Chapter 2

7 1 0
                                    

Pagbaba ko ay bumungad sakin ang malinis na sala. Pati ang unan at kumot na ginamit niya kagabi ay maayos na rin na naisalansan sa sofa. I turn my head in the kitchen when I smell the aroma of fresh brewed coffee. Samahan pa ng tunog ng nagsisitalsikang mantika.

Mukhang nagluluto ang kumag…

“Good Morning!” masayang bati niya habang naghahalo ng sangkap. Pangiti-ngiti pa ang lalaki at pasulyap-sulyap sa gawi ko. Halatang nang-iinis. Pssshhh…malamang ay ang nangyare kagabi ang iniisip nito.

Kung tutuusin ay hindi naman big deal yun…pero para sa kanya ay sobrang maipapagmamalaki na niya iyon dahil imbes na sumagot ako sa kanya kagabi ay basta na lamang akong tumakbo papuntang kwarto.

Sinong hindi? Maghubad ba naman bigla sa harap mo!

Kahit sino naman siguro ay talagang magugulat. Nang makitang hindi pa ako umaalis mula sa pagkakapwesto ko sa pintuan ay agad niya akong iginiya papunta sa lamesa. Hinawakan ang kamay ko na agad ko namang hinawi at nang mapansin niya iyon ay agad na bahagyang tumawa.

“I prepared some foods for our breakfast. Here.” Siya habang naglalagay ng kape sa tasa at nag-aayos ng plato sa harap ko. Still, hindi pa rin ako palagay ko sa kanya. Pinatuloy ko lang siya kagabi dahil hindi rin naman siya aalis hanggat hindi nakukuha ang gusto. Salamat na lang sa Panginoon dahil kahit papano ay matinong tao siya. Yun nga lang napakahangin.

“Sa office na lang ako kakain.” Mamaya may lason ‘to.

“No. I prepared it and don’t worry, it’s harmless.” Siya ng makita ang pag-aalinlangan sa mukha ko. Totoo naman kasing sa office ako kumakain. Nasanay na akong mag-take-out na lang sa restaurant or sa kahit na anong fast food chain kapag breakfast dahil para saan pa kung magluluto ako, wala rin naman akong kasabay. May mga stocks lang ng grocery sa ref at cabinet dahil sa gabi ako nagluluto para sa dinner.

“You know, miss. Hindi mo ko kailangang titigan ng ganyan. Maraming nagsasabing gwapo ako kaya sanay na rin ako. Yun nga lang, konti lang ang nakakaalam na may talent rin ako sa kusina.” Siya habang ipinagsasandok ako ng kanin at ng ulam.

“Hindi ka gwapo.” Napatigil siya sa paglagay ng ulam sa plato ko at napanganga sa harap ko. I diverted my gaze nang mapagtantong napatingin sa labi niya. Ngunit maya-maya ay pinagpatuloy na lang niya ang paglalagay.

“Says who? You?” Napapatawa habang nakatingin sa niluto niya. “Hindi na’ko magugulat baka isang araw taliwas na ang sinasabi mo at nahuhulog ka na sakin.”

Hindi na ko umimik bagkus ay ipinagkibit-balikat na lang ang kanyang sinabi. Pagkatapos ng agahan ay siya na rin ang kusang naghugas ng pinagkainan. Aaminin ko, bihira para sakin ang makahanap ng lalaking may alam sa kusina. Simpleng agahan lamang ang inihanda niya ngunit masasabi kong mas mainam ang lasa niyon kaysa sa binibili ko sa labas.

Bitbit ang bag, engineering hard hat, at mga blueprint ay nakita niya akong palabas sa bahay ko na agad naman siyang sumunod. Mukhang wala siyang balak na umalis.

“So you’re an Engineer? Hmmm…” Turan niya habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng kotse at nagsisilid ng mga gamit ko sa loob.

“It’s none of your business, Mr. Dela Vega.”

Bakit kasi hindi pa siya umalis?

“C’mon, atleast tell me your name.”

“No.”

Nakatukod na ang kanyang mga braso sa pintuan ng kotse habang nakangisi sa akin. Mataman niya akong tinitignan at ng hindi makayanan ang paraan ng pagtitig niya ay ako na mismo ang nagpaalis sa kanya sa pwesto ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng bigla niya akong hinawakan sa beywang at pinaharap sa kanya.

First and LastWhere stories live. Discover now