"Ate sabi ni mama kami na daw ang pupunta diyan"nagkukuwentuhan kami ni ate, nagresign kasi ang isa niyang kasama kaya mas naging mabigat ang work load niya at hindi rin madaling iwan ang trabaho since sobrang laki ng tulong nito kay ate at sa boyfriend niya. Dahil sa trabahong ito nakatapos ang mga kapatid ng bf ni ate, nagkaroon ng maganda at maayos na bahay at negosyo. Si ate ayaw magkuwento pero milyonarya na daw siya sabi ni mama bukod kasi sa work niya sa London may mga iniwan itong mga investment at shares sa negosyo namin dito.
"Opo ate maayos na po ang mga papel ko kakatapos ko nga lang makuha TOR ko tapos ito po habang hindi pa po kami naalis nag enroll po ako sa english proficiency training para sa magwowork sa BPO"
"Naman ate ako pa ba second week ko na nga eh"
"O sige ate ingat ka diyan ang see you soon, mwuah!"pagkababa ng tawag saktong may kumatok sa pinto.
"Po?"tumayo na ako at saka lumapit sa pinto.
"O manang bakit po?"si manang Lorie pala.
"Ay anak andito ang boyfriend mo hinihintay ka sa baba, kakuwentuhan ng kuya mo"
"Ganoon po ba"may hawak pala itong laundry basket "Pababa na po ba kayo, pasuyo na lang po na akyat na lang po siya may ginagawa po kasi ako huh salamat."
"O sige anak ikaw ba walang maduming damit?"
"Manang ako na po maglalaba ng damit ko kaunti lang po ito at saka alam ninyo naman na andito lang ako sa bahay kaya ako na lang po para may magawa ako"
"Ah ganoon ba anak o siya sige baba na ako at sabihan ko na lang boyfriend mo"
"Opo manang sige po"
Bumalik na ako sa ginagawa ko may assignment kasi ako kaya basa-basa muna at magsasagot na rin ako.
Medyo madami pala akong kailangan sagutan mabuti na lang mabilis ang internet at makakanood din ako ng lesson sa isang video sharing site.
"Baby?"awtomatiko akong napatingin sa may pinto at nakasilay na si Ian.
"Po baby wala ka bang work ngayon napadalaw ka?"lumapit na ako at saka bumeso sa kanya may dala itong paper bag.
"Wala namang ganoon gagawin at saka"binaba niya ang bag sa sahig.
"Pikit ka may supresa ako sayo"
"Anong supresa?"tanong ko, kaya nga supresa eh pumikit ka na kasi....hahaha.
"Pikit ka muna please"sinunod ko na ito, naeexcite ako.
Madalas akong dinadalhan ng kung anu-ano ni Ian at minsan nakain sa labas.
"Open your eyes"
Unti-unti ko itong binuksan at may dalawang papel na hugis parihaba akong nakitang hawak ni baby.
"Uhmmm kasi malapit na kayong umalis papuntang London and ito"pinaypaypay pa nito ang mga papel "Bumili ako ng ticket para sa ating dalawa bibiyahe tayo ng tayong dalawa para naman makapagbonding tayo bago ka umalis at mag-aral doon di ba?"biyahe? kaming dalawa?
"O bakit nakatulala ka diyan"
"Hahaha kasi, wait saan tayo pupunta?"
"Iloilo tapos didiretso tayo ng Boracay"
Napawow ako kasi....dream place ko ang Boracay!
"Uy!"napitik ako ako sa noo ni baby hahaha kasi naman no di ko alam anong reaksyong ang gagawin, kung sisigaw, tatalon....kaya ito tulala na lang para walang ingay hahahaha.
"Aray naman"
Linapit niya ang kanyang sarili at hinalikan ako sa noo.
"Para ka naman kasing estatwa eh so ano game na?"
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
RandomDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...