Chapter 18

6 0 0
                                    

Tunog ng ambulansiya at patak ng tubig mula sa hose na hawak ng mga bumbero ang sumalubong sa akin pagdating sa bahay nila Mang Reynaldo. I walked in front of masses of people habang takip-takip ang aking ilong dala ng makapal na usok. I was searching my teammates in a crowd na hindi naman ako nahirapan ng lubos sa paghahanap dahil nasa unahan lamang silang bahagi at nakikipag-usap sa mga awtoridad.

“Mr. Guzman!” I called him. 

He faced me while he talked to the head officer of firemen. Butil-butil na rin ang pawis sa kanyang noo dala ng init na nanggagaling sa nasusunog na bahay. 

I received the text messages from them in the middle of the night. I was asleep beside Arrow matapos ang kwentuhan namin sa terrace ng kwarto kanina pero nagulantang na lang ang buo kong sistema ng sunod-sunod ang pag-ring ng aking cellphone not knowing na may nangyayari na palang hindi maganda.

“Elle! I am talking to their head officer and he said na tinutukoy pa lamang nila ang dahilan ng sunog.” He said habang hinahawi ang usok na umaabot sa pwesto namin. Ako man ay nalalanghap ito pero wala na akong pakialam basta ang inaalala ko ay sila Mang Reynaldo at ang mga naapektuhan!

Nahagip ng paningin ko si Mang Reynaldo na hawak-hawak ang ilang gamit sa kaniyang kamay. I saw how tears rolled down in his eyes habang nakatingin sa natutupok nilang kabahayan. Ang kanyang misis ay ganoon din habang nasa tabi niya ang dalawa nilang anak na panay din ang luha. 

Bakit umabot sa ganito?

My eyes watered. 

Hiyang-hiya akong lumapit kila Mang Reynaldo at mas lalong naiyak ng makita akong papunta sa kanila. Kasalanan ko ang lahat. Kung sana hindi ko na ipinilit pang sabihin sa kanya na manatili sa kung sino mang tao ang nasa likod ng problema namin sa proyekto ay hindi ito mangyayari! Kung sana ay hinayaan ko na lamang si Mang Reynaldo na wag ng tumanggap pa galing duon ay hindi na aabot sa ganito!

‘Ang tanga mo, Elle!’ sinisising saad ko sa sarili ko.

“Mang Reynaldo, I’m s-sorry po.” I lower my body para manghingi sa kanya ng pasensya. Hawak-hawak ko ang kanyang kamay habang humihingi ng kapatawaran. 

His family is on his back na wala din magawa kundi tumangis na lamang habang tinitignan kaming dalawa ng kanilang padre de pamilya.

“Pasensya na po t-talaga.” Ulit ko. Hindi ko na pinagkaabalahan pang alisin ang luha sa aking pisngi dala ng awa sa sinapit ng pamilya ni Mang Reynaldo. Anong mukha ang maihaharap ko sa kanila ngayong ako ang dahilan ng trahedyang ito. Anong paliwanag ang sasabihin ko sa kanila?!

The old man nodded at me habang marahang hinahaplos ang likod ko. He caressed my back to comfort me. Bakit kung sino pa ang mga nabiktima o naapektuhan sila pa ang unang-unang dadamay sayo? Why kind people always experience this so much cruelty of life?

My lips trembled. Hindi na kinakaya ng aking mga mata ang nasasaksihang trahedya nina Mang Reynaldo. 

I saw my teammates arrived. Humahangos na dinaluhan ako ni Leigh at ni Jelly samantalang ang dalawang lalaki naman ay napatanga sa harap ng nasusunog na bahay. They still stunned at hindi rin alam ang sasabihin.

Kaliwa’t-kanan ang pagpaparoon ng mga bumbero para hindi na kumalat ang apoy at madamay ang ibang kabahayan. Maliliit lamang ang espasyo ng ibang bahay sa bahay nila Mang Reybaldo kaya naman kailangan talaga na mapigilan ito agad.

Katulad ko ay wala din magawa ang iba kong katrabaho dahil hindi rin naming alam kung paano sisimulan itong ayusin. Do I need to approach Mang Reynaldo’s family in the middle of their hatred towards us?

First and LastWhere stories live. Discover now