Chapter 30

2 0 0
                                    

WARNING: Use of violent and foul words ahead. 

Happy reading!

---

Why? Masaya lang naman ako kanina…

I was excited to surprise him. Gustong-gusto ko siyang yakapin at sunggaban ng halik. Dahil ilang linggo din kaming hindi nagkita. 

Ang sakit. 

Ang sakit-sakit.

Nagpatuloy ang paglandas ng luha ko. Pwede naman niyang sabihin sa akin kung anong problema. Kasi sa pagkaka-alala ko, wala naman akong ginawa. I didn’t enteratained boys gaya ng sa babae niya. Ang malala, bakit pa si Eunice?! 

“What happened, Arrow? What happened, love?” I said while crying out of my lungs. 

Nanlalabo na ang paningin ko. He could say something reasonable. Na may ginawa ako. Na may pagkukulang ako kaso wala! Alam kong wala. 

Oo. Bago pa lang sa akin ito. Bago pa lang sa akin yung pakiramdam. Siya ang una ko. Hindi ako puno ng karanasan pagdating sa ganito per t*ng-ina naman! Alam ko naman kung paano kumilos at rumespeto ng karelasyon. 

Kaya pala ang hirap sa akin na pakawalan siya kasi ganito pala ang mangyayari. Kaya pala pakiramdam ko noon ay mawawala siya sa akin any minute kasi ganito pala. 

Ang natatandaan ko lang naman ay ang sinabi niyang babalik siya kasi may aayusin siya. Ang tanga mo, Elle! Hindi mo naman kasi clinarify kung anong aayusin niya. Trabaho ba o babae?

Sarkastiko akong napatawa sa naisip.

Oh, diba! Wala ka ding pinagkaiba. Niloko ka din!

Hindi muna ako didiretso sa bahay. Nasisiguro kong doon pupunta si Arrow. At ano? Makikinig sa walang-kwenta niyang tanong at pagkatapos? Tatanggapin ko kasi ganoon ako karupok sa kanya. 

F*ck life! F*ck your reasons, Arrow!

Malamang ay nagbubunyi na si Eunice sa mga oras na ito. Edi siya na! Gusto niya lagi ng naka-angat diba? O edi ayan, magkasama silang dalawa hangga’t gustuhin nila. 

Napatingin ako sa cellphone kong kasalukuyang tumutunog sa tawag. It’s Kier. 

I turned my phone off. Ayaw ko munang makausap maski ang isa sa kanila. 

Oo, alam kong wala naman silang kasalanan. Labas sila sa kahit na anong isyu namin ngayon ni Arrow. Hindi ako ganoon kakitid ang utak para isali sila sa hinanakit ko kay Arrow. They didn’t do anything. 

Alam kong pinigilan din nila si Arrow. Alam kong kahit papaano ay inalala pa rin nila ako. I saw concern on their eyes. 

My hands tremble wiping my tears. Nanginginig ang mga kalamnan ko sa galit at panghihinayang.

I parked the car on the near bar. Hindi pa ganoon kadilim pero madami na ang mga pumaparadang mga sasakyan. I saw a couple of girls laughing while entering the Bar. 

Hindi pwedeng umiyak na lang ako ng umiyak dito. I can’t cry knowing others enjoying my pain. Syempre, ano pa nga bang aasahan ko? Na puno ng saya?!

Ha! T*ng-inang pag-ibig na’to!

I ordered a bottle of whiskey. Pagkalapag sa mesa niyon ay mabilis akong nagsalin sa maliit na baso at tinungga iyon. 

Sh*t! Ang pait pala ng lasa ng maloko!

I sipped on my drinks. Napatingin ako sa lamesa sa gilid ko at nakita ang ilang mangkok ng pagkain duon. My stomach churned. Naiwan ko pala sa studio nila Arrow ang niluto kong adobo para sa kanya. Pati ang biniling desserts ay nanduon din. 

First and LastWhere stories live. Discover now