Prologue

18 2 0
                                    

I’m in my usual spot here in our hacienda feeling the nature vibes as I inhaled the fresh air. Katatapos ko lang mag-jogging at usually dito talaga ako pumupunta para pahupain ang panandaliang pagod dala ng matagal na pagtakbo. Simula ng kumalat ang isyu napilitan na akong bumalik sa Pilipinas para makaiwas. Bukod pa dun, nais na rin nina abuela na manatili muna ako rito para masamahan sila at hintayin na humupa ang mga isyung kailanman ay hindi ko naisip  na mararanasan.
Pero ito ba talaga ang gusto ko? Ang maghintay na naman at walang gawin?
I should be there. Nagsasaya. Living my life into its fullest. Pero heto ako…

“Elle!”

I turned my head to Lean knowing her hindi yan titigil hangga’t hindi pinapansin. Lean is my friend who supposedly dapat nasa city but she insisting na kailangan ko ang pakikiramay ng isang kaibigan given that I’m in to this trouble. I’m okay. I’m fine. Siya lang naman talaga ang nagpupumilit.
She ran as fast as she could.
Madaling-madali lang? Tsss… If I know tsismis lang ang dala nito.

“What?”

“Hindi ka maniniwala sakin for sure!”
I give her a bored look. Problema na naman neto?

“Anyway, Guess what?...Your handsome Arrow is here!!!”
I was shocked pero hindi ko pinahalata. One year and nearly three months has passed and yet babalik sa Pilipinas? Maybe a projects here or a fan meeting? But yeah… malay ko scam na naman si Lean.

“Fake News lang yan.”

“No!! May patunay ako!...Hindi na’to katulad last time.. I swear its legit!. Look!”

She handed me her phone to show the news but I quickly divert my attention to other things. Hanggang ngayon ay ayaw ko pang makakita ng kung anong may connection patungkol sa kanya. Not even a pictures of him. I always feel pain.

“Elle naman! Tignan mo naman to. It’s been a year and what? Kung totoong wala na siyang epekto sayo ay maluwag mo ng matatanggap kung anuman ang nangyari sa inyo…besides lalo siyang gumwapo!”

Kinikilig na sabi niya. Hayyy…

“Look kasi!!”

I throwed a bored look to her, still not believing. I mean whatever the news about him seems fake. Kaya bakit ako maniniwala sa mga balitang iyan. It just a waste of time. Mula nang magbalik ako dito sa San Ildefonso ay ibinaling ko na lang ang aking ataensiyon sa mga bagay-bagay sa paligid ko. I learned to appreciate things, maliit o malaking bagay pa yan. I learned to love myself again. Yung tipong mas nagkaroon na’ko ng kamalayan pagdating sa sarili ko. Besides, napakaraming bagay ang nangangailangan ng atensyon kaysa dyan. Bumalik man siya o hindi, wala na dapat akong pakialam dahil matagal na niyang tinapos ang lahat ng mayroon sa amin.

“Apo!...” napalingon ako kay Abuela ng tawagin niya ako. Abala ang mga katulong na maghanda ng breakfast. Simpleng agahan lang naman to kung tutuusin pero it seems a celebration dahil sa dami ng mga nakahaing ulam at kanin.

“Maupo ka na dito. Mamaya ka na tumuloy sa kwarto mo at masamang pinaghihintay ang biyaya.” Si Lolo na nasa kabisera ng hapag-kainan. Tumuloy na ako sa dining room gaya ng sabi niya. Agad namang nilagyan ni Manang Cely ang aking baso ng orange juice at pagkatapos ay naupo na rin sa tabi ko para sumalo sa almusal samantalang si abuela ay nasa kanang bahagi ni lolo. Seeing my grandparents na para bang walang nagbago bukod sa balat at edad nila ay isa sa mga nagpapahanga sakin.

When I was a child,  I always dreamt to have a partner like Lolo. Maalaga, walang tulak-kabigin pagdating sa mga responsibilidad at higit sa lahat ay may pagpapahalaga sa asawa at pamilya. Bonus na lang siguro ang hitsura at estado sa buhay.

Every afternoon I’ll go to my favorite place sa tabi ng talon at batis na nagdudugtong sa kalapit na  hacienda. Malamig at presko ang hangin. I remembered my Lolo build this little hut when I was 5 years old dito kasi ako madalas naglalaro pagkatapos ng eskwela. Si Lolo lang ang tangi kong nakakalaro dahil hindi naman ako pala-kaibigan noon o sadyang iwas lang palagi ang mga kapwa ko estudyante sakin. They thought being a granddaughter of one of the successful and richest family in town will discriminate them in terms of social status pero ni minsan hindi ko iyon inisip. Sabagay kontento na rin naman ako sa binibigay na atensiyon at pagmamahal nila lolo at abuela kaya hindi ko lubos maisip kung pano ko naging kaibigan yang si Lean.

Alas-siyete ng gabi ng mapagdesisyunan kong bumalik na sa mansion. Sakay ng aking kabayo ay mabilis kong tinalunton ang daan pabalik. Gawain ko na ito simula pa lang. Pagkatapos kong ibigay ang tali ng kabayo kay Mang Nestor ay agad kong napansin ang kakaiba at takaw-pansin na sasakyan malapit sa garahe. Marahil ay isa sa mga taong gustong maging ka-partner si Lolo sa negosyo o kaya naman ay interesadong bilhin ang isang bahagi ng lupain namin na sa una’t-una pa lang ang hindi naman namin ipinagbibili. Lately, napakarami kasing bisita namin ang nagkakainteres sa lupang iyon bukod sa accessible sa lahat ay maganda raw ang lokasyon para magtayo ng negosyo.

“Problema mo Lean?...Anong klaseng ngisi ‘yan?” I asked her. Kakaiba yata siya ngayon. Nakaupo at tahimik na may nakakalokong ngiti sa mukha niya. Paniguradong may inihanda na naman itong kalokohan.

“Wala naman. Masama ngumiti? Masama?”

“Tsss…”

“Ayun ehhh..makapagganyan ka pa kaya mamaya?” sabi niya sabay tawa ng malakas.

“Bakit? Anong meron?” takang-tanong ko.

Nagkibit-balikat na lang siya at umalis. Tatawa-tawa pang tumalikod na para bang isa akong nakakatawang bagay na nakita niya. Hayyy…kung anuman iyon ay hindi ko na pinansin marahil ay hindi naman ganon ka importante para intindihin pa.
Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng maiinom ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng madatnan ang taong wala sa hinagip kong makikita pa. Masayang nakikipagkuwentuhan kila abuela at lolo na para bang walang nangyari. Bakas sa mukha ko ang gulat ng lumingon siya sa aking gawi at magtama ang aming mga mata.

“Apo!Halika rito at saluhan mo kami.” Si Abuela ng makita niya akong nakatayo sa bandang pintuan. Natigil sila sa kanilang kuwentuhan at napunta sa akin ang atensiyon.

“Wala po akong gana Abuela. Pasensya na po.” Nagtataka man sila ay mabilis na akong tumalikod at nagtungo sa’king kwarto. Nagpakawala ng hininga at marahang hinaplos ang dibdib upang pahupain ang boltaheng kaba na aking naramdaman kanina.

Bakit?...Bakit pa niya kailangang bumalik?
Napapitlag ako ng makarinig ng mahihinang katok sa pintuan. Mukhang alam ko na kung sino ang taong nasa kabila at dahilan kung bakit lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib.
Bumukas ang pintuan at ganoon na lamang ang aking paghugot ng hininga ng masilayan siyang muli…

“Arrow…”

Ang taong nagparamdam sakin ng lahat-lahat. Ang taong nagparamdam sakin dati kung gaano ako kahalaga…ngunit siya rin ang taong nagparamdam sakin kung gaano ako kinasusuklaman ng lahat…

Ayoko na. Ayaw ko nang muling sumubok na bumalik sa bisig niya…

Ayoko na…

First and LastWhere stories live. Discover now