Part 25

6 0 0
                                    

Patingin-tingin ako sa phone ko, ang alam ko kasi may kasama ako dapat ngayon sa restaurant na ito, ang romantic ng ambiance niya tapos ang music classic but it gives a lovely vibe.

Sa inip ko tinawagan ko na lang sina Mika at Tammy ang luckily nakaonline sila.

-Wala pa eh naiinip na nga ako.

-Baka may ginagawa lang .

Wala kasi silang work now kaya di nila makita sa office.

-Kanina pa ako nagtetext at nagmimiss call wala rin sagot eh.

-Kalma ka lang bakla di ba kumain ka na kaya 1:45 na ah.

-Hintayin ko na lang kasi baka magalit yun kapag nauna na ako.

-Gaga ka ano pakuluin mo sikmura mo kakahintay sa kanya?

-True friend kumain ka na diyan baka matagalan pa yun alam mo naman super business man ang jowa mo.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Sir oorder na po ba kayo kasi po-"napatingin ako kay kuya waiter and napadako din ang tingin ko sa may entrance ng restaurant shocks daming tao, nahiya tuloy ako..

"Wait kuya baba ko lang ang tawag"

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at nagbigay na lang ako ng order ko, sikat kasi itong restaurant na ito kaya hindi nababakantihan at kaya siguro kinulit na ako ng waiter kasi ba naman isang oras na akong narito na puro lemonade lang ang iniinom.

Steak and soup...grabe di na ako nakapigil ang amoy pa lang nakakagana na.

Maya-maya ay muli kung tinignan ang relo ko, 2:50 P.M na pala, yung nasa 20 minutes din bago nakuha ang food na order ko at nakain ko na rin pero wala pa siya kaya umalis na rin ako after kumain at nilakihan ko ang tip nakakahiya kasi sobra.

At dahil busog pero nakakaramdam ng parang pagbaba ng positive vibe sa katawan ko, umuwi na lang ako walang gana na eh, gagala sana para mahintay pa siya.

"Kuya pasundo sa harap ng restaurant" tinawagan ko ang driver ni mama kasi wala naman si mama dahil kasi ang mga amiga at may inaasikasong negosyo somewhere.

Maya-maya ay nakarating na si kuya driver, para akong kinuhanan ng maraming dugo dahil as in down na down na yung energy ko, paano ba naman "Sorry baby puntahan na lang kita sa bahay".

"Kuya bahay po tayo"wala kong ganang sabi kay kuya.

Pinatay ko ang phone, i feel bad....

Pagdating sa bahay sinabihan ko si manang kapag may naghanap sa akin sabihin wala ako sa bahay magkukulong lang ako sa kuwarto.

----------------------------------------

Ian's POV

Dalawang linggo mula ng makaauwi kami ni Benny, at after ng mangyari nung....basta......ang sarap iuntog ang ulo ko sa pader.

Hindi ako mapakali dahil panay ang paramdam ni Lucy sa akin kesyo one week after ng mangyari ang nangyari, nakakaramdam daw ito ng kakaiba.

And now two weeks na...........

And the bomb slap my face kaya pala ang kulit ni Lucy na babain ko daw siya at nasa harap ng bahay namin.

Pagkalabas pa lang ng gate tinalakan na ako nito kung bakit ang hirap ko daw makontak, dahil bigla niyang binato sa akin ang PT kit sa akin, nasalo ko naman at sa aking pagtingin sa kita para akong pinasabog ng malaking PUTANG-INA na problema.

Hinila ako ni Lucy at kailangan daw namin mag-usap, kumontra ako dahil may lakad ako at magkikita kami ni Benedict pero lumabas sa kotse ang mama ni Lucy.

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon