"Okay na ba pakiramdam mo?"napamulat ako bakit nag iba paligid, dahan-dahan akong umupo nilalayan pa ako ng lalake.
"Na-nasaan ako?"
Umupo ito sa kama.
"Andito ka sa ospital hindi mo ba naalala ang nangyari sayo?"doon lang ako parang nagising ang diwa.
"Te-teka po anong oras na?"
"7 ng umaga."tugon naman niya nagulat ako sa narinig ko grabe lagot ako baka malate.
"Sir, hala lagot ako kailangan ko na palang mag-ayos"aalisin ko sana ang suwero pinigilan niya ako.
"Anong ginagawa mo?"
"Malalate po ako sa trabaho sir bago lang po ako baka matanggal po ako eh."
"No need to hurry nasabihan ko na ang boss mo tropa ko yun kaya wag kang mag-alala."
"Ganoon po ba."bumukas ang pinto at may nurse na pumasok.
Tumayo naman yung lalake, ay oo nga pala naalala ko kaibigan siya ni boss yung nakita ko kahapon sa office niya.
"Sir check lang po ng vitals tapos parating na rin po ang pagkain at gamot paalalayan na lang sa pag-inom."
"Sure"tugon naman niya.
At dumating na nga ang pagkain pati isa pang nurse na may dalang maliit na tray.
Inabot nito ang mga gamot at nagbilin kung kailan ulit ang inom.
Matapos akong macheck nung naunang nurse umalis na rin sila.
"Kain ka na"nilapag niya ang pagkain na nakalagay sa isang maliit na table.
"Salamat po sir"dahil gutom din na ako di na ako nahiya.
Pero ng akmang kukunin ko na ang kutsara ay may panginginig pa ang kamay ko.
"Ako na bunso ang papakain sayo"kinuha ang bowl ng lugaw at hinipan-hipan ito, mainit siya kita ko pa ang usok mula rito.
"A-ako na po sir pasensya na"inaabot ko ang bowl kaso wala parang wala rin lakas pa ang mga kamay ko.
"Sige na kain na wag ka ng mahiya"nahihiya man pero dahil gutom na rin ako at bilan ng nurse na nag-abot ng gamot na ubusin muna ang pagkain bago uminom ng gamot.
Parang gusto kong maiyak sa sandaling iyon kasi huli kong naranasan ito noong buhay pa si papa.
"Ayan very good ang bunso namin"akala ko nagkakamali lang ako ng dinig kanina pero hindi pala.
"Sir?"mahina kong bigkas.
"Bakit bunso?"
"Bakit nyo po tinatawag na bunso?"
Ngumiti si sir, parang may tamis ito at para akong nakaramdam din ng tuwa sa ngiti niya na tila ba nakita ko yung ngiti na yun noon.
"Kaedad mo kasi yung bunso kong kapatid na nawawala"tugon naman niya.
"Bakit po nawala?"
"Hindi kasi magkasundo si mama at papa noon tapos basta naging magulo at nagkahiwa-hiwalay kami."
"Ganoon pala"
"O sige na ubusin mo na ito"sumunod naman ako.
Kahapon hindi ko gaanong napamasdan ang mukha ni sir, ang pogi niya pala parang si boss paniguradong habulin din siya ng mga babae.
Naubos ko ang lugaw tapos inalalayan niya akong uminom ng tubig. Hinanda niya rin ang gamot.
Matapos kung mainom ang gamot tumunog naman ang cellphone niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/221510680-288-k609130.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
AléatoireDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...