Chapter 50

6 0 0
                                    


Five months has passed.


Nakaupo ako at pinapanood siyang kanina pa may kausap sa phone. He cooked our breakfast pero ako itong makulit na ang gustong kainin ay ang pagkain namin noong isang gabi. Kaya napilitan siyang lutuin ito and now, I am happily eating the delicious adobo he cooked.


Hinalo ko iyon at tinikman. It’s already delicious pero parang may kulang. I turned my head at his direction pero may kausap siya at tanging ang malapad na likod niya lang ang nakikita ko. I felt sad at a sudden. I have no choice but to stand up and went to the kitchen. Tamad na tamad akong bumalik sa harap hawak ang cheese at gatas.


Nairita ako bigla ng makitang walang nagbago sa pwesto ni Arrow. Basa ang likod niya ng pawis pati ang laylayan na suot na t-shirt. Katatapos lang din kasi nitong maglinis ng mga sasakyan namin. He even cleaned my car that’s why he’s tired.


Bigla ang daloy ng inis sa dugo ko ng hindi pa din siya tumigil sa phone niya. He is talking to unknown person na hindi ko naman maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. Sobrang hina ng boses na parang ayaw talagang iparinig sa akin. Isa pa, kapag may katawagan siya ay hindi naman siya ganitong lumalayo! Kaya bakit gano’n na lang ang distansiya niya at hina ng boses?!


Napasimangot ako. My brows creased. Gusto ko na siyang batuhin ng kutsara at tinidor!


I threw my dagger look at his back. Aba! Kahit na gwapo pa rin siya kapag nakatalikod ay bubuhos pa din ang inis ko sa kanya. Bakit ba kasi hindi siya humaharap sa akin tapos ang hina-hina pa ng boses niya?


Naiyak ako sa loob. I let a deep sighed and mixes the cheese and milk in the adobo. My adobo! Mine!


Instead of ruining my mood to Arrow, I happily eat my food. Luto naman niya ito kaya sige, bawas ng konti ang inis ko sa kanya, but still…irita pa din ako, ah!


I dipped the meat on the milk and after that I put a lot of grated cheese on top of it. Paulit-ulit ko iyong ginawa habang pinagmamasdan ang aso naming si Purple. The dog licked my feet as he swayed his butt in me. I patted his head at binigyan siya ng kinakain ko.


“Ano ‘yan?” usisa niya ng tumabi sa akin at pinagmasdan ang nasa plato ko. Hindi ko pinansin ang lalaki at tsaka kumain ng kumain na lang. Sino ba siya? He cooked my food pero sino ba siya?


His face become grossed. Nalukot ang mukha niya ng makita ang pagsawsaw ko ng adobo sa gatas at hinaluan ng cheese sa ibabaw niyon. “Baka sumakit ang t’yan mo, love.”


I rolled my eyes at him. Still not minding him. Kinuha ko ang cheese at sinawsaw iyon sa gatas. Mas masarap pa din ang adobo with milk and cheese!


Natapos ang umaga namin na hindi ko siya pinapansin kahit na panay ang tanong niya sa akin kung anong mga gagawin ko ngayong araw. Nginingisihan lang ako ng lalaki tuwing iirapan ko siya at lalagpasan. Tila ba lalong nang-aasar.


I received a message from Lean asking on my plans for today. Sinabi kong wala naman akong gagawin kung hindi dito lang sa bahay. She wants us to go outside. Magliwaliw at sulitin ang weekend. I say yes para may dahilan akong hindi makita ang pagmumukha ni Arrow. Pakiramdam ko ay mas maiirita pa ako sa kanya kapag nagtagal pa ako dito.


“Okay, girl! But, mamaya na lang mga 1:00 pm?” she asked. “Tulog ka muna mukhang inaantok ka.” my heart touched. Inaantok nga ako pero kaunti lang naman. It is 11:17 am in the morning. Iidlip muna ako para may lakas ako mamaya sa lakad namin ni Lean.


Binabaan ko pa ang temperatura ang aircon sa loob ng kwarto ko. Hinila ko ang kumot ng maramdaman ang pagpikit ng mata. Oh! Sana ganito na lang ang buhay. Yung matutulog na lang tayo ng payapa at walang problema.


I heard a little click on my doorknob. Hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino iyon. I let myself drowned in a deep sleep. I just want to sleep all day. Yung walang abala. Matulog ng matulog ang gusto ng katawan ko. Wala ng iba!


Nagising lang ako dahil sa alarm ko para sa lakad namin ni Lean. Kahit na tamad na tamad ay nakatapos naman akong mag-ayos ng sarili. Isang simpleng puting dress at sandals ang isinuot ko. I put a red ribbon in my hair. Ewan ko ba! Bigla ko na lang nagustuhang maglagay ng ribbon sa buhok ko. Even my bag, I want a ribbon in it!


“Saan ka punta?” salubong sa akin ng makababa sa hagdan. I didn’t responsed back. Inirapan ko ang lalaki at umismid. “To the moon. Roadtrip. Vroom vroom.” patuloy niya habang naglalakad ako pababa.


Tamang-tama din ang pagbusina ng kotse ni Lean sa harap. I knew it was her. Siya lang naman ang nagbubusina ng limang beses kapag ayaw niyang bumaba sa kotse.


“Enjoy, love.” he kissed my cheeks and open the door for me. I also kissed him kahit na naiinis ako sa kanya. “The best!” he exclaimed while smiling from ear to ear.


I hopped on her car. Nasa byahe kami ng kaibigan at nagkwe-kwentuhan. She talked me stories everywhere. Nagkaayos na din sila ni Hercules. Our cat and dog in our circle. We stopped in a fast food chain and ordered our favorite food.


Huminto kami sa isang resort and checked-in. Kanina pa ako nagtatanong sa kanya kung anong gagawin namin dito. I don’t have my swimwear if she wanted us to swim and relax. Isa pa, hindi din namin ma-e-enjoy dahil kaunting oras na lang naman bago magdilim. Gosh, Arrow didn’t know this! Hindi ako nakapagpaalam sa kanya!


“Wait lang, girl. Dito muna us.” she insisted. “May gagawin pa tayo dito.”


“We gonna swim ba?” I asked her ginagaya ang tono niya. She shook her head.


“A-attend tayo ng proposal.”


What?!


“But I didn’t know them! Proposal nino?” sinundan ko siya ng sinundan habang namimili ng mga damit sa kwarto namin. May nakalagay ng mga damit dito ng makarating kami. Kanina pa siya pumipili ng kanya at sumunod naman ang sa akin.


“Ayoko.” tanggi ko ng iharap niya sa akin ang kulay pulang damit. Ilang beses ko siyang tinanggihan at sinimangutan.


“Alright. Okay naman na ‘yang suot mo.” she pointed my white dress. “Yung hair na lang and make-up.”


“Lean…” mabagal na tawag ko sa kanya.


“Come on! Minsan lang ito. If you think na we’re crashing others party, then no!” inilabas niya ang mga make-up at blower tsaka sinisignalan akong pumunta sa harap para ayusan niya. “Pagbigyan mo na ako, please.” she puppied her eyes.


Ilang sandali lang akong nakatitig sa kanya. Paano naman kasi akong pupunta sa proposal ng kung sino kung hindi ko naman sila kilala. Even their names! “Alright. Pero saglit lang tayo do’n, ah.” I reminded her. “Uuwi na din tayo agad kapag natapos na.”


She smiled. “Okay!”


She fixed my hair. Ganadong-ganado siya habang ginagawa iyon. I checked the time and its nearly 5:30 pm. Papadilim na din sa labas. I was in awe when she finished my make-up. It was a natural make-up but she did it good. Forte talaga niya ang ganito.


“And for the last, let’s spray glitters!” she chirped. She and her obsession in shiny things.


We got outside the hotel. We took a lot of pictures na halos makalimutan ko ng may dadaluhan pala kami. She was talking on her phone. Napatingin ako sa taas. The orange and pink clouds scattered on the skies. It was literally a sunset and seems like a lover version of Taylor Swift’s song.

Umihip ang panghapon na hangin at tinangay no’n ang buhok ko ng kaunti. Lean curled my hair. She didn’t removed my ribbons. I took a picture of the sunset.


Bumalik siya at inaya ako. Madilim na din at mas lumalamig. Walang gaanong tao sa nilalakaran namin. Mukhang sa tagong parte ng resort gaganapin. I am amazed how trees lined up which gives a refreshing vibes to those who will walked under it. It has led lights that lighten up the aura of the place. May nakakabit ding mga lilang dekorasyon sa paligid. Mukhang pinaghandaan talaga ng lalaki ang gagawing proposal.


I heard some noises. Napahinto kami ni Lean sa isang gilid. She gave me a bouquet. Ayw ko iyong tanggapin pero inirapan niya lang ako. Hawakan ko lang daw muna at wag akong kj.


“Wait pala ‘teh! Dito ka muna sa entrance, kuhanin ko lang iyong mga balloons.” paalam niya at hindi na ako hinayaan pang kumontra. Umalis agad ito at tumakbo sa kung saan. Wait?!


The music started to play. Bigla ang pagpuno ng ilaw sa paligid. I noticed how each flowers become alive when the lights around their petals started to shine. The decoration seems like inviting me to go forward. Ang mga maliliit na kandila sa paligid ang bumuhay sa bawat poste at sa kinatatayuan ng mga ito. I heard some noises coming from the unknown. Hahanapin ko na sana iyon ng may humawak sa braso ko at pinigilan ko iyon.


“Leigh.” tawag ko sa kaharap. I am glad that she’s here. I was about to pull her and talk to her when she stand firm in her position. “Come.” aya niya sa akin.


Hinila niya ako sa mga hilera ng mga maliliit na kandila at hinayaan na maglakad kami doon. Huminto lang siya ng makarating kami sa maliit na arko. The arch is beautiful. It was full of flowers. She let me stand in the middle of it. “Go. Walk.” she gestured me to walk and move forward. Nakatingin lang ako sa kanya at nagtataka. “Trust me. Just walk.”


Bigla ang dagundong ng kaba ko sa sistema. Kung bakit at ano ito? My hands turned cold. I have an idea what’s going on but I can’t express it. Still convincing myself na iba ang naiisip ko.


The warm lights turned on when I stepped my feet and started to walk. Hinayaan ko munang lamunin ng mga ilaw ang buong paligid. I scanned the whole area and cried when I finally realized that this is really happening!


The music started to play. It is coming from a violin which gives me chill and mixed emotions. Napakalamyos niyon na siyang nagpakaba sa akin. Kasabay ng paglalakad ko ang unti-unting pagkabuhay ng mga artipisyal na bulaklak sa paligid. The wind blew and those flowers danced synchronously on its rhythm.


I turned my head up and saw my man. Wiping his eyes as he saw me slowly walking on him. He matched his outfit with his famous black suit and pants. Ibang-iba sa ayos niya kaninang iniwan ko siya sa bahay. He hold my hand to support me from going upstairs. Now, I am convinced that this is his proposal.


He kissed the back of my hands while looking at me. Magtatanong pa sana ako sa kanya ng bigla siyang bumaba sa akin at lumuhod. He bent his knees handsomely. Ang mga matang galing sa pag-iyak ay nakatingin sa akin ng may pag-asa.


“Love…” my hand automatically cupped my lips as he started. “I know you are startled and a bit nervous right now. But, I want you to know how much damn lucky I am for having us. I-I am here to…F*ck! Prinaktis ko ‘to eh!” he cursed. Yumuko siya at bumulong sa sarili.


I giggled and run my fingers on his hairs. Calming him. “I already forgot. But, one thing I am sure of. You are the only woman I want for the rest of my life. Ikaw lang ang hahayaan kong gumulo at maging parte ng habambuhay ko. I want to wake up in your side. To be thankful to God that He lend his girl into mine. I promise to Him that I will take care of you. Ikaw at ikaw lang, Elle.”


I felt his hand trembling. His shoulder moved. He open the box in his hand. He licked his lips and tighten his grip on my right hand. Unti-unting lumiwanag ang mga nakaukit na mga salita sa gitna namin. The led lights illuminates the words he wanted to say. “Will you marry me, love?”


I breathed the fresh air. Hinawi ko ang mga luhang nag-uunahang lumabas sa aking mga mata. Tinignan ko ang mukha ng lalaking hinayaan kong maging parte ng sistema ko. The man who let my heart skips in beat. A rhythm that I want to listen everyday. His voice that I will never get tired of hearing every morning.


“Yes, love.” I wiped his tears and kissed him. He got up and hugged me. “I want to wake up around your arms, I want to spend my life with you, love.” he inserted the ring on my finger with a smile. Lumuluha akong tinitigan iyon habang yakap siya.


I heard our friends cheered. Lumabas sila kasabay ng pagsabog ng mga fireworks sa kalangitan. Napatingala ako at napangiti. They took pictures. Lumuluha pa din ako ng hawakan ng mga babae ang kamay ko at tinignan ang singsing na naroon. They tell their congratulations to us. Naroon din sina Lolo at Abuela na parehong masaya at nakangiti sa akin.


“I want to tell something…” pigil ko sa kanila. My grandparents still taking a pictures of us. They knew what will I say. I gripped Arrow’s hand, he waited for me to speak. “I’m pregnant.”


I am smiling while telling them that. Shocked registered on their faces. Tumingin ako sa katabi ng nakangiti. Gulat at hindi makapagsalitang Arrow ang nasa harap ko.  “What?” he mouthed before he hugged me and touched my belly.


“Ohhh!” kantyaw ng mga kaibigan niya sa kanya. “May baby na ang Shades of Blue!” they cheered in glee.


They tapped Arrow’s shoulder and uttered their congratulations. He mouthed his endless “I love you” to me and kiss me nonstop. “I am so d*mn lucky!”


I am three weeks pregnant. Reason why I always grumpier to Arrow and have a lot of weird cravings each day. Akala ko ay napapansin na niya pero mukhang hindi yata.”That’s explain why you’re into adobo with milk and cheese.” he said. “Kahit weird, bibili at magluluto pa ako ng madami.”


Natawa ako sa kanya. “I love you, Arrow.”


And that’s it. I cannot contain my happiness whenever I’m with him. Mas wala sa hinagap kong mangyayari ang lahat ng ito. All I know is work and work. Love is not on my list. Mas gugustuhin ko pang manatili at mabuhay sa paraan na gusto ko pero lahat ng iyon ay nabago the moment he crossed in my house. The moment he barged in my house and introduced his self like a superstar, I know I cannot get rid of his presence anymore. Hahanap-hanapin ko na pala.


To this man, I will be forever grateful. My haven and my safe place. We are made for each other. Now, I only see what Abuela and my Lolo’s genuine love is. Ito pala iyon. The moment you met your other half, your significant other is the time in where you wanted to be there on his side always.


Sinong mag-aakala na maaari palang magtagpo ang landas ng isang Engr at isang Singer? Arrow is my arrow. And I will never get tired to be his own Archer. I am the happiest when I’m with him.


He’s my Arrow, my first and last.

---
👷‍♀

First and LastWhere stories live. Discover now