S2 E1

5 0 0
                                    

"What!"napahigh note ako sa gulat.

"Sir OA huh"limang box coffee mix, limang box tea life, limang box ng perfume na berry power, limang box ng perfume na vanilla yum, limang box ng perfume na night life love and mga bag for delivery today dito lang sa Manila ang address. Cash and bayad girl grabe!

"Hindi naman sa ganoon pero ang dami kasi at ang mahal ng mga perfume natin ah pero thankful sige-sige ayusin na yan"

"Sir-"umikot pa man din ako sa upuan kung mamahalin char"Sir kakausapin din po sana kayo ng customer natin"napatingin ako sa Kakai kalakay...

"Bakit daw di nyo ba naexplain lahat?"

"Actually may proposal din po sila"

"Ngek di pa nga ako nililigawan  proposal agad?"

"Hahahahaha ikaw talaga sir basta sir papasukin ko dito ah"

"Go!"

The beautiful goddess enter , matangkad, long-hair, morena, beautiful figure bagay sa height niya, gorgeous eyes and perfect red luscious lips.

"Good morning po"bati nito, napatayo at binati ko din siya.

"Upo ka po"

"Uhmm sir nabanggit na po ba ng assistant nyo ang about sa proposal namin?"magsusupply kami ng mga products namin doon pati na mga beauty product ni spa bet din nila.

"Yes actually ano ba ang proposal nyo may letter ba kayo or presentation?"

"No sir sasabihin ko po muna verbally sir, magbubukas po kasi kami ng malaking store wherein gusto sana namin ipasok din itong mga product nyo at nakita po kasi ng boss ko na promising ang mga product nyo kaya po ayon."

Napaisip ako paano nilang nalaman, buyer din sila, i mean nakabili na ba sila ng products namin at ang alam ko kami lang ang nagbebenta ng ganito sa Pinas at direct kami sa supplier sa SoKor.

"But i think mas maganda kung magsend na lang kayo muna ng proposal para mas klaro sa akin ang takbo ng lahat hindi ko kasi kilala ang boss mo."

"Sir"may inabot siyang invitation "Para po sa opening yan ng store actually heads-up lang po malaking warehouse po ang store at iba po ang design niya unlike the usual store set-up and ang pagkakaalam ko po kilala po kayo si bossing."

????yan ang nalabas sa utak ko sa sinabi niya.

"Paano naman niya ako nakilala?"

"Uhmmm di ba po naglilive selling din po kayo online and may friends din po ata siyang nakabili na ng products sainyo and they recommend it to him and actually nakatry po ako ng guava cee nyo na juice na may ibang herbal extract ang ganda po di na ako madaling magkasakit at di rin ako gutumin actually."

"Wow amazing naman pala, so-"napatingin ako sa invitation "Next week na pala ang bukas nyo?"

"Opo sir so punta po kayo ah my boss is dying to see you fan nga po siya ang cute nyo daw and he feels na you have a golden heart"

"Ngek hahaha di nya ako kilala miss"binaba ko pa boses ko yung parang nanakot "hehehehe kaloka naman pala bossing mo."

"Ay sir di po kayo magsisi kasi super pogi and hot ni boss kaya lang sad kasi naloko siya tapos nakasakit din siya ng totoo niyang mahal."

"Ang sad naman."

"Oo nga sir pero noong nakikita ka po niya sa live selling nyo nainspire siya at saka gusto ka daw po niyang makilala."

"Hala adik din ba boss mo?"

"Hala bakit naman sir?"

"Eh lalake ako eh at saka beks ganern"

"Hehehehe bi po si sir actually yung kinukuwento niyang true love niya na sinaktan niya dahil nabulag siya sa iba ay beks po pero super cute, bait and loving daw po iyon at alam mo sir kung bff ko lang si boss baka nasampal ko siya sa ginawa niya alam nyo ang hirap na kaya makahanap ng totoong diyamente puro kasi peke, mga puwet ng baso"ay may hugot ka din teh?

"Hugot ka din teh?"

"Char sir oh basta po ah asahan kita and iaassist po kita doon malay mo magustuhan mo po si boss di ba mabait po yung masungit nga lang kapag may monthly period hehehe"

"Ay virgin pa ako eh hahahahaha"

"Ikaw talaga sir hehehehe oh siya po lakad na po ako tapos sabihin ko din kay boss na need padala ng proposal para nga naman tama mas klaro ang terms di ba po?"

"Correct!"nagmark pa ako ng check sa hangin hehehehe.

"Salamat po"

"Thank you din!"

Lumabas na ito at guess what nagpaorder din ng food sa restaurant for 60 katao yung combo meals pa ah na mas mahal kesa sa regular meals namin.

Thankful and blessed day.

Bumaba agad ako para chikahin sina Mika, Tammy at Neri yung si kolokoy busy kasi nag iinventory ng mga natitirang product para makaorder na ng stocks.

Marami din namang nanonood ng live selling ko kaya tapos nagpopost din sa mga social media ang mga nabili sa amin lalo na ang mga college students na nabili sa amin.

Okay naman din ang SPA at restaurant ko and yung gasoline station di naman nawawalan ng customer.

"Daming ganap today no?"si Mika.

"Oo nga eh pero worth it kasi gaya niyan dami ulit benta sobrang blessed ang araw na ito"

"Kaya nga eh sana marami ulit this month para di tayo mazero para tuloy-tuloy ang pasok ng pera."si Lucky naman ngayon, nagmimilk tea kami sa isang corner ng restaurant para kaming nagkakaroon ng meeting actually meeting naman pero informal since kumustahan lang naman ang peg that moment.

"True at kahit dito sa restaurant maya-maya din pasok ng tao sabagay maraming mga establishment malapit dito at saka aminin natin masarap ako!"napatingin kaming lahat kay Neri.

"Hoy kayo naman masarap akong magluto hahahaha"nagtawanan kami, grabe ang saya lang talaga kapag truelily frienshipness ang mga kasama mo sa work no?

"So pupunta ka ba sa opening kyeme na yan?"si Tammy.

"Parang oo nakakahiya eh gusto ko sanang isama kayo kaso ako lang ang invited"

"Pumunta ka na at saka mas may K ganda mo kaya at saka negosyo mo ito"at humigop ang nagmamagandang lips ni Mika, grabe sa lipstick ang lola mo awra day ne?

"Uhmmm sabagay afternoon yung tapos may padinner effect si owner sa hotel ano kayang magandang suotin?"

"Eh sir maganda magsuot ka ng mga product natin at saka magpabango ka ng perfume natin marketing strat na rin yun di ba?"may point tong si Lucky.

"Tama!"sang-ayon naman sila.

"Sige siguro simple get-up lang sa opening ng store then sa hotel na lang ako magpapalit ng formal para mas awra ang dramahan."

"Aawra ka ba doon?"banat ni Mika, kasi ganito.............

Di ba year na ng matapos kami, may dalawang sabihin na natin gwapo at mayaman din na mga nilalang ang nagparamdam then napunta sa store pero tinatamad ako eh so snob ko sila ang sabi ko di pa ako ready kung okay lang ba ng friends muna eh tapos kinatatamaran ko din makipag usap sa chat or vc dahil nga nagsisimula lang din ako sa negosyo ko di ba at kapag nauwi naman ako yung pamangkin ko naman inaasikaso ko, inaagawan ko ng role si ate Bel at kuya Kurt hahahaha, love na love ko kasi si Bryan eh first pamangkin at wag kayong maingay buntis ulit si ate at kakasal na sila hahahaha ang saya-saya sana all. 

Itutuloy.................

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon