Chapter 39

1 0 0
                                    

This chapter is dedicated to MissApparition. Thank you po for voting this story. Hope you enjoy reading it.

---

It was such a normal day. Normal pa nga ba, Elle? Gayong alam mong iisa kayo ng hanging nalalanghap ng ex mo? 

It’s their concert here in the Philippines. Baka ngayon ay nag-uumpisa na ito. I did not attend the concert. Hindi ko yata kakayanin kahit na ilang taon na din ang lumipas. I didn’t regret my decision. It was for the both of us? pero bakit hindi ko makalimutan. 

Pakiramdam ko ay nandoon pa din ako. Lumipas lang ang taon pero andon pa din ako. I witnessed how he grew his career within these past years. Sa araw-araw ba namang laman ng balita. I witnessed how he faced all those problems alone. Kung may bagay man akong hindi pagsisisihan ay ito yun. It brought good for us. 

May mga naka-live sa concert. I did not watch it. Hanggang sa natapos iyon. It was a plain feeling. Masaya. 

I received text messages from Kier. Sa halos taon na lumipas siya lang ang nagkalakas-loob na kausapin ako. He updated me their routine kahit naman na hindi ko hinihingi. Kapag may photoshoot sila ay sinasabi pa niya sa akin. All I did is to nod.

They pursue their music while I am here inside our company. Totoong magkalayong mundo. 

My friends went their concert. Nang makapanganak si Jelly ay siya ang nag-aaya sa amin. They know my reason, and they respected it. Bagay na hindi na nila inihingi ng eksplanasyon. Kasi alam naman nila ang nangyari. Sabi ko nga, taon lang ang lumipas. Pero ako nandoon pa din ako. The Elle who’s watching Arrow leaving on her door.

I may grow up as a professional woman but there’s something I left behind. Ito siguro yung parte ng buhay ko na hindi ko alam kung makukumpleto pa. 

Ewan ko ba. Minsan ay ang gulo-gulo ko din. Na minsan ay napag-isip-isip kong ang laki din pala ng pagkakamali ko. Letting him go because of my emotion. Diba? Minsan naman ay nasasabi kong tama lang din ang ginawa ko. 

I chuckled. Pero paano kaya kung…

Ipinilig ko ang ulo ko. Tama na ang what ifs. 

Kung palagi kong paiiralin ang sariling tumingin sa nakaraan ay hindi ako makakausad. All things need me. Sa linya ng trabaho ko ay sobrang hinahatak na ako. 

“Pumunta ka naman dito, Apo?” daing ni Abuela. Katabi niya si Lolo na humihigop ng kape. “Ilang taon ka ng panay trabaho. Magpahinga ka naman.” 

I saw how Lolo faced the camera. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang pagsang-ayon niya sa asawa. 

“Hindi naman malulugi ang kumpanya kung magba-bakasyon ka kahit saglit lang.” dagdag nito. Lolo nodded. 

“Nilagay kita dyan hindi para ilulong mo ang sarili mo kaka-trabaho.” Lolo started. “You deserve a vacation, Apo.” 

“I’m okay naman po.” 

Umiling sila. Ang mga mata ay hindi pumapayag. Kumuha ng bulaklak si Abuela mula sa mga ani at inayos iyon sa vase. She cuts the stem and placed it on the flower vase. 

“Hinihintay ka na ng hacienda. Nalulungkot na ang talon. Hinahanap ka na ng hangin sa bukid.” She’s like saying that hacienda misses me. “Ilang taon ka na daw hindi nakakauwi sabi ng mga tao.” 

“Take a leave.” Lolo said in finality. 

Doon natapos ang tawag. I slept not because of the heaviness but they right. Tama sila na kailangan ko ding huminga. Kailangan din ng katawan ko ang magpahinga. Hindi na din yata uubra na panay trabaho ako sa mga susunod na buwan. 

I assigned my team to be the head-in-charge habang wala ako. They agreed. 

Philippines is not their concert last destination. Ilang weeks din ang lumipas bago ko napagpasyahan ang magbakasyon muna. 

I said I am on a vacation but I am not closing my time if the company will need me. Ora mismo ay ba-byahe ako para lang pumunta sa kumpanya. Hindi matahimik ang isip ko sa bagay na iyon. Feeling ko ay hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakapasok sa kumpanya o anything na related doon. 

“It’s because sinanay mo ang sarili kaka-trabaho. Ayan tuloy, wala ng hinahanap ang katawan mo kundi trabaho, kumpanya!” sermon ni Lean sa akin ng magpunta siya sa bahay ko. 

She helped me packing my clothes. May balak ang babae na sumunod sa akin sa hacienda. Sabi niya ay nami-miss din niya ang simoy ng hangin doon. Feeling kasi nito ay para siyang diwata kapag nasa kagubatan. 

I rolled my eyes secretly. Bukas din ay tutulak na ako papuntang hacienda. I will settle everything first. 

***

Gabi na ng makarating ako sa hacienda. I rode with my Black Sedan. Halos naka-dalawang maleta din ako ng damit. Ganoon pa din ang hacienda ng huli kong punta. Maayos at payapa. 

My Abuela and Lolo waited me. Nasa veranda ang mga ito ay hinihintay ako. Nagkahulan ang mga aso pagkapatay ko ng makina ng sasakyan. Nag-ampon yata sila ng mga bagong aso. 

I went outside my car. Tinulungan ako ni Manang na dalhin ang mga maleta sa kwarto. I kissed my grandparent’s hands. Niyakap ako ni Abuela habang si Lolo ay tumapik sa balikat ko at umakbay.

They greeted me. Gabi na iyon at tamang-tama para sa dinner. Kumain lang ako saglit at kaunting kamustahan ay umakyat na ako sa kwarto para maghugas ng katawan. 

“Naku! Matutuwa ang Hachi sa pagdating mo.” Manang said while helping me on my clothes. Isinasalansan niya iyon sa cabinet. “Tuwid na ang dila ng bata at malinaw na ang mga salita.” She informed. 

Natuwa ako. I slept when she finished my clothes. Kinabukasan ay sumalubong sa akin ang lamig ng hangin. Hinawi ko ang kurtina. Suot-suot ko pa ang white long satin dress na pinatungan ko ng mahabang blazer para hindi ako gaanong malamigan. 

May hamog pa sa labas. The morning dew scattered on the sky. The leaves are alive and bright because of it. Ito ang wala sa Maynila. Kahit kasi umaga doon ay mainit na sa balat. Humilig ako sa veranda ng aking kwarto. I stared the rising sun as it made my whole day. 

Napaka-payapa. 

Nang magsawa sa kakatanaw ay bumaba na ako ng hagdan. I helped Manang to prepare our breakfast. Hindi pa daw bumababa si Abuela habang si Lolo naman ay maagang sumamang nag-jogging sa mga kasama nito. 

“Ganoon talaga dito tuwing umaga. May naaya ang Lolo mo na mag-jogging. Dati-rati naman ay walang hilig sa ganoong bagay ang mga tao dito pero nung makita ang Lolo mo na araw-araw dyan, nakooo nagsigayahan na ang mga kaedaran niya!” 

I giggled. “Buti naman po at maganda po sa health nila ang ehersisyo.” 

“Sinabi mo pa! Sabi ko nga sa Lola mo ay sa Zumba naman siya.”

After my breakfast ay nilibang ko ang sarili sa garden ni Lola. Kung dati ay iisa lang ang area nito, ngayon ay halos mag-tatlo na. Pinalaki niya pa ito lalo. I opened my book and read it. Para lang akong bumabalik sa pagkabata. Ganitong-ganito din kasi ang nakagawian ko tuwing walang pasok. 

Libro, Hacienda, at Pag-aaral lang ang buhay ko noon. 

But things have changed. And who am I to decline? I will gladly accept it.

---
👷‍♀

First and LastWhere stories live. Discover now