Part 31

6 0 0
                                    

"Kasi nga mali ka ano bang problema bakit ba nakikipag away ka pa?"tinagilid ko ang ulo at tumingin sa baba habang nakacross arms nabubuwisit ako.

"Ano ba kasing mali ko, nageexplain naman ako bakit hindi mo kasi pakinggan ang sinasabi ko."sumagot na si pasaway.

Muli akong tumingin sa kanya ng seryoso at parang gusto ko siyang sabunutan.

"Paano ako makikinig mali nga kasi una palang bakit hindi mo isipin huh pasok ka ng pasok hindi ka muna nag-iisip"

"Ah ganoon ako pa hindi nag-iisip!"

Ito kasi yung hindi ko naman alam na ganito pala kawild ang party dito, nakisama ako siyempre then may classmate akong older sa akin he confessed to me na may something siya for me at hindi ko alam na nandoon na siya susunduin na ako nakita niya akong nakayakap doon sa guy habang sumasayaw kami, parang JS na tugtog ganoon ayaw ko naman kasing bastusin yung guy tapos naalala ko bilin ni ate na wala ka sa bansa natin makisama ka tapos kapag may ayaw ka pakiusapan ko ng maayos.

Sinabi ko sa guy na thank you kasi ganoon nga tapos sabi ko may boyfriend ako at mahal ko iyon then nagrequest lang naman siya na makasayaw ako, wala akong nakitang masama.

Then ayon nagroyal rumble sila sa party, natulak pa nga ako ni Kuya Ian kaya laglag ako buti walang bubog or anything pero masakit.

Hindi ko expect na pagtutulungan siya, naawat lang ng dumating yung mga señiors namin.

Sobrang hiya ko noon nagsorry ako kay Afam.

Tapos nung umuwi kami aba di ako kinibo tapos sabi kong masakit ba ang sugat niya sa noo, tinabig ang kamay ko tapos sinabihan ako ng wag ko siyang hahawakan. Para akong napahiya lalo na noong tumingin si manong taxi driver.

Sumandal na lang ako at nanahimik.

Pagdating sa apartment nagpalit lang ako.

"Doon muna ako kay ate"umalis ako after magsabi.

-------------------------------

Kinabukasan pagbalik ko wala na siya sa apartment pati gamit niya.

Bumuntong hininga ako, nakaramdam ng lungkot at lalo nawalan ng gana.

Ang ginawa ko nagtimpla na lang ako ng choco. Gagawin ko na lang mga school work ko. Kumuha na rin ako ng saging matapos magtimpla.

Umupo na sa study table, binuksan ang laptop tumingin sa notes ko pero binaba ko iyon tapos nagsalung baba na lang ako hindi ko alam ang gagawin.

Nasaan na kaya yun?
Ano kaya nangyari?
Ano ba yan bakit kasi ayaw makinig?

Pinaglaruan ko na lang ang choco na tinimpla ko, ikot-ikot ng kutsara ewan ayaw ko din inumin eh pati saging parang di ko na bet galawin.

Sa paglalakbay ko sa kung saan biglang bumukas ang pinto.

Napatingin ako at biglang napatayo.

"O saan ka galing anong nangyari baby?"nilapitan ko siya mukhang uuwi na ng bansa pero andito ulit siya tapos may dalang paperbag ng pagkain.

"Kala ko kasi kaya ko, sorry init ng ulo ng asawa mo eh"kinuha ko ang paper bag nilapag at saka niyakap ang pogi kong boyfriend.

"Okay na yun narinig mo na rin naman side ko at narinig ko na din side mo sorry po baby"

"Salamat baby bihis lang ako tapos gawin na natin paperworks mo"bumitaw na ako tapos pinulot ang bag "Baby ayusin ko lang ito kain tayo huh"paalam ko.

Malala ka kuya Ian hahahaha. Kala ko ako ang babaihan sa eksena natin nyahahaha, para akong ewan nangingiti na lang habang inaayos ang biniling food ni baby.

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon