Chapter 4

5 1 0
                                    

A strong pained crept on my chest when I heard the sounds of heavy rains. Because of conscience that I felt, I immediately find my umbrella and go outside. Seeking for Arrow…
Nakokonsyensya ako. Malamang hindi pa iyon nakakalayo.

With my working outfit, I hurriedly open the gate and search for his car outside or anything pero wala akong nakita na kahit ano. Hindi siya pamilyar sa lugar namin kaya baka nasa malapit lang…

Naglakad ako sa gilid ng kalsada. Still searching him. At ng mapagod ay sumilong muna sa tindahan para bumili ng maiinom. Lalong lumakas ang ulan kaya pinapasok muna ako ni Aling Teresa, ang may-ari ng tindahan, sa terrace ng kanilang bahay para hindi mabasa ng ulan.

“Ano bang ginagawa mo, hija? Ganitong oras ay dapat nasa loob ka na ng bahay mo dapat.” Si Aling Teresa habang sinusuklian ako. Hindi na ako bago sa kanila dahil ilang ulit na rin akong nagkaroon ng interaksiyon sa iba pang naninirahan dito. Besides, kilala nila si Lolo kaya malamang nakatatak na rin sa kanila na apo ako nito.

“May hinahanap lang po ako.” Tugon ko. Agad naman niya akong tinanong ng kung ano daw ba iyon pero may mga customer na si Aling Teresa kaya hindi na rin ako nakasagot sa kanya.

Tumabi ako sa gilid para hindi makasagabal sa iba pang mga customer. Hinihintay na medyo humina ang ulan. I even checked my phone kung nagmessage ba si Arrow dahil naalala kong binigay pala ni Lolo ang business card ko kay Arrow kanina after ng meeting. Napasobra yata ako kanina sa salita…

“Nakita mo ba kanina yung guy? Yung nasa malapit sa chapel?” rinig kong sabi ng bumibiling customer pero hindi ko na gaanong pinansin dahil baka biglang mapadaan yung kotse ni Arrow.

“Ang gwapo nga kahit naka-mask. Yun nga lang, tulala. Pero maski na, ang gwapo ihhh…” Kinikilig na saad ng kanyang kasama. “Lakas ng dating kahit naka- gray na hoodie lang.” sukat sa narinig ay mabilis akong napahinto at bumaling sa dalawang babaeng nagkwekwentuhan.

“Miss, saan niyo nga pala nakita yung naka-gray na hoodie?” I asked them. Shocked at my sudden questioned but they still manage to answer me.

“Sa chapel, ate. Hehe.”

“Salamat.” I open my umbrella again and walk hurridly to go to the chapel. Hindi ko alam kung naroon pa siya dahil maraming minuto na rin ang lumipas but atleast I try my luck. Ilang block mula sa akin pa ang madadaanan ko but its okay.

And when I reached the chapel, walang katao-tao. Maski yata yung mga streets vendor ay nagsi-alisan na rin dahil sa ulan. Mukhang nakaalis na si Arrow…

I was about to go when I saw someone at the middle of the chapel, quietly sitting at the chairs. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. His eyes are closed while his phone are on in his side. Mararahan na buntong-hininga lang niya ang maririnig sa kabuuan ng kapilya.

I quietly sat next to him.

Agad siyang nagmulat at rumehistro ang gulat sa kanyang mukha ng mapagsino ang kanyang katabi. I maintained a straight face looking at the altar when he turned himself at me.

“Kung tapos ka ng magdasal, tara na.” sabi ko sa kanya. He still looking me na para bang hindi ako totoo. Nakaawang pa ang kanyang labi. He also looks at the altar.

“Ayoko. Pinaalis mo na ko diba?” He answered me. Sinagot niya ako na para bang bata na ayaw magpapilit pero gusto naman. I released a deep sigh when I heard that.

“Kung gano’n pinababalik na kita.” What’s the point kung magsisinungaling pa ako sa kanya. Ehh kaya ko nga siya hinanap ay para duon.

First and LastWhere stories live. Discover now