad akong pumasok sa kusina ng bahay ko.
Galing nga ito sa isang restaurant.....may pancake....sandwich na ham and cheese...may coffee rin...
Agad akong natakam ng makita ang laman non kaya naman ay agad ko na itong linanatakan...hindi ko na inisip kung kanino pa nangggaling.