Naririnig ko silang nagkukuwentuhan ng mga nakasalubong niyang mga kaklase, pinakilala naman niya ako siyempre di ko naman kaclose ang mga iyon kaya andito ako sa isang tabi nakaupo, naglaro na lang sa phone.
Ilang minuto na rin iyon.
"Baby lets go?"napahinto ako ng marinig ko siya.
Tumayo na ako at tinago ang phone sa bulsa, umikot muna kasi sa mga paborito niyang store dahil may dalawang party siya na pupuntahan at may tatlong meeting na kasama ang mga malalaking client niya.
"Grabe ang daming ginagawa tapos yung secretary ko mali-mali and you know after duty andoon nakikiharutan sa client ko............."kuwento siya ng kuwento about sa nangyayari sa kanya sa work niya siyempre kinig lang ako.
"Nakakapagod daming gagawin pa dami pang hahabulin..."tuloy sa pakikinig sa kanya.
"Miss ito and also this one"inabot niya ang napili niyang suit.
"Yes miss sukatin ko lang huh"pumunta ito sa dressing room at mabuti na lang may upuan sa tabi wala naman akong magawa.
Tapos maya-maya narinig ko ang pagbukas ng pinto at tinawag niya ulit yung saleslady.
Nagsukat ulit siya ng damit.
Nagbukas na lang ako ng social media ko, dami kong nakikitang post na pagkain, gala ng mga celebrities share ako ng share sa mga nakikita ko kainggit kasi.
Then ayon finally natapos na siya, nagbayad and tig-isa kaming bag pero parehas na sa kanya yun.
Nagpatuloy siya sa pagkuwento ng tungkol sa mga nangyari sa kanya, siguro alam nyo naman yung point na kung kailan ka niya hinihingan ng opinion or gusto niya din makarinig ng kuwento pero wala para siyang radio na tuloy-tuloy ang salita.
Sa bilihan naman kami ng sapatos.
Ayon ulit naupo na lang sa isang tabi, katabi ko ang dalawang malaking paper bag niya.
Napapabuntong hininga na lang ako.
Napatingin ako sa relo ko 7:05 P.M na.
Pili siya ng pili ng sapatos.
Nakaramdam na rin ako ng discomfort.
Nilapitan ko siya "Baby iihi muna ako ah" paalam ko, inaabot ko yung mga bag sa kanya.
Tumingin ito sa aking "Wait lang baby saglit lang to"kaya naupo na lang ako at nagpigil.
Pero nakatatlong minuto ulit ata yun talagang masakit na kinausap ko yung babae na kausap niya "Miss saan dito yung malapit na cr?"tanong ko.
"Dito po sir pagkalagpasan lang ng Maldito andoon na po ang cr"sagot nito.
"Salamat miss, paiwan"binaba ko ang mga bag sa tabi ni Kuya Ian.
"Wait baby sabi ko saglit lang eh sasamahan na kita"
Pero wala na parang kapag di pa ako umalis sasabog na.
"Hindi ko na kaya ihing-ihi na ako eh"umalis na ako at pinuntahan ang direksyon na sinabi ng babae.
Buti na lang umabot pa ako.
Mabilis lang din ako matapos kung maghugas ay lumabas na ako bumalik na ako sa shop at ayon nagbabayad na siya.
Nakahinga ako ng maluwag dahil nakaihi na ako.
Pagkakuha niya ng pinamili niya lumabas na ito sinalubong ko na lang kasi nasa may pinto naman ako.
Hindi na niya pinabuhat ang isa sa bag at hindi na rin kumikibo and guess what hindi kami papunta sa kakainan bagkus palabas na kami ng mall.
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
RandomDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...