Chapter 1

15 2 0
                                    


“Engr. Cilla!”

I turned my head to Architect Guzman when he greeted me. Isa na namang panibagong araw para sakin. Panibagong araw para mag-trabaho. I released a deep sigh when I remember the commotion yesterday regarding the project pabahay I proposed in our company.

“Yes, Mr. Guzman?”

“Good Morning… Haven’t you heard the good news? The Board accepted your proposal and let you manage it.” Masayang sabi niya.

“Oh? Really?...Napakaganda ngang balita niyan para satin!..Mabuti naman kung ganoon. Masesecure na natin ng maayos ang proyekto ngayong nasa kamay na natin ito.”

“Yeah. Kaysa naman sa iba mapunta itong project na hindi natin alam kung talaga bang tutukan ng maayos or baka kung saan-saan lang mapunta ang budget.”

“Kaya nga. Kung ganon, didiretso na ko sa loob.” Tumango na lamang siya. Maayos ang naging pag-uusap namin ng Department Head about sa Project-Pabahay. I spent my whole day as usual in my office and when afternoon comes, I visit the construction site.  Naabutan ko si Kuya Benny, isa sa mga inatasan kong magbantay sa site kapag nasa office ako. So far, maayos naman at sobrang nasusunod ang mga nakalagay sa blueprint. Hindi pwedeng hindi masunod ang nasa plano sa bawat proyektong gagawin dahil dito nakasalalay ang pangalan at kredibilidad ng kompanya. Same routine araw-araw. Papasok sa company, bibisitahin ang site, ma-wo-work, uuwi sa bahay,tas magpapahinga na.

---

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa office para kunin ang mga naiwan kong gamit kahapon. Malapit na naming matapos ang unang proyektong ginagawa sa site kaya mas maiging masimulan ko ng gumawa ng plano para sa Project-Pabahay. Matagal ng gustong makuha ng aking team ang proyektong ito dahil bukod sa malaki ang kikitain ay masesecure pa namin ang budget. Hindi lingid sa amin na maaaring mapunta sa wala ang perang gagastusin kung sa iba ito iaatang.

“Shuckkss!!!..nakita mo na ba ang balita ngayon, Kate?” Rinig kong bulungan ng ilan kong kasabay sa elevator. Mukhang dito pa magkukwentuhan.

“Ang alin? Yung tungkol ba sa concert ng Shades of Blue?” Nakita kong kinikilig na tumango ang kasama niya. Nasa harap ko sila kaya rinig na rinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang babae.

“Pupunta talaga ako.Hindi pwedeng hindi. Mygad!..makikita ko na rin sa personal si Arrow!” nagtutulakan pang sabi nila.

Tumikhim ako para iparating na nasa loob sila ng kompanya. Agad namang humingi ng pasensya ang dalawa at mabilis na umalis pagkabukas ng pintuan. I’m okay naman pagdating sa ganong bagay I mean ayos lang kahit magkwentuhan sila buong araw yun nga lang hindi iyon appropriate kung oras ng trabaho and worst,baka mahuli silang nagtsitsismisan ni Lolo.
Dumiretso na ko sa office para kunin ang mga gamit ko. I spent a couple of minutes’ para kausapin ang team ko kung maayos ba ang naging takbo ng meeting kanina. Buo ang tiwala ko sa kanila kaya sigurado akong magagawa nila ng maayos ang mga responsibilidad. Magkakapatid na ang turing namin sa bawat isa. Isa kasi yan sa mga una kong pinaalala sa kanila, na dapat kahit nasa trabaho ay maging komportable sila sa isa’t-isa. Sa ganoong paraan, magiging magaan ang mga responsibilidad.

Mag-a-alas-onse na ng makarating ako sa sakayan ng Bus. Iniwan ko muna sa apartment ang kotse ko dahil namiss ko rin ang mamasahe. Masaya pala balikan ang mga dati ko nang ginagawa noong estudyante pa lamang ako. Nang Makita ko na ang paparating na bus ay agad ko itong pinara at sumakay.

First and LastWhere stories live. Discover now