Chapter 15

5 0 0
                                    


“Lunch is ready!” 

Rinig kong sigaw ni Arrow mula sa baba. Magmula ng umalis siya kanina para magluto ng tanghalian hanggang sa pagka-usap sa akin nila Hercules, Kier, at Aelius ay nagsimula na rin silang magpatugtog ng kanya-kanya nilang instrument. 

Malamyos na pinapatugtog ni Hercules ang kanyang drum habang si Aelius naman naiwang nakatulog sa harap mismo namin habang magkakrus ang dalawang braso sa harap niya. 

“Really?!” bulalas ko habang nagkwekwento si Kier sa akin.

“Oo!” he laughed. “Hindi ko talaga yun makakalimutan!”

“Pangiti-ngiti pa siyang naglalakad nun tapos ayun natamaan ng bola! Sapul talaga sa mukha niya!” tumawa siya ng pagkalakas-lakas habang hinahampas ang coffee table sa harap namin. Tapos alam mo… nagkunwari pa siyang hindi natamaan pero yung ilong dumudugo na!” 

“Ano naman ginawa mo that time?” ako na sumasabay sa kwento niya.

“Syempre…” ani ni Kier habang nakataas ng bahagya ang baba. “Tinawanan ko muna bago dalhin sa clinic!” 

Kier is a typical jolly man. Bawat kibot palaging may sinasabi. Kung si Arrow ay panay kalokohan ay mas doblehin mo sa kanya. Hindi siya matahimik sa isang lugar at kung hindi ako ang kinakausap niya ay sina Hercules at Aelius. Nabwisit lang ang dalawa sa kanya kanina kaya naman bumalik sa akin para mangulit.

Akala ko ba broken-hearted to.

“Tas eto pa…” sunod na kwento na naman niya. 

Napangiwi na lamang ako ng biglaan siyang sumigaw sa sakit ng hilahin ni Arrow ang kanyang teynga. “Awww!”

“Daldal pa!” Arrow said while staring blankly at Kier na ngiwing-ngiwing nakahawak sa kanyang tainga.

Inirapan lang siya nito at hindi na pinansin pa. Arrow turned to Hercules para ayain na itong kumain at nagtungo siya pagkatapos sa pwesto ni Aelius para gisingin ito.

“Oyy! Gising ka muna at tara na kumain.” Normal na saad niya at pagkaraan ng ilang segundo ay bumangon na rin si Aelius at tumango sa kanya.

“Lunch is ready, baby. Ako ang nagluto.” Imporma niya sa akin. He holds my right hand and smiled at me. 

“Mauna na ako!” sigaw ni Kier after he closed the door.

Parehas kaming nakatayo ni Arrow habang hinihintay sina Aelius at Hercules. Pagkatapos mag-ayos ng dalawa ay bumaba na din kami. 

Naabutan naming nag-aayos ng hapag-kainan si Kier at nagsasandok ng ulam. Iginiya ako ni Arrow sa upuan at pagkatapos ay tinulungan niya si Kier sa paghahain. Aelius sat on my front habang si Hercules ay naupo sa pinaka-gitnang pwesto. It’s like he’s the father of these three kids. 

Umupo na si Arrow sa tabi ko habang si Kier ay katabi ni Aelius. Hercules lead the prayer and after that, si Arrow na din ang kusang naglagay ng kanin sa pinggan ko. There are a lot of dish he cooked. Nagluto siya ng adobong pusit, sinigang na baka, piniritong karne ng baboy, at pinakbet.

“Finally! My favorite!” Kier excitedly said while he’s holding his spoon at saka kumuha ng sabaw ng pinakbet. He poured it in his plate at saka maganang kumain.

Ganoon na rin ang ginawa naming apat. We ate our foods silently. Kung gaano sila kaingay kanina ay siyang kintahamik nila ngayon lalo na si Kier na kaligalig kanina tapos ngayon ay ni hindi maalis ang mata sa pagkain niya.

Ramdam ko ang paminsang-minsang titig ni Arrow sa akin para tignan kung plato ko pero hindi ko na lang din siya pinansin. I slightly pinched his legs para ang pagtuunan na lang niya ng pansin ay ang kanyang pinggan.

First and LastWhere stories live. Discover now