Part 30

12 0 0
                                    

"Anak please open your heart to mama wag mong itago yung sakit andito naman si mama di ba?"hawak ni mama ang kamay ko, nakiusap siya na iwan muna kami sa loob na dalawa.

"Ma-"parang bata ang itsura ko na kapout tapos tumutulo ang luha "Kala ko po kasi kaya kong wag na lang pansinin pe-pero"humagulgol na ako sa sandaling iyon.

Nadama ko ang pagyakap ni mama sa akin, nababawasan yung pain kahit paano.

"Its okay anak please labas mo lang ang after nito huh lalaban tayo ayaw ni mama ng ganito nasasaktan din ako anak."

"Mama after mawala ni papa all i want is to have someone to love me and care for me, gusto ko lang naman maging masaya kaya kinaya ko lahat tapos-tapos"bumuhos ulit ang puso ko.

"Sorry anak, i'm sorry kung nahanap lang kita kaagad hindi sana ganito kasalanan ito ni mama sorry anak"naramdaman ko din ang hagulgol ni mama at doon ako mas naiyak.

"Mama ko-"paulit-ulit kong bigkas.

Oo nag-aaral ako dito, nakikihalubilo, nakikipagkulitan kay ate, kachat ang mga kaibigan pero sa sandaling tumatahimik na ang lahat. Ako? Ayon nakatingin sa bintana hindi ko na nga mawari ang layo ng natatanaw.

Gusto kong makaramdam ng magic, hindi yung gutom, takot, kaba, sakit, pahiya, walang tulog at kailangan maging plastic pati sa sarili na kaya mo kahit hindi.

One thing is i also wanted and wish to have true love.

Yung taong tanggap ako, mahal ako, magiging sandalan ko, makakasama ko ng pangmatagalan, yung magiging kakampi ko, bubuo kami ng pangarap, bubuo ng pamilya at hahawakan namin ang kamay ng isa't-isa hangga't may hininga.

All i want is to have a love to last.

Kahit hindi perfect, kahit hindi na iyong sabi nilang standard mo pero yung kayang tuparin ang gusto mo.

Yung magpapalimot sa akin ng kumikidlat, umuulan ng malakas at malakas din ang hangin pero nasa labas ka nakasilong sa gilid ng bahay, umaasang matapos agad ang pananakot ng panahon dahil kailangan mong isauli ang natira mong paninda. Yung maglalakad ka makikita mo mga kalaro mo inabutan ng magulang nila ng mansanas, na kinatatakaman ko kapag nakikita kong kumakagat sila. Yung pagkakataon kailangan tulog muna ang step family mo bago ka matulog dahil baka ano na naman ang masabi kapag nakita ka ng tulog. Yung takot kang sigaw-sigawan ng customer dahil nagkamali ka ng sukli o naiabot ng produkto na mamaliitin na ang buo mong pakatao. Yung ipahiya ka ng instructor nyo habang nasa klase na oo 3000 na lang ang tuition fee pero di ka pa makabayad. Yung titiisin mo ang mga kasama mo sa inuupahan mo na laging nag aaway kahit madaling araw na kakauwi mo lang sa trabaho dahil mura lang ang renta. Yung iinom ka na lang ng maraming tubig para mabusog o dadamihan mo ng sabaw ang binili mong instant noodles at lalagyan ng asin para mas lalo kang mabusog kahit sa sabaw na lang na lasang asin. Yung kinukutya ka na bakla ka at mahirap na wala ka raw mararating sa buhay, basura ka lang ng lipunan. Yung konti na lang sa sobrang dami mong problema gagawa ka na ng masama pero hindi kaya ng loob mo.

Unti-unti ko ng nilimot ang mga iyon dahil andito na naman sina mama at akala ko pagdating ni kuya Ian matutupad din ang pangarap ko na isa.

Pero sobra akong nasaktan.

Naiinggit ako sa mga nakikita ko.

Naiinggit ako sa mga nakakasalamuha ko na masaya sa piling ng isa't-isa.

Kaya para makalimot nagpokus ako sa pag-aaral, at gumawa ng sariling eksena sa isip ko kasama yung prince charming ko na hindi na titingin sa iba na ako lang at kami lang habang-buhay.

"You need to move-on bunso, pero naiintindihan ko naman kung until now nasasaktan ka pa rin, masakit talaga first love mo yun eh."humawak sa ulo ko si kuya at marahan niyang hinaplos ang buhok ko "Ganito talaga ang proseso ng pag-ibig bunso, kapag nasaktan it takes time to recover pero kapag masyadong masakit wag mong dibdibin mag-isa we are here, gumala ka, magpahinga wag mong itago ang sarili mo at magpanggap na okay ka lang at kaya mo, its okay to let it out normal yun be crazy if you want para mailabas mo yan"hindi ko kasi alam kung paano gawin kaya ito ako nagkukunwari pero sinasaktan kapag wala ng ibang tao sa paligid.

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon