Chapter 38

1 0 0
                                    

I arranged the flowers on the vase. Mga daisy iyon. I placed it on my bookshelf. Halos 1:00 am na din natapos ang event. The employees wanted to celebrate on their own. Nang sila-sila lang daw. I gave them the chance. 

I was about to throw the wrapper of the bouquet when a piece of paper dropped on the floor. It was a vintage paper. Kumikinang iyon ng bahagya at mabango ng sinubukan kong ipaypay sa hangin. 

It was a simple “Congratulations!”. Nakasulat iyon sa hand written na nasisiguro kong siya ang nagsusulat dahil sa simbolong Arrow sa ibaba. Inipit ko iyon sa personal journal ko. Ang mga bulaklak naman na nasa bookshelf ay nilagyan ko ng kaunting tubig. Nakaka-kalma ang ganoong tanawin sa loob ng kwarto. Now I realized why Abuela always put flowers on their room. Maski ang mga painting na nakasabit ay nilalagyan niya ng bulaklak sa gilid nito. 

It gives liveliness on the entire room. 

Sa isang araw na pala ang kasal nina Dave at Jelly. My dress arrived this afternoon. Hindi daw pwedeng hindi kami pumunta ni Leigh dahil hahalughugin daw nila ang buong lugar mahila lang kami. 

I am happy for them. Masaya ang grupo para sa kanila. I’ve seen how their relationships grew. Mula sa simpleng inisan nila ng mag-apply sa kumpanya hanggang ngayon ay masasabi kong they deserved each other. Ang alam ko ay magkakasama na silang dalawa sa College. Same ng Unibersidad na pinasukan. 

Kahit naman nakaka-asar si Dave ay hahanap-hanapin mo din. Kapag wala ito sa office namin ay katahimik pero maya-maya ay siya na ang topic namin dahil wala ito. We talked about him. Kung paano ito mang-asar sa amin. At kapag nandyan na siya ay simula na naman ng gulo sa loob ng opisina. 

It was a church wedding. Mukhang matino tignan ang lalaki ngayon. Sumisiring lang sa gawi naming tatlo kapag alam niyang pinagkakatuwaan namin siya. Napakaganda ng babae sa suot nitong wedding gown. She’s like sparkling on her style. Ang groom? Wag na natin pang pag-usapan. 

“T*ng-ina niyo porke mga sawi lang kayo!” ungos ni Dave sa amin ng pumunta sa table namin. 

“Hindi ka welcome dito.” Hawi sa kanya ni Sean. Nagtutulakan ng bahagya ang dalawa ng subukang umupo ni Dave. Nagsalubong ang maitim nitong kilay habang nakamaang sa lalaki. 

“Kasal ko ‘to!  Wag kang magbabalot ng handa mamaya. Itatago ko mga plastic at Tupperware.” 

We just ate. Naiiling na lang kaming dalawa ni Leigh. Sumunod sa amin si Jelly ng makapagpalit ito ng mas magaan na suot. Kulay puti din iyon at iba ang estilo kaysa sa mga suot namin. 

“Tutulugan ko ‘yan mamaya.” Jelly said. 

Natapos ang araw namin sa ganon. We are so much happy for the both of them. 

Masyadong naging mahirap sa amin ang lahat. And this kind of relief, I think we are all deserves it. Everything falls on the right places. Magaan na ang bawat araw na pumapsok ako sa kumpanya. All projects are aligned. Nakatuon na lang din ang atensyon ko sa kung paano patatakbuhin ng maayos ang kumpanya. 

It was heavy on the shoulder. Nakaka-pressure pero kakayanin. 

We had several international partnerships. Halos buwan-buwan ay may kontrata kaming pinipirmahan para sa mga bagong kliyente. We also had seminars, and discussion for aspiring Civil Engineering students. Minsan na akong umattend sa ganoon and it was such a great feeling. To help those students pursuing their careers. 

Mas naging busy na din ang team ko. They headed projects. Halos walang araw na dumaan na hindi sila nagpapa-evaluate ng plano. Minsan pa nga ay halos hindi na kami magka-usap. Pero kahit ganoon ay nagkikita-kita pa din kami para lumabas. To have some fun. To enjoy. 

First and LastWhere stories live. Discover now