Part 33

4 0 0
                                    

At dahil kailangan niyang umuwi ng Pinas, nakakalungkot man pero wala akong magawa wala rin siyang magawa.

"I'm going to miss you so,so much baby ko"ang higpit ng yakap namin sa isa't-isa.

Ako ayaw kong magsalita naiiyak ako eh.

Humiwalay na siya ng yakap, then ayon epal luha ko tumulo na lang bigla. Pinahiran niya ito at saka niya ako hinalikan sa noo.

"Study well and don't forget to eat and take your vitamins okay"

Para akong pipi, tango lang sinagot ko, nakakalungkot lang kasi siyempre matagal din siya andito kasama ko.

"I love you baby sige na kailangan ko ng pumasok okay take care"then a quick kiss on my lips.

"Ingat ka din po baby i love you too"kumaway na lang ako habang paalis siya.

Hayst.....napabuntong hininga na lang ako. Balik na naman ako sa dati, mag-isa sa apartment, malayo sa kanya at sa internet lang kami magkikita.

Masarap kasi yung andito yung taong mahal mo na pwede kang yakapin kapag nadodown ka, magsasabi sayo ng mga words na magbibigay lakas sayo na humarap sa pagsubok, tutulungan ka sa mga gawain mo.....

Pumara na ako ng taxi at bumalik sa amin.

-I love you baby ko, ingat ka diyan message mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap. And don't worry lagi akong magmemessage sayo kahit busy kukuwentuhan kita ng mga nangyayari dito. At saka kuwentuhan mo din ako ng mga ginagawa mo para maramdaman ko na parang magkasama lang tayo. Ayusin ko lang ang mga projects and iba pang bagay tapos balik ulit ako dito. I love you baby ko ❤️❤️❤️.

Nakakatuwa nasa loob na siya pero nagmessage pa siya.

Mabilis naman din akong nagtype ng message ko para sa kanya.

-Opo baby ko gagawin ko ang lahat gagalingan ko sa pag-aaral at para kapag ako na humahawak ng company ni mama maging magaling din ako tulad niya. Mag-iingat po ako palagi at ikaw din wag pabayaan ang sarili.
You are my first and siguro ang last na rin, i love you so much ❤️❤️❤️❤️.

At.....ayon na nga.

Saglit lang naman ito at magkikita ulit kami.

Sa gitna ng biyahe, sa lugar na may kalawakan na ang kalsada at tangi at karaniwang mga puno ang nasa gilid huminto ang taxi at akala ko kung ano lamang pero may sumakay dalawang kalalakihan nagulat ako sa mga pangyayari.

Takot na takot ako kahit hindi ko gaanong maaunawaan na ang sinasabi nila at mas lalo akong nakadama ng masidhing pagkatakot ng takpan nila ng panyo may amoy na gamot ang aking bibig at ilong hanggang sa wala na akong makita kung hindi ang pag-ikot ng mga bagay-bagay sa paligid hanggang sa dumilim na ang lahat.

"Woah ang galing ng movie ni kuya sakto sa hahahaha"sabi ko sarili ko may pamovie kasi si kuya sa taxi.

-------------------------------------------

"I will miss you baby boy?"karga-karga ko ang baby namin grabe ang pogi nakakahinayang umuwi kasi di ko makikita na lagi ang baby pogi namin.

"Naku ang arte ng ninong huh uuwi din naman kami at for sure na yun"napatingin ako kay ate.

"Naku ate yan na naman yan basta baby, baby, baby mamimiss ka ni tito ninong naku pogi-pogi eh"kakagigil ang tambok ng pisngi sarap kurutin.

"Oo nga totoo na yun may papalit na sa ate at nag-usap na kami ni mama kami na muna maghahandle ng company para naman makapahinga si mama at maalagaan ang apo niya"

"Yehey baby dinig mo yun hehehe makakasama ka namin sa pinas yehey"

"Alam mo bunso umayos ka na tatlong oras na lang flight mo na 30 minutes ang biyahe mula dito papunta airport si kuya Kurt mo na bahala sayo"inabot na niya ang baby boy, siyempre humabol muna ako ng kiss sa noo ni baby at inamoy-amoy ang kamay, iiiiieeehhh pati ang kamay niyang maliit ang cute-cute.

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon