Ayaw ko ng magkuwento ng mga nangyari sa dalawang buwan, nakakainis lang kasi yung nilalandi ka ng crush mo na may jowa tapos ito ako naiiyak na lang kasi nakikita ko silang naghahalikan ni Lucy.
"Friend oh inom ka muna"andito kami sa isang resort kasama ang buong company dahil may ilang event na dumaan na sobrang successful, at sabi nga ni boss Ian we deserve a break.
"Salamat"matamlay kong tugon kay Tammy. Nakaupo kami ngayon sa isang bar at nakikinig sa mang-aawit sa stage.
Di ba dapat alam ko ang lugar ko?
Hindi ko na lang napapansin may tumutulo palang luha sa aking mata.
"Uy ano may problema ba friend"hindi ko kinaya hinayaan ko lang na maiyak ako pero walang tunog o pagkilos na makakakuha ng atensyon ng iba nanatili lang akong nakatingin sa umaawit habang inaalo ako ng dalawa kong kaibigan.
"Sorry"tumingin muna ako sa dalawa at saka tumayo.
Lumabas na lang ako ng bar.
Nakakainis kasi, ang sweet, ang harot, ang caring tapos may gatong pa sa dalawa (si kuya Bench at kuya Jess). Pero kasalanan ko din bumigay ang loob ko eh.
Ay oo...ng may bigla akong naalala tatawag nga pala si ate sa akin uuwi na ito next month.
Nag-on ako ng data.
Nakaonline na si ate.
"Ate!"chat ko dito.
Humanap lang ako ng spot na tahimik at saka umupo.
"O bunso kumusta nasa resort pa ba kayo?"
"Opo ate"pinilit kong ngumiti.
"Kumusta nag enjoy ka ba diyan?"
"Oo naman ate enjoy naman kasama ko mga kaibigan ko dito"
"Ah ganoon ba ilang buwan ka na rin diyan ah baka gusto mo ng lumipat aba kailangan mo ng matutunan ng negosyo natin at oo nga pala no nakaenroll ka na ba?"
Pwede na siguro para di na ako natatanga ng ganito.
"Opo ate, uhmmm ate baka naman pwede uwi ka ng next week please"
"Hala bunso hindi pa pwede next week may tinatapos pa ako dito hayaan mo apat na linggo na lang naman eh at saka ready na pasalubong ko sayo."
"Wow talaga ate damihan mo bibigyan ko din mga naging kaibigan ko please."
"Oo naman teka kumusta na pala crush mo diyan di mo na nakukuwento"
"Wala na yun ate kaya dapat na rin akong umalis para makalimutan ko na kung anong nararamdam ko sa tao since wala naman chance eh"
"Basta kung anong gusto mo suportahan kita excited na akong umuwi" may narinig akong tumatawag kay ate, boses ng lalake at mukhang may lakad din sila.
"Paano ba yan bunso tinatawag na ako ni boyfie may lakad din kasi kami tawagan na lang ulit kita ingat ka diyan."
"Opo ate ingat din kayo sa lakad nyo"
"Oo sige na i love you bunso."
"I love you too ate."
End of convo....
Napahinga ako ng malalim at binuga ito na may pag-asa na baka sakaling mawala na yung bigat.
Binibiro ka lang naman at saka barkada yun ng kuya mo eh.
Pero sa akin kasi naapektuhan na ako eh, ang hina ko kasi.
Please step away....
Biro is biro masyado ka lang...
Hindi ko alam paano nga ba dapat sa ganitong punto, oo nga nilalambing ka lang kasi nga friend nya kuya mo tapos friend na rin ang tingin sayo and he is just too sweet and caring kasi he look at you as his younger brother. Pero bakit yung biro nya na "Baby ko i love you" tapos minsan hahalik sa pisngi at iba pang bagay...
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
De TodoDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...