Extra One

3 0 0
                                    




The sun goes down but my heart still hunting him down.


Kailan ba ako titigil maging hangal sa nararamdaman di naman nasusuklian.











The wind blows in the east but i still can smell your scent in west.





Paano ba mawala ang hindi kayang pakawalan.

Lagi na lang bang iinog ang sarili sa mundong hindi naman naging akin at hindi man lang ako itinuring na kanya.








The earth goes around but whatever the move my land don't make me jump into another space and its like i'm just waiting here forever.


Ilang sampal ng pagkakataon pa ba ang kailangan para magising sa katotohanan na dapat nang hindi na umasa sa hindi pwedeng maging sandalan ng pusong uhaw sa lasa ng tamis ng pulot na dinulot ng mga labi, puso, katawan at kaluluwa ng tinantanging nilalang.

Niloloko ko na lamang ang sarili. Lagi ko naman niloloko ang sarili ang hirap lamang talagang gisingin ang gising ngunit nagpapanggap upang panaginip ay di mabugaw ng realidad ng nagpapanaw sa daigdig kung saan doon na lamang naiaayos ang tagilid kong istorya sa puso mong hindi kayang maangkin at di naman talaga maaaring maging akin.





The moon shines in the deepest color of the night. It swims in the ocean, floats in the highest sky and waves in every corner of my side. But it don't stay, it doesn't stay. And here they are, the clouds fill, shade and block the sight of my dreams and not even stars stay.


Pilit man maging maaayos ngunit tila may bagyong ng sobrang pag-iisip ang umiihip ng kay talim ang tumatapyas sa natitirang tulay ng pag-asa titilapon na lamang sa di mabanaag na direksyon.

Mahahapis ngunit babalik.

Ang hirap ng ganito. Mananalo ngunit papaluin na naman ng di matalong lumot na kumakalat sa bawat kalamanan ng isip. Wala nang makitang daanan patungo sa liwanag mabuti pang lumisan na lang at kalimutan na lang na ako ay umarte ng ganito o siya babye!

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon