Chapter 44

2 0 0
                                    

Maganda na sana ang gising ko kung hindi ko lang nakikita umagang-umaga ang pagmumukha ni Pana!

“Bakit nakasimangot ang beshy ko?” Nakahalumbaba siya sa harap ko at kanina pa ako pinapanuod na kumain ng pancake. Nahuli ako ng gising kanila na akala ko naman ay hindi ko siya madadatnan dahil baka nauna na itong umalis papuntang bukid. But it turned out na hindi naman pala.

Bumuntong-hininga ako. 

“Why?” segunda na naman niya pagkatapos ng isa pang tanong. “Are you not happy? May kumagat ba sa’yong lamok kagabi?!”

He checked my neck. Tinabig ko ang kamay niya ng akmang hahawakan ako sa balikat. “Tigilan mo nga’ko!” I shouted out of my frustration. Kanina pa masakit ang puson ko at nadadagdagan iyon tuwing nakikita ko ang mukha niya.

“May masakit ba sa’yo?” he asked seriously. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy na ang pagkain. My stomach curled. Lihim ko iyong hinawakan sa ilalim ng table. Inisip ko na lang na hindi ko siya nakikita. 

Walang Pana sa harap ko. Walang Pana sa harap ko. Walang Pana sa harap ko.

Paulit-ulit ko iyong dinadaing sa isip hanggang sa matapos ako sa kinakain. Nilagay ko iyon sa lababo habang hawak-hawak ang puson at hindi na nagawa pang urungan ang pinag-kainan dahil tumitindi na talaga ang sakit sa puson ko. 

Bakit naman kasi babae lang ang nagkakaroon ng dalaw?! It’s unfair! Dapat lalaki din para naman maranasan nila ang buwan-buwan na menstrual cramps!

“Ito muna inumin mo.” Bigay ni Manang sa akin ng gamot ng palabas na ako sa kusina. Kinuha ko iyon at ibinulsa. May tubig sa kwarto ko kaya doon ko na lang iinumin. 

“Ano ‘yan?” usisa niya. Nakasunod ang mata sa tinago kong gamut.

Bakit ko ba siya nakalimutan?! My body becomes more irritated. Irita akong tumingin sa kanya ng bigla niyang kinuha sa bulsa ko ang gamut. Binasa niya iyon at nagtanong kay Manang. 

“Para ‘yan sa sakit ng puson.” Manang answered. Hindi ko na sila hinintay sa pag-uusap. I walked on the staircase because I want to sleep! Tulog lang katapat nito! 

“Puson?” 

“Kapag may dalaw ang babae.” 

“Dalaw? You mean mens? Yung dugo?”

I sighed. Hihimatayin na ako!

I opened my room. Naririnig ko na ang mga yabag ni Pana sa hagdan. He’s calling me. Shouting my name like there’s no one here except the two of us.

“Wait lang, love!” iniwan kong nakabukas ang pinto ng kwarto ko. Hinila ko ang kumot at pina-ikot iyon sa katawan. “Tingin kung may lagnat ka.” Pinatong niya ang palad sa noo ko. Tinabig ko iyon at iniringan siya. 

“Nire-regla lang ako pero wala akong lagnat!” tumagilid ako sa kanya pero nakihiga pa siya sa akin at niyakap ako. “Pana, alis nga!”

“Pana?!”

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan dahil naririndi na ako sa kanya. May sinasabi siya pero hindi ko na pinakinggan pa. He keeps talking and talking. Pinasakan ko ng earphone ang tainga ko at tsaka pumikit. He’s on his phone before I wear my earphone. Nakatulog na ako ulit ng hindi na siya nanggulo.

Pagkatapos ng dalawang oras na idlip ay nagising ako sa amoy at ingay sa gilid ko. Alam kong nasa tabi ko lang siya dahil bumubulong-bulong pa.

“Is this accurate?” he whispered. 

Dahan-dahan akong bumaling sa gawi niya. Nakatalikod ito sa akin. He’s wearing a white sando, and a casual short. His back is masculine. Kitang-kita ko iyon mula sa kanyang pagkaka-upo. Nakadantay ang dalawang siko niya sa hita niya habang may binabasa.

First and LastWhere stories live. Discover now