"Kumusta ka naman dito, kumusta na pakiramdam mo?"andito ang tatlo, si Neri, si Tammy at Mika.
"Maayos na ang pakiramdam ko mamaya uuwi na ako inaayos na ni kuya ang bill"tugon ko sa tanong ni Neri.
"Kuya mo pala si sir Bench"singit ni Tammy.
Tumango lang ako.
"Ang hot ng kuya mo bakla ang sarap at saka sikat yan sa department namin baks yum-yum"dagdag nito.
"Paano mo pala nalaman na kuya mo siya"si Mika.
"Ang totoo ang bilis nga ng lahat eh, una kahapon kasi sa office ng may inabot akong folder kay boss andoon sila nakatingin siya sa akin ng oras na iyon tapos inabot ko yung folder napansin niya yata yung kaliwa kong pulso at yung balat doon nagsimula tapos kanina kinuwento niya hinahanap kami ni mama kaso di ba palipat-lipat kami ng inuupahan hanggang sa umalis na ako sa puder ni mama Ella tapos isa pa may inabot siyang birthcertificate kung anong pangalan ng papa ko at mama ko sa birthcertificate niya same kami kaya sabi ko ng oras na salamat nakita ko na ulit sila"mahaba kong kuwento.
"Marami din tinanong yung kagabi sa akin nung sinugod ka dito"
"Tungkol saan Neri?"
"Tungkol sayo."
"Alam mo baks"inakbayan ako ni Mika "We are happy for you na finally after ng paghihirap mo"narinig ko ang hikbi niya "Finally ito na you deserve to be happy"nahawa tuloy ako sa pag-iyak niya.
"Ano ba kayo mag-iiyakan ba tayo dapat happy lang"banat ko sabay punas ng luha.
"Kaso baks sabi ng kuya mo tigil ka na daw sa trabaho mo sa convenient store iiwan mo na ako"dama ko ang lungkot sa boses ni Neri ilang taon na ba kaming magkasama nyan.
"Pati ba sa office stop ka na sa pagtratrabaho?"si Tammy.
"Yun sana gusto ni kuya kaso nahihiya ako bago lang ako sa company tapos aalis agad tapos-"sumingit agad ang baklang Tammy.
"Tapos na sad kasi iiwan mo na si boss yummy hottie ganon?"
"Gaga baklang to"
Hindi namin namalayan na bumukas ang pinto "Ehem!"
Napatingin na lamang kami sa may pinto at naroon si kuya at si boss. Napatayo ang tatlo, nagkatinginan na lamang kami sana di narinig ni boss ang sinabi ni Tammy hehehe kakahiya.
"Parating na yung nurse aalisin na ang suwero mo tapos magpalit ka na ng damit mo ready na tayong umalis"si kuya Bench.
"Oh kayo di pa ba kayo uuwi?"seryosong tanong ni boss sa kanila.
Yung tatlo dampot ng gamit nila "Baks una ako may pasok pa ako sa convenient store text text na lang huh at saka bisitahin mo ako doon mamimiss kita"yumakap muna ito sa akin at saka nagpaalam kay kuya, nagthank you naman si kuya.
"Sige baks"bumeso na ang dalawa "Kashokot si boss masarap lang kainin pero nashoshokot ang ghost within ko sa kanya"tong baklang Tammy na to daming alam.
Nakaalis na silang tatlo ang andito na lang si kuya at boss.
"Okay ka na ba sabi ng kuya mo gusto mo ng bumalik trabaho bukas"bakit ba siya lumapit tapos umupo pa sa kama kumuha ng orange at nagbalat.
"O-opo boss a-e ano eh nahihiya po kasi ako kabago-bago ko tapos mawawala ako bigla"
Sumubo muna ito, pati ba naman pagnguya niya napapatingin ako tapoa ayyyiiieeee ano ba ang cute napayuko na lang ako baka kasi makita ni kuya yung tingin ko kay boss.
"Kapag nasa labas tayo Benny, kuya na lang din itawag mo sa akin remember kaibigan ko kuya mo"
"Opo"
![](https://img.wattpad.com/cover/221510680-288-k609130.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
RandomDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...