Chapter 42

5 0 0
                                    

"Why are you here?" tanong ko sa kanya ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Arrow is here. Kagagaling ko lang kanina mula sa pag-jo-jogging ng ibalita sa akin ni Lean na narito ang lalaki sa hacienda. Inaabot niya sa akin ang phone para tignan ang balita pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil ang nasa isip ko ay fake news iyon.

And now, madadatnan ko siyang masayang nakikipagkwentuhan kila Abuela at Lolo na para bang hindi kami dumaan sa hiwalayan.

"Elle." He whispered. Paano siya nakakakuha ng lakas ng loob na humarap sa akin, pumasok sa kwarto ko, at kausapin ako nga ganon-ganon lang?! How can he speak to me just like this?

Samantalang ako ay hindi ko alam kung paano siya haharapin. All these years...

"Let's us talk."

Umiling ako. "Pagod ako, Arrow. Mamaya na lang." I said.

His lips formed a thin line. Tila ba nananantiya kung itutuloy ba ang sasabihin o wag na lang. His eyes landed on my body. Nang makita na mula ako sa pag-jo-jogging ay sapilitan pa siyang tumango. Lumabas siya ng pinto na nakapamulsa. Sumulyap muna siya sa gawi ko bago isinarado ang pintuan ng mahina.

I breathe out. Parang doon lang ako nakahinga ng maayos. I did not expect that. Na pupunta siya dito. I tried to be more casual talking to him pero hindi ko alam kung ganoon ang naging labas. Tumatahip ang dibdib ko at halos manginig ang mga daliri ko kanina pagkakita sa kanya.

Baka halos mabaliw ako kung hindi ko lang nabuhat ang sarili mula sa nerbyos. Sino ba namang mag-aakala na bigla siyang magpapakita sa akin, sa amin! Everyone knows how we break our connection. Wala na kami sa mata ng mga tao. We ended that relation several years ago.

We have our own. Ako bilang Inhinyeryo at siya sa banda nila. We did not had any single communication. And here he is...

I heard a noise from the garage. Tinanaw ko iyon at nakita ang dark blue Lamborghini sports car na nakaparada doon. I wonder kung ito 'yung sinisigaw ni Lean no'ng minsang sumakay kami sa kabayo.

"Kanya pala 'yun." I shrugged. I washed my body. Ngayong nandito na siya ay hindi ko na alam pa ang mga gagawin sa mga susunod na araw. Para bang nawala ang lahata ng iyon ng maabutan ko siya sa sala kanina. I feel like I am a stranger on my own house.

Bigla akong nahiya ng hindi ko naman alam kung bakit. Get yourself up, Elle! Kung makikipag-ayos man siya at iyon ang pinunta niya ngayon dito ay saglit lang siya. Maybe he'll leave after he talk to you. Nothing else!

Usap lang pagkatapos ay tapos na!

I took a deep breathe out. Makulimlim sa labas. Nagbabadya ang ulan. Buti na lamang ang nakauwi ako agad bago bumuhos ang ulan. Hindi na ako lumabas pa ng kusina dahil kusa akong dinalhan ng pagkain ni Manang.

"Alam kong ayaw mong lumabas para sa pananghalian." Turan niya sa akin ng maabutan akong nakahiga habang nanonod sa laptop. "Wala siya sa ibaba. Isinaman ni Lolo mo sa rancho. Pero mamaya ay dapat bumaba ka na at sumabay kumain sa dinner." Paalala niya sa akin.

Tumango ako sa kanya. Iniwan niya ang pagkain sa maliit kong lamesa. Nilapitan ko iyon at kinain. Buti naman ay walang aaligid na Lean sa akin ngayon.

I took out my paints. Inayos ko iyon malapit sa malaking bintana ng veranda ko. Matagal ko na iyong hindi nagagawa kaya hindi ko alam kung bihasa pa ba ako sa larangang ito. My Abuela thought me how to paint. Namana ko iyon kay Mommy dahil mahilig din iyon sa pagpinta.

I started to color my canvass. I am planning to paint the scenery of my veranda with its overviewing landscapes of grass fields, and hills. Malawak ang lupain na iyon kapag natatanaw mo mula sa kwarto ko. Mas maganda ang tanawin sa kwarto nila Lolo. It was full of plantation and where the sun sets. Madalas ako noon sa kwarto nila para tumanaw pero ni minsan ay hindi ko iyon nagawang ipinta dahil nagawa na iyon ni Mommy. And I thought painting it on my own will never give any justice. Di hamak na mas maganda ang pagpinta niya kaysa sa akin na hindi na ako nangahas pang subukan iyon.

First and LastWhere stories live. Discover now