Its like i found a new bestfriend sa katauhan niya. Ang saya niyang kasama ang may sense kausap. We talk about business, marketing strategies, experiences sa buhay at nagulat pa nga ito ng malaman ang life story ko at about other part of our story. Since wala siyang pasok sa school nakakasama siya namin sa pag-alis at tinutulungan nga din kami nitong makuha ang goal ni mama na mabili lahat ng dapat bilhin.Tapos nakakatawa lang matapos naming magsama maghapon sa labas magkachat pa kami niyan, kung anu-ano na lang ang pinag-uusapan namin pero di ako nababagot kausap siya.
"Oh!"bigla akong napagbaligwas sa higaan, dama ko na kasi ang init ng sinag ng araw. Wala na si mama sa tabi ko. Nakatulog ako ng mahaba nakakapagod kasing mag-ikot at bumuhat ng pinamili. Tapos mamaya magbobox na kami, grabe daming gagawin.
Paglabas ko ng kuwarto wala pala sina mama sabi ng anak ni tita Amalia may binisita silang mga pinoy.
Kaya nag-almusal na lang ako at saka nagsimula na ring magbalot ng mga ilalagay ko sa kahon.
Siguro nasa dalawang oras na mula ng magising ako wala pa akong narereceived na message mula kay Lawrence. Samantalang dati ganitong oras may "Good morning...."na itong bati.
Baka busy?
Baka umalis?
Naggrocery?
Hay bakit ba jowa mo ba? hahahaha nababaliw na naman ang utak ko kaya nagbalik na ako sa kuwarto at hinanda ko na ang ikakahon ko.
Nagpatugtog na lang ako at saka kumuha na ng gamot at iniisip ko kung paano ko pagkakasyahin lahat sa box, sabagay dalawa namang jumbo box ang inorder ko kaya na siguro ito.
Balot, sulat at pasok sa box......nakakailan na ba akong package sumasakit na rin ang likod ko.
Nang......
Tok!Tok!
"Kuya mama texted me punta ka daw kay kuya Lawrence he is sick."
Napatingin ako sa pinto, andoon si Anya.
"Awwwww kaya pala"sambit ko ng marinig ko ang sabi niya.
"Kaya pala na ano kuya, don't tell me hahahaha!"isa pa itong bata na ito.
Di pa ako nakakareact umalis na ito.
Binaba ko na lang ang mga ginagawa ko at kumuha na kaagad ng pangpalit para mapuntahan si Lawrence.
Kaya pala di nagparamdam wawa naman si friendship ko.
Dinala ko ang kopya ng susi ng apartment niya para makadiretso ako ng pasok. Nagmadali na rin ako at kasi napapaano na siya.
The silence makes it quiter.
Napakatahimik, eh malamang kaloka ka alang-alang mag-ingay pa siya eh may sakit nga.
"Lawrence?"tawag ko rito para manotice niya na may tao sa loob.
"Lawrence?"medyo ang pinto baka dito ang room niya at di naman ako nagkamali dahil may ingit akong naririnig.
"Uhmmm Lawrence how are you nakainom ka na ba ng gamot?"walang response pero nakasaklob lang ito ng kumot niya.
Nilapitan ko siya at mainit at nagchichill din kaya agad akong lumabas para makahanap ng face towel, palanggana at warm water para mapunasan ito.
Napadako din sa sink nagtingin na rin ako ng pwede niyang makain and good thing may mga delata at noodles at binuksan ko ang ref niya meron ding laman.
"Very good"sambit ko sa sarili ko.
Nagpainit na ako ng tubig para mapunasan siya at maya papakainin ko naman.
Habang nag-iinit ng tubig naghiwa na rin ako ng mga sangkap para makaluto. Lalagyan ko lang ng patatas at carrot ang soup na instant niya para may laman purong soup lang kasi ang laman ng mushroom soup at napakaliit din ng mushroom tadtad kung baga.
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
RandomDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...