Chapter 17

6 0 0
                                    

Hi, smileys! I'm back! Sorry for the super late update kinain lahat ng acads ang lahat ng time ko. 🤧. Babawi po ako. Thank you! Happy reading.

---

Trabaho lang din ang araw-araw na routine namin ni Arrow. Ako sa kumpanya o kaya sa site habang siya naman ay sa tuloy-tuloy nilang rehearsals. Ganoon pa man, Arrow never failed to amuse me in his efforts and actions. 

Kung mayroon man akong napapansin sa kanya ay ang pagbibigay niya ng efforts sa lahat ng bagay. Kahit ang simpleng paglalagay ng pagkain sa baunan ay pinaglalaanan niya talaga ng oras. I told him na kaya ko naman na ang bagay na iyon but he insisted na siya na lang daw ang gumawa.

May pagkakataon na siya ang maghahatid sa akin sa work at siya rin ang magsusundo. Mayroon din naman na hindi and its okay. I have my car and I understand that he’s currently busy. Hindi pa naman kami mag-partner o nasa isang relationship to demand things from each other.

“Your Abuela is missing you, Apo.” Sabi ni Lolo nung minsang puntahan ko siya sa kanyang office. I wanto to front him and clear things up regarding sa pinag-meetingan namin. He said that it’s okay as long as the project will continue kahit na nagkaproblema.

He said that the company is willing to lend another budget para matapos na ang pabahay. I said my thank you at kahit paano ay nakagaan ng alalahanin. Konting panahon na lang ang uubusin namin para magawa na ang mga pabahay at mapakinabangan ng mga taong nangangailangan. 

Halos araw-araw na rin ako sa site kasama sila Sean, Jelly, at Dave. Madalas ay si Leigh ang naiiwan sa office namin. Si Mang Reynaldo naman ay patuloy na sinusunod ang kung anumang pinagagawa sa kanya na agad din naman niyang sinasabi sa akin. Hindi ko alam kung may ideya na baa ng nasa likpd nito pero feeling ko ay wala pa naman dahil wala namang kakaibang nangyayari bukod sa mg autos nila kay Mang Reynaldo. 

Siguro after ng isyu na ito ay tsaka na lang ako bibista sa hacienda at kay Abuela para wala na akong iisipin pang problema kapag naroon na ako.

Mabilis kong kinuha ang mga pinamili kong tinapay sa isa sa mga bake shop malapit dito sa kumpanya. Dito na rin ako bumibili ng meryenda namin sa site nitong mga nakalipas na araw. Nakakatuwang panuorin ang mga workers na sayang-saya kapag nakita na nila akong may bitbit na supot ng tinapay galing sa bake shop.

Palaging sumasagi sa isipan ko ang turo ni Abuela kapag may mga trabahador kami sa hacienda. Siya kasi ang palaging nag-aasikaso ng mga pagkain namin at ng mga workers. She said na sa pagkain lang naman kukuha ng lakas ang mga workers kaya naman hindi niya kinaliligtaan na palaging magbigay ng meryenda sa kanila.

And it’s one of advantage kapag lumaki sa side ng lolo at lola. Palaging busog sa pangaral.

I patiently waited in front of the elevator at ng bumukas ay agad akong pumasok. Hawak-hawak ko sa magkabilang kamay ang mga supot at boxes ng mga tinapay samantalang inipit ko na lang sa underarms ko ang folder na hindi naman ganoon kabigat at kakapal.

Ilang segundo lang ang nilagi ko sa loob ng elevator at kapagkuwan ay lumabas na.

“Buo na araw ko!” salubong sa akin ni Dave ng makita ang mga pinamili ko. Kinuha niya sa akin ang mga tinapay habang isa-isang inuusisa ang laman.

“The best ka talaga, Elle!” he said. Inilapag niya sa lamesa ko ang mga supot at nagtungo sa single sofa ng office ko habang inaamoy-amoy ang supot ng Crossini. 

He’s all-time favorite.

Binili ko talaga iyon para sa kanya. Lahat ng kasamahan ko sa project ay nandito sa office ko. Sean and Jelly is busy in the front of their laptops habang si Leigh naman ay nag-i-sketch sa pad niya.

First and LastWhere stories live. Discover now