Chapter 41

1 0 0
                                    

“Rise and Shine!” 

Umalingawngaw ang matinis na boses na iyon sa loob ng kwarto ko. I didn’t mind it. Kaya lang ay may dumagan sa akin ang katawan niya. More like hinagis niya sa akin sarili. 

“Come on!” yugyog ni Lean sa akin. 

“Argh! Labas ka nga, matutulog pa’ko.” binalik ko ang eye sleeping mask sa mata ng subukan niyang tanggalin iyon. Inalis niya ang kumot ko tsaka pilit na binabangon ako. 

“Lean!” I sat. Matalim ang titig sa kanya na tinawanan lang niya. 

“Get up! Maaga tayo sa rancho niyo.” She said. “Nauna na akong kumain.” 

She walked on my veranda at tinanaw ang araw. “Napakaganda talaga!” 

I rolled my eyes. Bumalik ako sa pagkakahiga. Hinahamig pa ang sarili. “I’d like to try some horses.” Bulong nito. “Yung Malaki.” 

“Sisipain ka lang nun.” 

“No. Abuela said mababait sila.” 

I scratched my hair. It was a bit messy. Nakapantulog pa ako ng sumunod sa kanya sa labas. She’s ready. Naka-high boots na ito, maong na fitted pantalon, at three-fourth white sleeves. Her hair tied in a bun. May maliit na itim na bag sa beywang at nude lipstick sa labi. 

“Hindi ka naman excite, ano?” I surveyed her outfit. 

“Excited.” 

Umiling ako sa kanya at bumaba na ng sala kahit naka-pajama pa. To eat breakfast. Nakasalubong ko si Abuela at nagtanong kung tuloy ba kami ng Lean mangabayo. 

“Yes, ‘la! Pinuntahan na nga ako sa kwarto.” 

“Pagbigyan mo na para maaliw naman dito.” 

Tumango sa kanya. After I ate my breakfast ay umakyat na ako sa taas. I washed my body. Nang matapos ay nagbihis na ng kagaya ng sa kanya. Itim na pantalon at boots ang sa akin. Habang sa pang-itaas ko na naman simpleng white fitted shirt. Inilugay ko ang buhok total ay mamasa-masa pa din. Matutuyo din ito mamaya sa araw. Sa beywang ko ay naroon ang itim na cowgirl cap para kung sobrang taas na ng araw. 

Paglabas ko ay naroon na ang dalawang kabayo na hawak-hawak nila Manong. Nakikipag-kwentuhan si Lean sa mga ito. I greeted them “good morning.” 

“’Yan na po ang pinaka-maamo sa lahat ng kabayo, Ma’am Lean.” Ani ni Kuya Dany. Caretaker sa rancho. Kulay brown iyong kabayo na iniaabot niya ang tali kay Lean. Tahimik lang iyon at ni hindi umilag ng subukan siyang hawakan ng kaibigan ko. 

“I know how to ride a horse.” She informed ng sabihin ni Kuya na aalayan muna siya para masanay siya sa kabayo. Tumango siya ng tignan ko. It was a couple of minutes’ ng makasanayan niya ng kabayo.

I nodded at Kuya Dany ng pagbuksan niya kami ng gate. Sakay ang itim na kabayo ay nilingon ko ang kaibigan sa likuran. 

“Ready?”

“Ready!” 

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa tali habang mabilis na tumatakbo ang kabayo. Sa damuha kami dumaan katabi ng kalsada. May mga nadaanan din kaming mga kabayo na kumakain sa parang. We passed by at them. 

“Kita pala dito ang mga sasakyan.” She said ng mabagal na lang ang patakbo namin. Tinuro niya ang kalsada na hindi sementado. Iyon din naman ang dinaaan namin noong pumunta siya sa mansion. 

“Yeah.” Sang-ayon ko sa sinabi niya. “Sa burol tayo pupunta mamaya.” 

Tinahak namin ang kahabaan ng hacienda. Hindi pa masakit ang sikat ng araw sa balat. May mangilan-ngilang mga tao na din ang naghahanda para pumunta na ng bukid sakay ang kanilang mga kalabaw at ilang makinarya. 

Huminto muna ako ng Makita ang agwat naming dalawa. Bumaba sa kabayo at nangumusta sa mga trabahante. Si Lean naman ay sinusubukan pang mag-picture sa daan kahit na panay palay naman ang nadadaanan niya. 

“Kamusta ho?” I asked the farmers. They shoving the ground to flow the water smoothly. Kaunti lang kasi ang tubig na umaagos doon. 

“Ayos na ayos, Senyorita! Pinaparaan lang namin ang tubig para makadaloy ng husto.” He said. 

“May sports car!” rinig kong sigaw ni Lean na hindi ko na lang pinansin pa. 

“Maganda ho ang naging ani natin noong nakaraan sabi ni Lolo.” tinulungan ko itong bunutin ang malaking damo sa gilid. 

“Aba’y totoo! Iyon ang pinakamalaking naani natin ngayong taon.” I nodded. 

Tinanaw ko ang kaibigan na halos hindi pa yata nagalaw sa pwesto niya kanina. “Punta po kayo sa bahay sa fiesta. May kaunti po tayong salo-salo.” 

They agreed. Nalalapit na din ang fiesta sa lugar namin. Kaya noong isang araw na sinundo ko si Lean ay may mga nagkakabit na ng mga banderitas sa daan. Ito yung pinag-uusapan nila Abuela at Manang kung anong ihahanda. It’s the hacienda’s tradition. Taon-taon ay pinaghahandaan iyon. Ngayon ay halos hindi na magkanda-ugaga ang mga tao sa mansion kung anong ihahandang bago. Abuela want a simple yet elegant celebration. Kaiba sa dating selebrasyon ng hacienda. 

Sabi nila ang deserve naman ng mga tao ang mas magandang selebrasyon dahil sa magandang ani ngayong taon. 

Hinintay ko ang kaibigan hanggang sa magpantay kami sa daan. Huminto kami sa Malaya Falls at doon na nagpahinga. Pinalipas namin ang matinding sikat ng araw. Doon na din naligo ang dalaga habang ako ay nasa maliit na kubo lamang. 

It’s not like na iniisip ko si Arrow noong nandito kami. Or am I in denial? Tandang-tanda ko pa kung saan siya nakapwesto dito habang kinekwento ko ang alamat ng lugar. Those promises were gone. Katulad ng agos ng talon ay tuluyan na ding dinala ng tubig nito ang mga salita niya. 

I will never be like her. Si Malaya. Hindi ako tutulad sa kanya. I will find love as much as I wanted. Hindi ko gagayahin ang pag-iibigan nila. Lonely yet sacrificial. 

“Ang lamig!” Lean screamed habang yakap ang katawan. Bumabagsak ang tubig mula sa talon sa kanya. Ang naka-bun nitong buhok kanina ay nakabuhaghag na ngayon at basa. Iniwan niya lang ang mga damit at pantalon sa batuhan. She even vlogging her experience. 

“Papasikatin ko ‘to!” as do her intro in the camera. “Saan ka nakakita ng hacienda pero may naka-sports car.” She blurted. 

Umidlip lang ako ng bahagya para mabawi ang tulog kanina. Bukas ay plano kong sumama kila Lolo sa pag-jo-jogging. Kinahapunan ay dumiretso kami sa bayan para asikasuhin ang selebrasyon. Abuela bought foods, and some vegetables. Umulan pa nga kaya nagpatila muna kami sa Vanilla Café. Sikat itong kapehan sa bayan. 

Sumama sa amin si Lean na kanina panay ang bili ng mga pagkain. She said na “It’s for midnight snacka kaya!”

“Para akong nagka-anak ng dalawang babae sa inyo.” Turan ni Abuela sa pagtatalo namin. 

“’La, kakanta ako sa fiesta ah!” 

“Oo sige. Kahit anong gusto mo.” Nakangiting sagot sa kanya ng matanda. 

Sa Isang linggo pa naman ang fiesta simula ngayong araw. Kinagabihan ay nag-ayang manood ng movie si Lean. Hindi ko na sana ito papatulan pa pero kilala ko siya. Hindi ‘yan titigil hangga’t hindi napagbibigyan. 

Akala ko ay ganoon lang ang mangyayari sa buong bakasyon ko. Hacienda, at Mansion. Pero wala sa inakala kong babalik siya at guguluhin ang buong buhay ko. And for the second time, the Arrow I purposely released from that day…is coming back to me. Again.

---
👷‍♀

First and LastWhere stories live. Discover now