"Okay ka lang ba?"si Mam Jo siguro napansin na para akong tangang nakatunganga sa harap ng computer.
"Okay lang po medyo pagod lang kahapon"
"Ah ganoon sige lalabas na kami kayo na muna bahala dito ah"
"Sige po ingat po kayo"
Ito kasi ang kuwento.........
Nalaman ko na break na sila ni Lucy at ang ayaw ko ang narinig ko na gusto nya daw subukan na maging kami. Ano ako gamit?
Kesyo hindi naman ako mahirap mahalin dahil daw mabait ako at cute etc......
Kaso nasaktan lang ako sa part na....................ay ewan!
Makapagkape na nga lang. Tumayo ako para pumunta sa pantry namin.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko siya roon mag-isa, pagkasilay pa lang sinara ko na agad ang pinto saka umalis. Masama ba ako? Tanga ba ako? Tama ba na makaramdam ako ng ganito na hindi na maganda ang tingin ko sa kanya?
Nagpaalam na lang ako kay Ms. Rose na bibili na lang ako sa canteen ng softdrink at nagpasabay din ito gusto ko rin naman maglakad-lakad muna baka sakaling makawala saglit sa pag-iisip na ito.
Pagtapat ko sa pinto ng elevator at eksakto din naman na dalawang floor na at tatapat na siya sa floor namin. Steady lang akong nakatayo at naghihintay sa pagbukas nito.
"Uy bunso"bungad agad ni kuya sa akin pagkabukas ng pinto, ngumiti lang ako at saka pumasok hindi na rin niya ako kinulit alam naman niya siguro na hindi pa ako okay.
Naiinis ako kasi parang okay lang din sa kanya, hindi man lang niya inisip na ang pangit ng dating sa akin ng salitang "Gustong subukan sa akin".
Hindi kasi maganda ang dating ng salitang yun sa akin.
Ginugulo lang ako ng mga pagkakataon.
Tama ba ako ng nararamdaman? Paulit-ulit ito sa isip ko habang naglalakad ako patungo sa canteen, gusto ko lang magreflect. Hindi naman pa ako makaopen ng feelings kay mama takot ko lang din baka kasi magalit siya.
-Parang magagamit ka niya to move-on?
-Alam mo okay sana eh crush mo yun, gwapo, macho, mayaman at masarap pero bakit ganoon, bakit ganoon ang datingan sayo nung tao?
-Hindi ko alam kung tamang nagalit ako dahil doon, hindi ko rin alam kong tama ba na umarte ako ng ganito, yes you know naman na crush ko siya pero para kasing take-advantage ang datingan ng ginawa niya.
-Nag-usap na ba kayo?
-Ayaw ko muna kasi feeling ko di ko pa maiintindihan ang rason niya if ever mag-explain siya kasi hindi pa okay dibdib ko.
Pagkabili ko ng softdrinks bumalik ako kaagad sa office and luckily wala akong nakasalubong ni isa sa kanila. Tinapos ko na ang gawain ko at habang lumalagok ng softdrinks.
Dumating ang hapon at uwian na nagmadali lang din akong umalis at may usapan din kami nina Mika at Tammy na magmamall.
Papara na sana ako ng taxi dahil ang dalang ng jeep sa sandaling yun ng may tumigil na puting kotse sa harapan ko.
"Hey saan punta mo?"napayuko ako at napatingin sa nagsalita sa loob ng kotse si Miguel pala.
"Uy ikaw pala hindi ka pa ba nauwi sa province?"
"Hindi pa eh may inaayos, teka saan ba punta mo?"
"Sa may mall sana kasi magkikita kami ng mga kaibigan ko"
"Tamang-tama papunta din ako roon halina sakay ka na"
Dahil sa naexcite ako kasi may kakwentuhan ulit ako, siya ko maoopen itong feelings ko bukod kina Mika at Tammy. Ngunit bubuksan ko sana ang pinto ng may humila sa akin.
BINABASA MO ANG
Hanggang saan ang tayo?
DiversosDi man normal kung ito ay kanilang uriin ngunit hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman, saktan man ako ng pag-ibig na natagpuan sayo. Paano nga ba ako napunta sa ganito? Hindi ba tama ang ganito? Pero sa aking parang masakit kung hindi...