Chapter 40

1 0 0
                                    

I am planning to visit the Malaya Falls. Pero mukhang maaantala iyon dahil pinaplano nila Lolo na bumisita sa plantasyon. Sasama na lang muna ako at makikibalita. Maganda din ang ambiance doon dahil sobrang fresh ng hangin, at hindi gaanong mainit. 

“Ito na po gamitin natin.” Turo ko sa Sedan ko. They nodded. Naunang pumasok ang mga matatanda kasunod ni Manang habang ako naman ay kinuha muna ang naiwang tumbler sa kusina. 

Pagkalabas ay sumunod na ako sa loob. I drove the car. Katabi ko si Lolo na siyang nagtuturo sa akin ng direksyon. Medyo may kalayuan ang plantasyon sa mansion. Nakababa ang bintana sa gawi ko kaya naman hindi ko maiwasang hindi sumulyap sa mga punong nadadaanan namin. 

Ibang-iba talaga ang probinsya sa Maynila. Dito ay simple lang ang buhay. Sa Maynila ay pahirapan pa kung paano ka mabubuhay. Kung hindi naman kainaman ang pinagkukuhanan mo ng pinansiyal ay tiyak na walang malalamanan ang sikmura mo. Inihinto ko muna ang sasakyan ng Makita ang pagtawid ng mga bibe. 

It was a huge number of ducks. Kasama nito ang mga inakay. Their yellow feathers synchronize on the sunlight. Nasa iisang linya sila na para bang alam na nila ang mga gagawin. Their quacks made noise on the road. Maski ang ilang nadaang tricycle ay huminto muna para makatawid sila. 

When they passed by, I maneuvered the car sa isang likuan. Bagama’t hindi iyon sementado gaya ng ibang daan ay pulido naman ang pagkakapatag nito. May mga ilang nakahilerang puno ng saging muna ang nadaanan namin bago nakarating sa plantasyon ng pinya. 

Hindi pa ito tuluyang nagbubunga. May maliliit lang pero napakaganda nilang tignan. Lolo said that pineapples is one of the good investment. Walang nasasayang dito dahil ginagawang tela ang dahon nito.

“Last year ay maganda ang naging anihan ng pinya.” Lolo informed me ng magsimula akong tumingin sa mga nakatanim. Paano ko hindi mamahalin ang hacienda gayong napakasagana nito sa lahat. Everyone can fall into this place. Para sa akin ay ito ang isa sa pinakapayapang lugar sa Pilipinas.

“Ang ganda ng tanim natin.” Puri ni Lolo. 

“Oho at maganda ang lupa dito sa hacienda.” Sagot ng isang farmer. 

Malawak ang lupain. Bagay na siyang ikinatutuwa ko dahil hindi ka magsasawang lumibot ditto habang sakay ang kabayo. They talked about pineapples. Nakikinig lang ako ng bahagya sa kanila. I took pictures. Napakaganda nilang tignan dahil sa pagtama ng araw sa mga dahon nila.

Doon na din kami nag-lunch. Simpleng salo-salo lang kasama ang mga nag-aalaga. May papag doon sa lilim ng puno ng mangga. Dito yata sila nagpapahinga kapag mataas na ang tirik ng araw.

Kinahapunan ay sa loob lang ako ng mansion. I busied myself watching movies until evening. Bukas ang dating ni Lean kaya sasalubungin ko ito sa bukana. Ngayon na lang kasi makakapunta ang babae dito pagkalipas ng maraming taon. 

“Sunduin mo ko bukas. Hindi ko na tanda ang daan. Baka mamaya mala-wrong turn ito ay!” hiyaw ng kaibigan ko. Nag-eempake kasi ito. 

I assured her. Mga bandang hapon pa naman siya makakarating kaya may oras pa ako sa umaga. I watched some movies. Bumaba lang ako para sumalo sa dinner. 

Sa guest room tutuloy si Lean kaya tumulong muna ako kanina doon. Nang mapagod ay dito ako dumiretso. Vacation with her seems so fun. Buhay na naman ang mansion sa kanya. Lalo na at kasundo nito si Abuela sa kalokohan. 

Kier calling…

It was on Skype. Mukhang kakagising lang ng lalaki dahil sa magulong buhok nito. Nasa kitchen ito at nagtitimpla ng kape. Buti na lamang ay nagpakabit ng internet si Lola sa mansion dahil ang ibang parte ng hacienda lalo na ang mga malalayong parte nito ay halos walang signal sa internet.

First and LastWhere stories live. Discover now