Chapter Two

25 1 0
                                    

"Frenny!"at putaragis andito sila, oppsss sorry po sa word.

Napayakap ako sa dalawa kong kaibigan.

"Bakit di kayo nagsabi na dito din kayo natanggap!"ang ingay namin para kaming nasa kalye lang hahahaha.

Tumawa lang ang dalawa.

"Uy tabi kayo andiyan si boss" napalingon tuloy kami agad sa likod namin. Hinila naman ako ng dalawa patagilid, samantalang ako napatingin sa lalaking nakalong sleeves at tie habang nakasukbit ang blaser niya sa kanan braso habang sa kaliwa may hawak na phone at nakatapat sa tenga at may kausap. Tapos may kakapalan ang kilay, may maliit na nuna sa dulot bahagi ng kaliwa niyang mata na may kasingkitan, ang puti ng ngipin niya, ang tangkad, pangang palaban, tangos ng ilong, ang puti niya at ang kinis tapos clean cut ang hair pero may hikaw na kulay itim, teka itim ba yun? basta....tapos papalapit siya sa akin kumabog ang dibdib ko na may halong mainit na parang masarap, tapos fit ang suot niya sarap ng muscle sa arms niya at dibdib at malamang may abs yan di man kalakihan yung muscle pero mukhang matigas at kaya kang ipaglaban"

Ng may sumundot sa akin "Hoy bakla!"

"Ay bakla ako!"nagulat ako sa ginawang pagsundot sa akin and to my shockness....

Nasa harap ko pala si boss.

Ang talim ng tingin...ang sakit baby wag ganoon.

Napayuko lang ako at bumati "Goodbye po boss ingat po"nakakahiya.....

"Bakla wala na si boss tara na umayos ka na"si Tammy.

Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Nakakahiya kasi napasigaw ako sa harap pa ni boss ikaw kasi Tammy eh"

"Hala bakla kung hindi kita sunundot di ka magigising sa pagkakatulala mo kay boss bakla to!"

"Tama na nga yan kain muna tayo ng fish balls!"aya ni Mika.

"Uhmm pass ako kailangan kong magtipid eh"

"Hay naku tara na baks arte mo"si Tammy naglabas ng wallet putang baklang to pasikatan na naman ako nito.

"Kami na bahala alam namin ang drama mo"

"Oo na"

Kaya ayon hila-hila nila ako bahala sila lalamon ako isang kanin at isang hotdog lang kinain ko sa canteen kanina ahahahahahaha..

Pero habang naglalakad naalala ko ang imahen ni boss shenelyn ang pogi niya kailan kaya ako magkakajowa ng ganoon?

---------------------------

Nakakahiya...nakakahiya....nakakahiya! kainis yan ang paulit-ulit kong litanya sa utak ko....

"Hoy bakit parang ka ewan diyan anyare sayo?" tanong ni Neri kasama ko sa convenient store.

Buti pala walang katao-katao ngayon di ako makapagconcentrate.

"Wala okay lang"umalis ako sa counter kinuha ang kahon ng cups sa baba lalagyan ko yung lalagyanan ng Freezy Juicy namin na paninda ng store.

"Good evening po sir"dinig kong sabi ni Neri, may costumer siguro bahala siya dito muna ako ayusin ko mga cup.

"Kaunti na lang pala yun cup ng large"kaya nilagyan ko...

"Hi pwede pahingi ng large cup"

Pagkalagay ko ay kumuha ako ng isa para costumer na.....

"Boss?"napayuko kaagad ako shit bakit?

"Kilala mo ako?"siguro di niya ako narecognize dahil yumuko ako at dahil may nakacap kami ng store kaya nablock ang mukha ko.

"Ah eh o-opo pasensya na po"pagkaabot tumalikod ako at saka kinuha ang kahon ng cups at bumalik sa counter.

Nagkunwari na lang ako na may ginagawa sa ibaba para di niya ako makita iiihhhhhh......

Teka bakit nga ba siya nandito?

"Kuya nabili mo na dali na uwi na tayo tapos daan tayo sa bilihan natin ng french fries please"may narinig akong batang babae na nagsasalita "Oo na bunso ito sige na bayaran ko lang ito kulit mo talaga"siya nga talaga shit salamat Neri at nandito ka.

Natapos ang transaction tapos unti-unti akong tumayo at pagkaangat ko buti na lang wala na sila.

"Baks dito ka muna CR lang ako"paalam ni Neri, si George namin isa sa kasama namin abala sa inventory.

Pero bakit kahit saglit lang na tingin ko ibang-iba ang nakita ko kanina bakit parang iba ang awra niya paglabas niya sa work kaysa ngayon tapos ganoon parang ang sweet niya kasi kung ibabase sa kung nakita ko kanina parang seryoso na mahirap biruin na napakagwapo na nakasarap ihug na napakasarap ikiss na napakasarap jowain, tapos matutulog kayo sa kama magkayakap sasabihan ka niya ng i love you baby ko and good night tapos ikikiss tapos magkasama kami sa banyo maliligo sabay papasok sa trabaho lulutuan ng baon namin tapos magdadate tapos....

"Psssst.....kuya! yooohooo!" ay tsinelas, naku si boss kasi...

"Sorry"

"Naku kung wala lang guard nakalibre na ako"aba aba....

"Sorry po"mapunch nga.......mapunch nga yung binili niya.

"251.75 po"

Inabutan niya ako ng 300.

"I received 300 pesos"dutdut ayun ito "ito po ang sukli 48.25 pasensya na po hehehe" buti na lang smile lang si ate girl.

Yung tinaliman niya ako ng tingin kanina tapos biglang ang angelic ng mukha niya kanina bakit ganoon tapos boss ko siya hahahaha alab it grabe.

"Hoy!nababaliw ka na naman"panira talaga tong si Neri.

Ayon habang abala kami sa pagkuwenta dito, ayos doon at pagtunganga natapos din at mabuti nasa mood si George at nakapag CA ako hahahahahaha!

Habang naglalakad pauwi iniisip ko lahat ng gastusin, pagkakagastusan at si boss....ngek ano ba yan maya ka na boss magkikita naman tayo eh.

Baklang to magtigil ka nga kapanget mo eh....hmmmm well anong oras na ba......

may apat na oras pa ako bago mag-ala sais. Kahit 9am pa ang pasok ganoon ako aalis ng bahay para maglakad para di na kailangan magtricycle sayang eh.

Wala na akong gagawin maya na pagkagising ko doon na lang ako maglilinis ng katawan.

Tuloy tulog na pagkauwi.

Eh kung dagdagan ko ng 30 minutes ang pahinga ko hehehe tutal maaga pa rin naman ako nakakarating hehehehe.....

Para akong adik na nagkukuwenta ng kung anu-ano sa utang ko habang pauwi mabuti na lang maraming tambay dito ay kilala naman na nila ako kaya feeling safe ang lola mo kaya keri lang ng slow walk.

Mamaya is another day sa bagong work sana makatagal at makasuweldo na para makalipat ng apartment ang init at ingay kasi sa inuupahan ko kung siguro di lang ako pagod na pagod di ako makakatulog ng mabuti.

--------------

Ian's POV

Anong oras na ba?

Shit 3:30 a.m and i'm still awake well tapos ko na rin namang basahin lahat ng report makatulog na nga.

Daming problema na kailangan ayusin sa company tapos papansin pa si mommy nirereto ako sa anak ng kaibigan niya.

"Kuya"dinig ko sambit ng bunso kong kapatid na bukod sa daming request na pagkain kanina nagrequest din tumabi sa akin sa pagtulog.

"Andito lang si kuya sleep lang bunso."hinaplos haplos ko ang buhok nito baka nanaginip.

Tinabihan ko na rin siya para makatulog na rin at may meeting pa ako sa mga investors mamaya.

"Ay bakla ako!"isang imahe ng tao ang biglang nagpakita sa isip ko sa akin pagpikit.

Sino ba yun? Dinilat ko ang mata parang tanga lang.

Then pagpikit ko naku itong ayaw ko eh daming iniisip shit tulog na Ian tulog na!

Pati yung sa store parang.....

Hmmm....shit Ian walang kuwenta pinag-iisip mo tulog na please lang!

Itutuloy

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon