Chapter 29

5 0 0
                                    

I drove back to Maynila to confirm my thought. Kagabi ko pa iniisip ang bagay na iyon kung talagang may kinalaman siya kay Hachi. I mean, hindi naman dapat kasi ako makialam sa buhay ng iba but Hachi needs a father. I didn’t know the whole story but hearing Manang’s back story about Hachi’s father make me secured that my hunch is correct. 

I just want a confirmation. Irerespeto ko ang desisyon ng ina ni Hachi kung bakit niya ito itinago sa ama. I will ask Arrow about that dahil alam kong mas alam niya ito kaysa sa akin. Isa pa ay magbabalik na rin ako sa trabaho. Ngayon pang nasa Hacienda pa si Lolo at walang maiiwang titingin sa kumpanya. Lolo still has a full control but I want to see the company status personally. 

Narito na din naman sa Maynila si Arrow kaya wala na din akong gaanong rason para hindi pa bumalik sa trabaho.

“Puntahan kita mamaya dyan, beh.” Lean called. I answered her “okay”. Nasa byahe pa kasi ako hanggang ngayon although medyo malapit naman na ako sa lugar namin. 

Dumaan muna ako sa pinakamalapit na drive-thru para umorder ng tanghalian. Hindi alam ni Arrow ni pupunta ako dahil biglaan din. Halos mag-iisang buwan na din ng umalis siya. Madaming time na iyon sa pagsulit namin ng bakasyon. 

I missed my work. Namimiss na din ng katawan ko ang magtrabaho. Although it’s a tiring job ay hindi ko naman iyon ipagpapalit sa kahit na anong uri ng trabaho. Being an Engineer feels great. Sa tuwing nakikita kong nagiging reyalidad ang lahat ng plano kong projects ay nakakasulit lahat ng pagod at sakit ng ulo. 

Ilang streets pa ang nadaanan ko bago narating ang bahay. I opened the gate at tsaka pumasok ulit sa kotse para iparada ito. Nandito pa din ang isang kotse ni Arrow. Gamit-gamit siguro niya ang isa. 

I entered the key on the hole. Medyo maalikabok pa ang ilang appliances at may kaunting sapot na rin ang kisame. May araw pa naman ngayon kaya maliwanag pa. 

I went to kitchen to washed some plates and drinking glass. Pinunasan ko iyon bago ilagay ang binili kong lunch sa drive-thru. I checked my emails and messages while eating. May ilan na nag-eemail pa rin sa akin sa trabaho kahit alam na ngang naka-leave ako and my secretary already informed me that she sent a replies.

“Hoy babae!” a familiar voice shouted outside of my door. 

“Wait lang!” tumayo ako para pagbuksan ang kaibigan. 

“Hellooo!!!” bungad niya. “Namiss kita, girl. Walanghiya ka!” she exclaimed greeting me with her tight hug. She brought paper bags on her two hands and waved it in front of me. 

Inabot ko iyon at sinilip ng kaunti. “Nagdala ako ng lunch!” 

I nodded. “Mas excited ka pa yatang makita ang pagkain kaysa sa akin.” She rolled her eyes. 

“Luto mo?” I asked while opening the tupperwares. 

“Luh! Asa ka namang makakapagluto ako ng ganyan.” She pursed her lips. 

I breathed. 

Inilagay ko muna sa lalagyan ang dala niya. Masarap ang pagkakaluto. Tinaasan pa niya ako ng kilay habang nakain. She sat on front of me. Pinapanuod ako habang kumakain. 

“Mukhang blooming ka ah!” she squinted her eyes. “Kamusta experience?” intriga niyang tanong. 

“What?!” gulantang kong tanong. 

“Ano?” maang niyang tanong. “Tinatanong ko lang kung kamusta ang bakasyon mo?”

Tinatantya ko siyang tinignan. 

First and LastWhere stories live. Discover now