Ian's POV
"Ma kayo na muna bahala kay Iya pupunta lang po ako ng ospital"sabi ko kay mama habang nag-aayos ng jacket na suot ko.
"Sige anak, pero teka anong gagawin mo sa ospital ng ganitong oras?"tanong ni mama.
"Si Bench po kasi"kinuha ko naman ang pabango sa tabi at saka nagwisik.
Nakita ko pang-umarte na parang Nababahuan si mama sa pabango ko, eh maarte din kasi yan si mama.
"Ano ba yang pabango mo anak ang sangsang kakairita sa ilong"
"Ma pangbagets yan hindi pang-oldies"
"Ano?"piningot ako ni mama.
"Aray ma tama na sorry na"
"Pasaway kang bata ka sige umayos ka na at mag-ingat sa pagmamaneho baka paliparin mo na naman ang kotse sira ulo kang bata ka"
Oo pasaway ako, yung pakiramdam kasi na halos lumipad na yung kotse sa bilis sarap sa pakiramdam hahaha.
"Oks lang ma wag kang mag-alala."
"Ikumusta mo na lang ako kay Bench jusko magkakaibigan nga kayo takaw aksidente."
Hahahaha katulad ko si Bench kaskas kotse gang hahahahaha.
"Sige na ma alis na ako"
Dinampot ko ang phone, pitaka at susi ko at saka umalis.
"Hoy bastos kang bata ka aalis ka lang ng ganon ganon na lang!"naks si mama gabi na pero nagvivibrate pa rin sa buong mansion ang boses.
Lumapit na ako at saka humalik.
"Alis na po ako"ngumiti ako at "Happy?"dugtong ko.
"Aray"putik paboritong gawin ng mama ko, ang kurutin ako sa tagiliran.
"Lakad na!"
Ganyan lang kami ni mama, pero wag lang kay papa at kay kuya na akala mo dala-dala lahat ng sama ng loob ng buong mundo.
Mabuti na lang busy yung bunso namin. Hindi kasi mapakali yan kapag wala ako sa bahay. Malapit kaming dalawa dahil ako ang laging nag-aalaga sa kanya ng maliit siya. Lagi din naman kasing busy si mama at papa at yung kuya namin may sariling mundo.
Mabilis naman akong nakaalis.
"Pre gusto mo ba ng makakain?"niloudspeaker ko na lang dahil hindi ako komportable kapag nakaearphone.
"Sure sige kumusta siya?
"Sabi ko na nga ba sinabihan ko na yan na magpatingin kasi parang ang putla tapos ang payat-payat."
"Mag-isa na lang siya?"
"No wonder kung bakit napapabayaan niya din ang sarili niya"
"Sige pre give me 30 minutes andiyan na ako bibili lang dadaan lang ako sa fast food at sa store."
Then siguro inabot din ako ng mga 40-45 minutes bago nakarating sumakto kasing marami din nabili sa may fast food na binilhan ko ng pagkain.
Madali lang din akong nakarating at may sumama pang nurse sa akin para samahan ako papunta sa kuwarto ni Erese.
"Pre kumusta daw?"bati ko kaagad kay Bench pagpasok inabot ang pagkain pati na ang prutas.
"Ayos naman na pre buti daw na lang din daw natignan na siya ng doctor kasi muntik daw magkaulcer pati na rin masyado daw siyang payat sa edad niya."sagot naman ni Bench.
Pinagmasdan ko si Erese, kung maalagaan lang siguro itong tao na ito gwapo din eh at di rin naman nalalayo ang itsura kay Bench. Tumabi na ako kay Bench, binuksan ko ang dala kong juice inabot ang isa sa kanya at nagbukas na rin ako para sa akin.
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
AléatoireDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...
