Chapter Five

19 1 0
                                    

"Salamat Mika, Tammy ingat kayo huh dito na ako"pumasok na ako sa convinient store.

Marami na namang tao bakit kaya? May sale ba bakit di ko alam?

Nakisiksik na ako sa mga tao and to my suprise bakit siya nandito?

"Hoy Benny tara na"nasa likod ko si Neri.

Nagsumiksik lang kaming dalawa at kailangan namin makapunta sa likod para makapagtime-in dahil maya-maya ay shift na namin.

"Sino ba yung mga yun?"pagkukunwari ko kilala ko ang isa sa kanila, si boss at may dalawa pang lalakeng kasama, gwapo din sila at mukhang anak mayaman. Sa aking pagkakakita kanina mukhang namimili sila.

"Alam mo bumili ka ng tv nood nood ka din kaloka ka"sagot naman ni Neri sa akin.

"Ngek mag-aaksaya pa ako ng pambili ng tv kailangan ko muna ng pera para makalipat ng matinong apartment kaysa bumili ng tv."

"Dalian na nga natin kaloka"

Finally after sumiksik sa mga tao nakapasok na rin kami.

Sa kabilang banda.

"Pre bakit ba kasi dito pa tayo bumili we can go to other store or magbar pinagkakaguluhan tuloy tayo dito"wika ni Charlie kay Ian habang napili pa sila ng inumin kanilang pagsasaluhan magkakabarkada mamaya.

"It's cheaper here at malapit sa condo mo"balik naman ni Ian kay Charlie.

"Cheaper shit pare kahit bilhin mo tong store na kaya mo"

"Shut-up na lang dude tara na para makainuman na tayo ang beside kaya ko gusto may gusto kasi akong makita"

Napalaki ang mata ni Charlie sa narinig "Chicks ba pre, maganda bang chicks dito?"

"Not that puro ka babae kaya daming binayaran ang parents mo na babaeng nabuntis mo"

"Ulol! tara na nga"

"Robbie tara na!"tawag ni Ian sa isa pa nilang kasamang nakikipaglandian sa store crew.

(Kanina pa ang uwian nasaan kaya yun?) sa isip ni Ian na panay pa rin ang tingin sa paligid.

-----------------

"Ganoon pala sila kasikat sabagay pogi tapos super yaman kaya sikat"

"Baliw ka kamo baks tara na baka naprapraning na si Mercy sa labas sana wala na sila para tumahimik na ang paligid kairita kapag maraming tao eh."

Binilisan lang namin ni Neri ang pagpapalit ng damit para makapagsimula na.

Another puyatan at paguran.

--------------------

Pag-uwi ko di ko na alam pero bagsak kapagod.

Sana may mama ako na sasalubong sa akin tapos paghahanda ako ng pagkain.

Nakasubsob ako ngayon sa unan ko at napapaisip at higit sa lahat naiinggit.

Nainggit ako kay Neri, sinundo siya ng mama niya tapos may dala pang hot choco. Ang sweet nilang magnanay tapos sumakay sila sa tricycle nila nagtatawanan pa.

Inaya nila ako para ihatid kahit hanggang kanto namin pero tumanggi ako malilihis kasi sila sa daan nila at alam ko magtutungo pa sila ng palengke at birthday ng bunso kapatid ni Neri.

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon