New Season

7 0 0
                                    

"Ay bakla ka ng taon i love it!"si Tammy.

"Oo nga eh oppa ka na pero malambot na oppa"banat ni Neri.

"Pero mga bakla ang ganda niya di ba?"si Mika.

"Salamat mga bakla hahaha so ano laban na ulit tayo?"nagpahaba ako ng buhok, pinakulayan ko din with the suggestion of ate Bel, medyo nagpapayat pa ako ng konti para mas maraming mabili ng damit hahahaha, nagpagawa din kami ni mama ng salamin ako nga lang salamin at contact lense na may grado ang akin, tapos sina kuya Benj at kuya Jessie dinala ako sa friend nilang derma tapos lalong gumanda ang awra.

"Mga bakla kaya ba natin tong ihandle hahaha kaloka ngayon lang ako magsosolo eh"bumili kami ng malaking lote, nagpatayo ako ng branch ng SPA ni kuya Jessie, tapos Restaurant at saka taas ang aming pinagsama-samang hilig ng tropa, bag, damit, sapatos at beauty products.

Isang taon na ang lumipas marami din nagbago at marami din natutunan pero ang mahalaga sa akin ngayon kasama ko yung mga taong sobrang mahal ko at minahal ako.

Ito mga tropa ko mula noon na hanggang ngayon na andito tinutulak ako pataas kaya hihilahin ko din sila kung nasaan ako.

Nagresign na sa company ni Ian si Tammy at Mika, kaya ito nagtayo kami ng sarili naming negosyo.

"Sir! okay na po ang mga displays at naayos ko na rin ang computer ninyo."si Lucky noong nalaman na magsosolo career ako at nalaman din na malapit lang sa kanila ang area ng pagtatayuan ko ng negosyo kinulit ako.

Kaya siya ngayon ang nagdedesign ng mga menu at ano pang paraphernalia ng spa, restaurant at store namin.

Ano bang role ng tropa si Tammy kasi since hilig ang mga pagpapaganda kahit hindi...charot siya tinoka kung mamahala, magmanage ng SPA si Neri at Mika kasi hilig ang pagluluto at siyempre marami ng experience sa service kaya sa restaurant sila ako sa store ako sa taas kasama si Lucky.

At saka nga pala yung katapat din naming bakante lote binili namin magkakapatid at pinatayuan namin ng gas station at car wash sayang kasi.

Tamang-tama yung area namin kasi five minutes may dalawang malaking private school, mga government offices at mga iba pang establishment.

Dami kong daldal no?

"Salamat Lucky o guys laban na!"at sinabayan nila ako sa cheer namin Laban na!

Umakyat na kami.

"Boss"

"Lucky wag ng boss parang ano eh Benny na lang magkaedad lang tayo eh at saka dalawang taon na tayong magkasama di ba?"

"Eh nakakahiya kasi."

Lumapit ang isa kong store staff.

"Ay talaga Kakai bet talaga nilang umorder ng mga damit sa atin?"

"Opo sir tapos nagustuhan din daw po ng mga buyers nila yung moisturizer at facial wash"galing SoKor ang mga to at meron din kaming galing France galing sa mga contact ni ate.

"O sige pakiready ang products galing naman very good"nakakatuwa kasi apat na box ng moisturizer at facial wash, may mga bag din silang kukunin. May patong na ito sa kanila siyempre business eh at saka Manila ito at nasa Pampanga sila.

"Lucky pakigawa na yun order huh pakitulungan may kakausapin lang ako"

"Okay boss!"

"Ayan na naman eh."sinimangutan ko siya.

"Eh love este Benny sige."parang sira to pogi naman siya, mabait, simpleng tao, masaya kasama at minsan nga siya ang umaabsorb ng stress ko.

"Para kang sira naku kiss kita eh"biro ko.

"Weh kaya mo ba?"

"To!"umangan ko siya ng kamao "To ba gusto mo"

Nagpeace sign lang at saka pumasok sa store. Ang cute niya din ngumiti ang puti ng mga ngipin.

Kinuha ko na ang phone at may mga nagsiakyatan ng mga kabataan mula sa isang school malapit sa amin, may mga tinda kasi kaming merchandizer ng mga kpop things at basta bisita na lang kayo dito.

Binuksan ko ang phone ko at nagbrowse sa social media, wow 560 likes ng picture ko , dami din comment.

-Hello cutie i miss you 🥰

Napabuntong hininga ako ng bisitahin ko ang mga view ng aking my story.

Nagmessage siya sa akin.

Binuksan ko....

Bukod sa comment niya sa my story ko....

Ito yun....

Hello kumusta ka na, i tried ko call and visit you kaso madalas wala ka, di mo rin sinasagot ang message at tawag ko gusto kitang makausap sana. Gusto kong humingi ng sorry sayo. I can't measure the pain na naranasan mo. Hindi na ako magsisinungaling, oo napamahal ako sa kanya lalo na ng mga panahon madalas akong umaalis ng bansa o umiikot dito sa atin. Sorry Benedict sa nagawa ko, sorry nasaktan kita. Honestly gusto kitang makita at makausap pero pinakiusapan na ako ng kuya mo pati si tita na wag ka ng guluhin. Inuusig ako ng konsensya ko dahil sa ginawa ko sayo, you only give nothing but true love pero ako nagawa kong kalimutan at saktan ka at mapabaling sa iba ang feelings ko. I deserved all the punches and curses your brother gave me. Hindi lang tayo ang nasira ganoon na din kami ng kuya mo. Patawarin mo ako, if i can go to you now at kahit paluhurin mo ako at saktan tatanggapin ko mapatawad mo lang ako. I really miss you baby 😭 Namiss ko yung lambing at pagmamahal mo. Wala na kami ni Shermaine, di kita kasi maalis sa isip ko narealize ko na lang na mali ako ng wala ka na sa akin.....

Mahaba pa siya binasa ko naman pero masasabi ko Fuck you siya!

Narealize mo na mali ka????WTF!

Bakit di ko blinock siya, hayaan mo siya, puro seen lang ako wala na rin naman akong feelings.

Hindi na pwede baka maulit pa ang dati.

"Sir may phone call po kayo sa loob"tawag sa akin.

Buset di ko nagawang tumawag doon sa tatawagan ko hmmmppp...maya na lang nga.

Trabaho muna tayo.

Itutuloy.....

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon