Chapter 12

4 0 0
                                    

Amoy ng rosas ang sumalubong sa akin pagkagising ko. The scent of roses lingered in my nostrils kaya naman wala akong choice kundi gumising kahit medyo mabigat-bigat pa ang mga mata. Wala akong natatandaan na naglagay ng kahit na anong bulaklak kagabi kaya naman nagtataka pa rin ako kahit papaano kung bakit mayroong rosas sa kwarto ko. 

I checked my phone on the bedside table and its already 7:45 in the morning. Sabado ngayon kaya naman wala akong pasok sa trabaho. I guess, it’s my time to rest muna kahit isa o dalawang araw lang.  

I returned my phone and picked up the pink roses on my table. May ilan pang butil ng tubig sa paligid nito. Mukhang bagong pitas. Isa-isa kong inamoy ang mga rosas.

Anong pakulo na naman ni Arrow ‘to? At bakit eleven?

Ibinaba ko muna sa kama ang mga pink roses at pumunta sa banyo para maghilamos at mag-mouth wash. Kapagkuwan ay pumunta sa vanity table para magsuklay at maglagay ng kaunting pulbos sa mukha. Hindi naman na ako nahirapan pang magsuklay dahil natural na bagsak ang aking mahabang buhok na umaabot hanggang sa aking beywang. Kinuha ko rin ang aking satin na roba para ipatong sa aking pantulog. Tsaka na lang siguro ako magpapalit ng pambahay na damit kapag nakaligo na.

I opened my door at bumaba na papunta sa sala. Tahimik ang buong bahay kaya naman nagdiretso na lamang ako sa kusina. May dalawang mangkok na natakpan sa lamesa at nasisiguro kong umagahan iyon at si Arrow ang nagluto. Nilabas ko muna ang tinapay at palaman sa cabinet bago binuksan ang mga nakatakip sa lamesa. Pitong pirasong hotdog, may bacon, ham, at piniritong sunny side up na itlog. Sa kabilang lalagyan naman ay ang sinangag na umaamoy pa ang bawang sa ibabaw nito. Naglagay na din ako ng dalawang plato, pares ng kutsara, at dalawang baso sa lamesa. Tatawagin ko na lang si Arrow pagkatapos kong magtimpla ng juice. 

Umakyat muna ako pabalik sa kwarto para i-charge ang cellphone at ng magawa ay bumaba na ulit at saka nagtimpla ng orange juice. Pagkatapos nun ay nagpalaman na ako ng tinapay. Kain-kain ko ito habang palabas ng bahay. May narinig ako kaninang ingay sa labas kaya naman baka naroon si Arrow.

And he’s there…busy washing his car. He holds the hose habang marahang pinararaan sa mga bula na naroon sa hood ng sasakyan. Basa na rin ang kanyang paa hanggang sa tuhod at may ilang talsik ng tubig sa kanyang suot na maong na short and now…he’s topless!

“Gandang tanawin.” Mahinang bulong ko sa sarili habang kumakain ng tinapay. 

I sat on the chair sa terrace na naka-dekwatro ang mga paa.  Kung anong naiisip mo, Elle?! 

Masama ba? Kung ganitong view ba naman ang makikita mo sa umaga. I mean wala man akong nakarelasyon during my college days pero nagkaroon pa rin naman ako ng iilang interaksyon sa mga lalaki and many of that is having a crush on celebrities! Hindi naman siguro masama ang konting paghanga sa kanila. Ano nga ulit ang tawag ni Lean dun? Oppa? 

Patuloy pa rin sa paglinis ng kotse niya si Arrow. He accidentally presses the hose deeply kaya naman nagtalsikan na sa katawan niya ang tubig. Muntikan ko ng malunok ng buo ang tinapay ng mapansin kung paano nag-uunahang bumaba ang ilang tubig sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang pusod…pababa. 

Mas maganda siguro kung aalis na lang ako? Ano naman kung may six-pack abs siya? Meron din naman ang ibang celebrities nun. At saka hindi lang naman siya ang magandang view sa bahay ko. May sunflower akong tanim, mas maganda na yun na lang ang tignan ko.

Oo tama, yun na lang, Elle. Sunflower o di kaya damo na lang. Hindi pa nakakahalay!

I chuckled on my thoughts. Kailan ka pa naging ganyan over a boy, Elle! 

Tumayo na ako para pumasok na sa loob ng bahay pero bigla na lang akong tinawag ni Arrow.

“Hey, baby!” he shouted habang hawak-hawak pa rin ang hose ng tubig.

First and LastWhere stories live. Discover now