"Oh bunso bakit parang ang tahimik mo ng mga nakalipas na araw ah"kasalukuyan akong nageedit ng mga report kasi may data na hindi nailagay na nasa hard copy ng report.
"Hoy!"doon lang ako nagulat sa ate ko.
"Po?"napatingin ako at napatigil ng pagtytype.
"Hmmm may problema no?"natatakot akong magsabi.
"Sir need po kayo sa office, ay mam excuse lang po kasi may kailangan po kaming data at saka papatulong din po kami sa assessment ng mga applicant kay sir"singit ng isang empleyado, good ang timing niya makakaiwas ako.
"Excuse muna ate huh puntahan ko lang"kinuha ko ang folder sa mesa ko at saka umalis.
"Okay galingan sa work!"dinig kong sigaw ni ate.
Hindi na ako lumingon diretso na ako sa office para magawa ang kailangan tapusin.
"Break na ba kayo ni sir Ian?"tanong ni Tammy sa akin ng isang beses ayain ko silang kumain sa labas.
"Uhmmm totoo ba yun kasi may nakikita din kasi ako minsan kapag napapadaan sa company nyo nasaktuhan na may babae siyang kasama"si Neri.
"Friend alam mo ang sweet nilang dalawa at balita namin ito daw ang madalas na kasama noon ni sir sa out of town work parang anak ng investor tapos balita namin sa mga ibang kasama namin na nakakasama ni sir sa out of town work madalas late na silang umuwi, minsan nahuhuli din nila na umaga nalabas sa room ni sir sa hotel ang babae, though nakapustura siguro dumaan lang pero minsan parang madaling-madali sa paglabas at palingon-lingon sa paligid eh siguro di kilala yung ibang kasama namin na kasama nila kaya no care siya noon nakikita siya ng mga ibang kasama namin..."kuwento ni Mika.
"Alam nyo kumain na lang tayo okay."sagot ko sa kanila.
Ngumingiti ako pero deep inside nalulunod ako sa mga tanong na gusto kong masagot at malaman.
I just that i'm okay na wala lang yun.
May........
May time na binati ko siya ng "Good morning kumusta po? I love you po" ang sagot sa aking "Morning din" then the rest is history, wala ng ibang reply ako naman panay bati, nagpapadala pa nga ako ng food na niluluto ni mama sa office niya.
Si kuya Benj naman kasi di nakakapunta doon dahil may bagong bukas na branch si kuya Jessie sa Cebu eh ayon todo alalay at suporta si kuya.
May..............
May time na nagyaya ako ng dinner ang sabi niya may dinner siya sa clients niya twice iyon laging natataon.
May................
May time na actually ito yung last time na nagbonding kaming dalawa after manood ng sine at kumain umuwi na kami wala lang kaunti kumustahan lang tapos panay cellphone niya. Masaya naman rin ako kahit paano pero alam mo ang pakiramdam na may kasama kang masama ang loob sayo tapos kakausapin mo parang di kayo close tapos panay din tingin sa phone kada tutunog.
At ito buwan na ulit ang dumaan mas matamlay ang lahat sa amin.
"Sir ito na po ang mga papers ng mga applicant nacheck na po ni Mam Eva yan need na lang po ng approval ninyo, yan po ang mga pumasa sa application."
"Salamat"kinuha ko ang mga papel at inisa-isa kong basahin.
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
De TodoDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...