Chapter 36

2 0 0
                                    

New.

That’s what best describes on how I will have directed things starting from today. Unti-unti na ding umaayon ang lahat. 

Eunice got jailed. Kinasuhan siya ng kumpanya at natanggalan ng lisensya. It was a bombed on the company the other day. Walang nag-expect na hahantong sa ganoon. She’s one of the asset. Ang team nito ay under investigation din. 

Unti-unti na ding humuhupa ang nangyaring gulo noong opening. Successful naman na nagawa ang proyekto. May mga pangyayari lang talaga na hindi natin hawak ang mangyayari. Ang mahalaga lang naman sa amin ay nabigyan namin ng hustisya ang nangyari at nagawa ang project. 

Simula ng pumutok ang balita ay tila tahimik ang buong kumpanya. I heard gossips pero binalewala na lang namin. Hindi naman iyon mapipigilan. Nakarating iyon maski kila Abuela na nasa probinsya dahil na rin sa mga media. Naging hot topic iyon sa bansa at ilang beses kaming umiwas sa mga reporter na nasa labas ng building. 

The company also offered a psychiatrist assistance on Eunice. Hindi ko na lang alam kung tinanggap ba niya iyon o hindi. Patong-patong ang naging reklamo sa kanya. It was out of my control and knowledge. Nagsilabasan na lang din pagkatapos ng nangyari. Lolo has become busier because of what happened. Tuloy ay kabi-kabilang emergency meeting ang nangyari. 

Nakakalungkot lang na malapit na siyang maretiro ay ganito pa ang nangyari. Halos wala akong mukhang maiharap sa kanya ng ipatawag ako nito ng umagang-umaga sa office niya. I am teary eyed. Akala ko ay pagagalitan niya ako bagama’t may diin ang bawat salita niya but he just hugged me the last. 

“Apo pa rin naman kita.” He said. “Parter ‘yan ng buhay ang magkamali. That’s okay, apo. Everything will be soon fix.” Tukoy niya ng malaman din ang ibang nangyari lalo na ang tungkol sa amin ni Arrow. 

Abuela also called. Nangumusta lang din pagkatapos ng nangyari. She said na siya ang kakausap kay Eunice pero hind ko na hinayaan. Knowing her, hindi iyon magiging kalmado. Reason kung bakit si Lolo lagi ang humaharap sa mga ganitong sitwasyon mula pa noon. 

Mang Reynaldo and his family was also out of the problem na din. Paminsan-minsan ay bumibisita ito sa loob ng opisina at nakikipagkwentuhan sa amin. 

As for me, and Arrow. Wala na akong balita sa kanya simula ng magkausap kami. Kung mayroon man ay dahil sa balita. It said on the news that he’s planning to move out of the country. Sila ng banda niya. Babalik sila at doon nila ipagpapatuloy ang musika. Some international companies offered a huge opportunities to them. 

He cleared the issues. Unti-unti na ding natatabunan ang usapin sa relasyon namin. He did not close any information about our relationship. May pagkakaunawaan na kami. He did the interview once. 

May mga tanong pa din ako na hindi pa niya nasagot. Pero hinayaan ko na lang. Ang mahalaga sa akin ngayon ay kapayapaan. Peace for myself. Peace for the issue. Peace for everyone. 

Halos mag-iisang taon na din ang lumipas. The company is at its best. We made unique projects, and international partnerships. Sa lahat ng iyon ay ako na ang humawak. Lolo wanted to retire. Hindi na daw kaya pa ng katawan niya ang sobrang pagod at isipin. He wanted to move in the hacienda. Bukas ay paroroon siya. 

My teammates are also in good terms. Walang nagbago sa paglipas ng taon. Sean pursuing this girl. Hindi pa namin iyon nakikita at tanging sa wallpaper lang ng cellphone niya namin iyon nalaman. Sean was furioused when Dave found out. Sukat ba naman kasing pakialamanan ang cellphone nito. 

“Makiki-log-in lang naman sana ako ng messenger. Aba, malay ko bang may wallpaper kang bebe mo!” katwiran niya habang matalim ang titig ni Sean sa kanya. 

He scratched his head. Dave and Jelly are now engage. Nag-po-prose ang lalaki noong nakaraang buwan. It was a dreamy afternoon. Itinaon niya iyon ng sunset dahil gustong-gusto ng babae ang ganon. Nasa beach kami noon para mag-close ng deal sa kliyente. Pero mukhang deal ang na-close ni Dave. 

“G*go! Anong pinakain mo kay Jelly para pumayag siya sayo?!” laban ni Sean. “Magbago sana isip niya.” 

“Pinakain? Gusto mong malaman?” 

Normal na pangyayari sa opisina. 

Leigh also rolled her eyes on Dave. Siya lang yata ang halos wala akong balita. She lives in a very private life. Kung pribado ako ay mas pribado ito. She only wants her books. She said “Books are more exciting than boys.” 

Kaunti lang ang nalalaman ko sa kanya. I didn’t dare to ask her since it’s her personal life. Sa aming lahat ay siya ang huling pumasok sa grupo. Tipikal na tahimik. Pero halimaw sa paggawa ng mga projects. 

“Parang nakita kita noong isang gabi.” Turo ni Dave sa babae. “Gabing-gabi na nun! Kaso hindi ko sure kung ikaw talaga ‘yon!” 

“Bakit?” 

“Nakasakay sa black ninja. Big bike. Kaso hindi naman ikaw yung tipo ng magda-drive ng ganon.” 

She touched her nose bridge. Tila nawawalan na naman ng pasensya sa kaharap. “Jelly.” Tawag niya sa babae. “Pakitali nga muna jowa mo.” 

Dave shocked. Ang bunganga ay nakanganga. “Grabe, guys!”

Couple of minutes has passed. Kusang bumukas ang pintuan at iniabot sa amin ang imbitasyon. 

“Sa Friday na pala.” Ani ni Jelly pagkabukas ng papel. 

It was an invitation from the company. Tuluyan ng magre-retiro si Lolo at ipapasa na sa akin ang posisyon. Sa grand hall ito gaganapin. It was a formal event. 

“Baka naman! Wag mo kaming kakalimutan, Elle. Tropa-tropa pa din ah!” kantyaw sakin ni Dave. 

“Tumigil ka na nga.” Saway sa kanya ng girlfriend nito. 

The whole company’s employee is invited. Turnover ng position ang mangyayari. It was a huge opportunity for me. Nakakakaba na ngayon palang. He trained me. Sinanay niya ako mula noon pa man. Ayoko silang biguin. Alam ko ding sobrang ganda ang naging pamumuno ni Lolo. Hindi lalago ng ganito kalaki ang kumpanya dahil sa kanya. 

Darating din naman talaga ako sa ganito. If this is God’s will, then be it. 

I will ready myself. I will do my best to maintain what Lolo did. No, hihigitan ko pa. Mas lalo ko pang pagbubutihin para mas lalong kilalanin ito. Bubuuin ko ito ng dedikasyon, at sipag. I will make this a company not only for business but a company of hardwork, and compassion. 


---
👷‍♀

First and LastWhere stories live. Discover now