Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Please sabihin mo naman sa akin ano bang ginawa ko?"namumula ang mata, puno ng lungkot ang boses na halos hirap niyang itawid ang mga salita.
"Hindi na tayo pwede eh, ayoko na Marty hindi na-"dumaloy ang luha ko sa pagpipilit sabihin ang mga salita hindi naman totoo pero kailangan he don't deserve someone like me, nahulog na ako sa kanya pero hindi na "Marty please marami namang iba diyan eh you deserve someone better."gusto kong tumakbo, sumigaw ang murahin ang lahat bakit ba ganito hindi ko ba deserve mahalin at tuluyan maging kami ng tao ng mula noon minahal na ako?
"Ano ba kasing problema sabihin mo sa akin, di ba noon huli nating kita may pag-asa na ako bakit anong nangyari, please wag mo naman akong iwan ng ganito oh-"dumaloy ang luha mula sa mga mata niya, ayaw ko nang pagmasdan ito dahil lalong humihirap at sumasakit ang loob ko.
"Basta hindi na pwede masuwerte na lang ako dahil andito pa ako nakakatrabaho, nasusuportahan pamilya ko at natutuloy-"hindi ko masabi natatakot ako bumingo na ako sa mundo ng malaman ko iyon, pero tinulak ko lang sarili ko kahit mahirap at masakit at may pagkakataong hindi pwede pero sumugal ako.
"Bakit Sam dahil may HIV ka? Dahil ba doon kaya mo ako iniwan at ayaw mo na sa akin?"gusto ko nang maglaho, biglang bumagsak ang lakas ko,iyong pakiramdam na ang daming dugong kinuha sayo, nalulumo ako parang may sumapak ng malakas sa mukha at sikmura ko.
"Pa-"
Bagkus matapos nagulat ako sa ginawa niya.
Habang nakatayo ako, mulat na mulat ang mata sa gulat, hindi makagalaw ang mga kamay at braso......hindi rin makareact ang labi ko sa pagdampi ng mapupula niyang labi sa labi ko.
Bagkus maglaban bigla na lang din kumilos ang labi ko.
Bagkus itaboy naramdaman ko ang init ng mga palad niya sa aking pisngi na pumapawi ng hadpi na nararamdaman.
Bagkus tumakbo tuluyan na lang akong bumigay sa masuyo, matamis at makatotohanan pagpaparamdam niya ng pagmamahal.
Napawi ang hapdi at takot ngunit.....Naalala ko na may sakit ako, na nakakadiri na ako....
Buong lakas ko siyang tinulak.
"Marty ano ba hindi ka ba natatakot mahawa, hindi na ako malinis-"at sa pagsambit noon tumalikod ako at saka tumakbo.
Ngunit....
Nahuli pa rin niya ako at kinulong sa kanyang bisig.
Hindi ako makapalag.
Anong laban ko sa 6 footer at may maganda katawan na lalakeng ito samantalang ako ay 5'6 lang at may katabaan pa?
"Hi-"humangos ito"hinding-hindi kita pakakawala not now, not anymore, never please"mariin at pilit man niyang ibinubuga ang mga salitang iyon pero naitawid niya ang mga iyon.
"Pero wala ka nang mapapala sa akin at saka ang pangit ko, di ako makinis, dami din problema sa ngipin, maitim ang kili-kili at singit, ang taba ko at higit sa lahat Marty, may sakit ako-"bumalik ang nararamdaman kong lungkot at pait.
Ngunit mas humigpit ang yakap nito at dama ko ang init ng katawan niya na pumapawi sa buga ng malamig na hangin ngayon dito sa Amerika.
"Wala akong pakialam Sam, wala akong pakialam!"inilagay ko ang mga kamay ko sa braso nito nakapalupot sa katawan ko.
"Marty mahal naman talaga kita pero tinago at ayaw kong masaktan ka at magtake advantage at higit sa lahat mahawahan ka and kasalanan ko naman kasi lahat ng ito eh-"naiyak na lang ulit ako ng muli kong maalala iyon.
Dahil pilit kong paglayo ko sa kanya, nakatagpo ako ng grupo na kala ko safe, naging kasama ko sila tapos may nakilala and i know that everytime may inuman may nangyayari sa kanila pero dahil baguhan ako pagsapit ng tapos ang inuman umuuwi na ako pero may isang pagkakataon na, oo tao at dumating ang punto na naging marupok. Siya ang nagsimula hinalikan niya ako at akala ko kami lang dalawa at biglang pumasok ang ibang kasama namin sa grupo at sa lasing hindi ko alam kung sinu-sino na ang naging partner ko ang alam ko lang noon nairaos ko ang libog ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
RandomDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...